Zyra's POV
Nandito ako sa likod ng school. Sa may mini park.
Hindi na ako umiiyak.Pero alam kong nakabakas pa rin sa mukha ko na galing nga ako sa pagda-drama.
Nakaupo ako sa damohan habang nakasandig sa puno.
Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata.
Sa dami ng inisip ko, bigla akong nakadama ng pagod.
Zac's POV
Nakita ko siyang tahimik na nakapikit habang nakasandig sa puno. Kanina pa ako dito at nakamasid lang sa kanya. Hindi ko pa siya nilalapitan dahil nagdadalawang isip pa ako.
Napabuntonghininga ako. Ramdam ko ang lungkot ng aura niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pero ayokong magulat siya.
Kalaunan ay lumapit ako sa kinaruruonan niya.
"Zy..." Tinawag ko siya.
Gulat na gulat na napalingon siya sa akin. Ngumiti ako at tumabi sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Tinatabihan ka."
Napa-tss lang siya sa sagot ko at hindi na ulit umimik. Pareho na kaming nakatingin sa langit.
"Nadatnan ko ang papa ko sa bahay namin," kwento ko. Matalim siyang napatingin sa akin. Alam kong dahil iyon sa sinabi ko. Dahil pareho kami. Nasa kanila na rin ang kanyang ama.
"Umuwi na siya galing ibang bansa. At sabi niya na magsti-stay na siya dito sa Pinas," dagdag ko.
Lumingon ako sa kanya. At nakita ko ang galit na mukha niya pero hindi mapagkakaila ang lungkot sa mga mata niya.
"Sa pagbabalik niya, may nalaman rin akong sekreto," patuloy ko pa. Hindi naman tuminag si Zyra sa sinabi ko. Nakikinig lang siya. "...tungkol sa Daddy mo."
At doon ko nakuha ang atensyon niya. Mabilis siyang napalingon sa akin. Pero bigla niya akong kwinelyohan at tiim-bagang na tinanong ako.
"Anong alam mo sa Daddy ko?!"
Tiningnan ko siya mata at hinawakan ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa kwelyo ko.
Nasa bahay na si Dad ng dumating ako kanina. Ang saya ko nga ng makita siyang nakauwi na. Hindi rin sinasadyang narinig ko ang pag-uusap nila mama kaya nalaman ko ang tungkol sa Daddy ni Zyra.
I know that they were talking about him because they mentioned Zain. Nasali pa nga ang pangalan ni Zyra at ang Mom niya kaya nag-conclude agad ako at tama nga ang naisip ko.
Pagkatapos kung malaman ang lahat ay mabilis akong nagpaalam upang puntahan si Zyra. Hindi ko na siya nakita sa school kanina kaya naisipan kong puntahan siya sa kanila.
Naabutan ko na umiiyak ang mommy niya habang inaalo ng daddy niya. Nagpakilala ako sa kanila at tinanong kung nasaan si Zyra. Pero hindi daw nila alam dahil galit siyang umalis.
Nag-alala ako ng sobra dahil baka anong mangyari sa kanya. Wala na akong ibang mapuntahan kundi ang bumalik sa school.
Nagbabakasakali akong nandito siya sa mini park. At nagpapasalamat akong tama naman ang hinala ako.
"Wala ako sa posisyong sabihin sa'yo ang lahat," ani ko sa kanya habang ibinababa ang mga kamay niyang nasa leeg ko kanina.
Napayuko siya at bumalik sa kanyang pagkakaupo. Mataman ko lang siyang tinitignan habang tinalungko niya ang mga binti niya, tapos ay isinubsob naman niya ang kanyang mukha sa may tuhod at yinakap ang mga binti.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...