Zac's POV
Tapos na akong mag-lunch at nasa may field ako ngayon. Nakaupo ako sa may lilim ng puno habang iniisip si Zyra. Hindi pa rin siya pumasok kanina at nagsimula na akong mag-alala.
The bell rang for the next subject. I hurriedly stand up, not because I'm going to my class but because I need to find Zyra. Hindi ako mapapakali kung hindi ko makitang okay lang siya.
Pumunta ako sa rooftop, baka nandun siya dahil minsan na rin kaming tumatambay doin. Pero wala siya. Sinubukan kong hanapin siya sa library, canteen, study hall, clinic at bumalik pa ako sa field na nagbabasakaling nandoon siya but I failed again.
"Zy... Nasan ka na ba?" I whispered to the air.
Inilibot ko ang paningin habang nakahawak sa noo. Nag-isip pa ako ng lugar kung saan pwede siyang tumambay. Sa huli ay nagkaideya ako. I hurriedly got my way to the mini park at the back of the school.
"I hope you're there," I wished while running.
"Zyra!" sigaw ko agad ng makarating ako sa park. Ilang ulit kong tinawag ang pangalan niya. But silence answered me.
Lumapit ako sa may puno na inakyatan ko noong hinanap niya rin ako.
And there...
I found her lying unconciously at the ground. Agad ko siyang nilapitan at pinabangon.
"Hey! Wake up!" I checked her pulse. Nawala ang kaba ko when I felt her heartbeat.
"Dadalhin kita sa clinic," saad ko at binuhat siya. Bigla siyang umungol.
"No..." mahina niyang sambit.
"You want to go home?"
"No either. Bring me somewhere else... away from people, away from home," she answered then closed her eyes again.
Dali-dali kong sinunod ang gusto niya. At isa lang ang lugar na naisip kong puntahan...
I decided to bring her to my place.
...
Hiniga ko si Zyra sa kama ko. Mahimbing ang pagkakatulog niya kaya hindi ko na siya ginising pa.
Napansin ko ang dumi ng suot niya dahil sa pagkakahiga niya doon sa may puno. So, I asked our maids to change her clothes sabay bigay sa black na shirt at blue na pants. Sa akin ang damit. Naka-lock kasi ang kwarto ni Ate kaya hindi ako nakakuha doon ng ipapahiram sana kay Zyra. I have no choice but to let her use my clothes.
Pagkatapos siyang bihisan ay bumalik ako sa kwarto na may dalang malamig na tubig at bimpo. Nilalagnat siya. I wanted to take care of her. Umupo ako sa gilid ng kama. I put the small basin beside the bed, tapos piniga ko ang basang bimpo at nilagay sa noo niya.
Napigil ko ang hininga ko when I saw her face.
"You are so beautiful Zy... Sana ganito ka peaceful ang mukha mo lage. I don't want to see you sad nor angry. I just want you to be happy. Always..."
I touched her face and smiled. This is an another opportunity to see her different sides. Hindi ko alam kung nakita na ito ng mga kaibigan niya. Pero kung hindi pa... Damn! Ang swerte ko kung ganoon. Her trust on me felt so overwhelming. Naitatanong ko sa sarili ko kung anong nakita niya sa akin to deserve this trust from her.
Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako sa kamay.
"Zac..."
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...