TWELVE

98 4 0
                                    

Shin's POV

"Shin, hindi ka ba napapagod sa katatago ng nararamdaman mo kay Boss Z?" tanong ni Yong sa akin.

Nasa school na kaming apat at si Zee nalang ang hinihintay namin. And as usual, nasa tambayan na naman kami.

"Ewan ko."

"Kailan mo ba balak sabihin kay Boss Z 'yan? Or mas tamang sabihin na, itatago mo nalang ba 'yan habang buhay?" dagdag naman ni Casper.

"Hay naku! Huwag kayong magmadali. Darating rin ang araw na mabubunyag ang lihim na pag-ibig ni Shin kay Boss Z," sabat ni Takuya.

Sabay kaming napalingon kay Takuya. Woah!!! Ang lalim nun, ah? May utak rin pala ang isip-batang 'to?

"Hoy bata! Huwag ka ngang sumali diyan! Usapang pangbinata 'to!" pang-iinis ni Casper.

"Hindi na ako bata! Kaya ko ng gumawa ng bata!" sagot ni Takuya sabay pout.

"Hahaha! Talaga? Sige nga, patunayan mo!" hamon naman ni Yong.

"Oo ba! Makikita niyo! Isang araw, magiging girlfriend ko 'yang si Mica," sagot ni Takuya sabay kuha ng bag at umalis. Hala, nagtampo ang mokong. Psh! Isip-bata pa rin talaga. Pero teyka nga...

"Mica?" sabay sambit naming tatlo.

"Si Mica na classmate natin sa english?" I asked.

"The peace-maker and the very serious chic na si Mica Roosevelt?" dagdag pa ni Yong.

"Ang amerkanang hilaw na katabi ni Takuya?" tanong naman ni Casper.

"Hahahaha!" napatawa kaming tatlo.

"Hanep dude, may crush na ang bunso natin," sabi ni Yong.

"Mabuti nalang at hinamon mo Yong, nalaman tuloy natin ang sekreto niya," Casper smirked.

"Eh, ikaw naman Casper. May natitipuhan ka na ba?" tanong ko.

"Wala pa. Pero darating rin ako diyan. Baka bukas nga, makikita ko na ang babaeng magpapatibok ng aking pihikang puso."

"HAHAHAHA!" tawa nilang dalawa.

"Tsk. Umaga pa lang pero pag-ibig na pinag-uusapan natin," napailing-iling na himutok ni Yong.

"Nakakasuka namang pakinggan ng PAG-IBIG," reklamo ni Casper.

"Tsk! Ang arte mo. Kasasabi mo nga lang ng pihikang puso kanina! Pag-ikaw natamaan ng pana ni kupido, kakainin mo 'yang sinabi mo," asik ni Yong. Napa-iling nalang ako sa usapan nila. Tss.

"Ay sus... Iyan ay isang imahinasyon lamang. Walang kupidong nag-eexist dito sa mundo."

"Tumahimik na nga kayo," sabat ko para matigil na ang dalawa.

"Psh. Ang bitter nito. Malamang, gustong gusto ng makita si Boss," satsat ni Casper.

"Shut up!" naiinis na sita ko. Tumawa silang dalawa habang napasimangot naman ako.

"Hoy, mga mokong!"

Napalingon kaming tatlo sa babaeng sumigaw. Sino pa nga ba? Walang iba kundi si Zee. Tsk.

"Tagal mo naman, Zee. Magta-time na, oh!" reklamo ko sa kanya ng makalapit na siya sa amin.

"Ay sus... Nakasimangot na naman. Kay aga-aga palang, e!" sagot niya sabay pinch sa magkabilang cheeks ko.

Nagkatinginan kaming tatlo. What's going on in earth? Si Zee ba 'tong nasa harap namin? Napaka-aliwalas ng mukha niya. Kakaiba pa ang ngiti niya. Para bang, masayang-masaya siya?

Tsk! First time 'to. O baka naman, hindi siya si Zee? Baka kinuha ng mga alien ang tunay na Zee at dinala sa Mars? Tanginang imagination.

"Hoy! Ba't ka natulala?? Nagayuma ka na sa ganda ko? Hahaha!"

I came back to my senses ng batukan niya ako. Kahit sina Yong at Casper, parang tuod paring nakatayo sa tabi ko.

"Tss.. Anong nangyari sa mga 'to?" narinig ko bulong niya.

Siya pa 'tong naguguluhan sa reaksyon namin. Dapat nga sana ay kami ang magtatanong kung anong nangyayari sa kanya.

"Hali na nga kayo! Pasok na tayo." Ngumiti pa siya sa amin. Nauna siyang lumakad at agad naman kaming sumunod.

Mataman ko siyang minamasdan habang nasa likod kami. At alam kong iyon rin ang ginagawa ng dalawang tahimik na mokong na kasama ko.

Habang naglalakad kami papuntang room ay palinga-linga si Zee. May hinahanap siguro siya. Pero... sino? Alam kong hindi si Takuya dahil nakaabang na ito sa pintuan ng room habang pakaway-kaway sa amin.

Pagdating namin ay agad na kaming nagsiupuan. Hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ni Zee. Ano ba talagang nangyayari sa kanya?

"Aray!"

Sabay kaming napatingin sa may pintuan ng may biglang nadapa.

"Hahaha. Sabi na nga ba, eh!" Narinig kong tawa ni Zee.

Biglang tumayo si Zee at akmang lalapit sana kay Zac. Pero agad ring tumayo si Zac na nanlaki ang mata at biglang tumakbo palabas.

"Hahaha! Gunggong! Bumalik ka dito! May klase pa tayo uy!" sigaw ni Zee sa papalayong si Zac.

Nagkatinginan na namin kaming apat na lalaki.

Si Zac ba ang dahilan ng biglang pagsaya niya?

Siya ba talaga ang dahilan?

Bakit?


TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon