Zyra's POV
"Anak," bungad sa akin ni Nay Belen pagmulat ko ng mata. Napalingon ako sa paligid. Nasa kwarto na pala ako at nakahiga sa kama.
"A-Anong nangyari?" mahinang naisatinig ko habang bumabangon.
"Nahimatay ka sa daan. Mabuti nalang at sinundan ka ni... nila Myla." Naibaling niya ang paningin palayo sa mata ko. Napayuko naman ako. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa doon si Tay Danny. May dala siyang mangkok at isang baso ng tubig.
"Gising ka na pala. Heto at may dala akong mainit na sopas, kumain ka muna," saad niya at umupo sa tabi ko. Bali nasa magkabilang gilid ko sila.
Ngumiti ako, tinanggap iyon at nagsimula ng kumain. Nasa tabi ko lang sila at pinagmamasdan ako hanggang sa natapos ako sa pagkain.
Napag-isip-isip ko na kahit nagsinungaling sila sa akin, tinuring naman nila akong tunay na anak, inalagaan na tulad ng isang tunay na kadugo. Kahit dalawang taon ang nasayang, na hindi ko nakilala ang totoong ako, naging masaya naman ako sa piling nila.
"Patawarin mo sana kami, anak," biglang wika ni Tay Danny. Pareho silang nakatingin sa akin na may pagsusumaong mga mukha. Ngumiti ako at hinarap sila.
"Okay na po. Masaya naman akong nakasama ko kayo. Pasensya na rin sa inakto ko kanina."
Naluluha na si Tatay habang napaiyak naman ng tuloyan si Nanay. Sabay nila akong niyakap ng mahigpit.
"Napagtanto ko na, hindi kawalan ang dalawang taon na nakapiling ko kayo. Napakabuti niyo sa akin, itinuring niyo akong tunay na anak."
"Maraming salamat. Masaya kaming hindi ka nagsisisi at nagalit sa amin," buntong-hininga ni Tatay.
Napaluha na rin ako at niyakap sila ng mahigpit. Nakakatawang isipin na ang drama ng buhay ko. Na ang pagtitinda ng kakanin ni Nanay, pagchu-tutor sa mga bata, at paglalaba ng damit para may pandagdag kita ay dito lang pala matatapos.
"Tay, Nay... ayokong umalis dito. Ayokong iwan kayo."
Pareho silang napabitaw at agad akong tiningnan. Gulat ang nakabakas sa kanilang mga mukha.
"P-Pero... a-ayaw mo bang makita ang totoo mong mga magulang?" naaawang tanong ni Nay Belen sa akin. Napasulyap pa siya kay Tatay na nagugulohang nakatingin sa akin.
"Eh... H-Hindi ko po sila kilala at isa pa... hindi ko pa rin sila maalala." Napayuko ako at pinagdaop ang magkabilang palad.
Sa totoo lang, natatakot at kinakabahan talaga ako. Hindi ko maalala ang tunay kong mga magulang. Paano kong hindi pala maganda ang buhay ko noon? Paano kong hindi sila kasing bait nina Nay Belen at Tay Danny? Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin.
"S-Si Ken. Kilala ka niya. Itanong mo sa kanya ang lahat ng gusto mong malaman," sagot ni Nanay.
Agad akong napataas ng tingin ng marinig ang ikalawang pangalan ni Zac. Oo nga pala. Naalala ko na siya ang dahilan kung bakit naibunyag ang totoo.
"N-Nasaan ba siya?"
"Umuwi muna sa tinitirhan niyang bahay. Pero sinabi niyang babalik siya bukas. Bibigyan ka daw muna niya ng oras para makapag-isip at tanggapin ang lahat ng nalaman mo," sabi ni Tatay na napabuga na naman ng malalim na hininga.
Gusto ko ngang makausap si Zac. Pero... bigla yatang umiba ang pakiramdaman ko sa kanya. Noong una ay napakakomportableng makasama siya ngunit ngayong
nalaman ko na parte siya ng aking nawalang ala-ala... biglang naiilang na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Sino ba kasi siya sa buhay ko? Isang kaibigan? Pinsan? O kakilala lang?Pero ang inakto niya kanina... Hindi iyon ang kinikilos ng isang kakilala lang.
"Ano na ang pasya mo, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tatay.
"Mananatili po muna ako. Bigla-bigla po ang pangyayari at hindi ko pa po lubos maisip na magiging iba na ang buhay ko. Sa dalawang taon na nagdaan, nasanay na po ako dito."
Sabay nilang hinawakan ang kamay ko at dahan-dahang tumango. Nakita ko ang saya sa mukha nila. Pero hindi naitago ng mata ang lungkot na kaakibat nun.
"Kung iyan ang gusto mo, susuportahan ka namin," dagdag ni Tatay.
"Pero dapat mo pa ring ihanda ang sarili mo sa susunod na mangyayari. Kahit... nakakalungkot mang tanggapin, kailan mo pa ring bumalik sa tunay mong pamilya. Kailan ka naming pakawalan," saad ni Nanay.
Tumango ako at ngumiti ng marahan. Niyakap nila ako ulit at niyakap ko rin sila pabalik.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...