SIXTY-ONE

9 1 0
                                    

Myla's POV

Wala akong nagawa kundi ang samahan si Ken papunta dito sa bahay nina Aling Belen. Hindi ko magawang humindi nang makiusap siyang tulongan ko siya na malaman ang totoo.

"Myla! Zac! Mabuti at napasyal kayo!"

Nagkatinginan kami ni Ken. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero... nanginginig ang kamay niya. Kinakabahan ba siya?

"Nasaan ang Nanay at Tatay mo?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa loob ng bahay.

"Sila ba ang pinunta niyo dito? Hmp! Akala ko pa naman ako," masayang sagot niya. Nagkatinginan pa sila ni Ken, na naging dahilan ng pagsilay ng ngiti sa labi ng lalaki.

Posible kayang... nakalimutan man siya ng isip nito, natatandaan pa rin siya ng puso ni Razy?

"May gusto lang sana kaming itanong," saad ko  Tahimik namang nakikinig lang si Ken sa tabi ko.

"Ganun ba? Ang seryoso niyo yata ngayon? Teyka nga lang, tawagin ko muna sila," wika niya at agad ng lumabas papunta sa may likod ng bahay nila, nasa may gulayan yata ang mga magulang niya.

Napalingon ako kay Ken, na nakatingin rin pala sa akin. Binigyan ko siya ng magiging-okay-na-ang-lahat na ngiti. Tumango naman siya. And he mouthed "thank you".

Gaya ng plano namin, makikipag-usap siya ng mag-isa sa dalawang matanda. Habang dadalhin ko naman sa labas si Razy. Ayaw niyang mabigla ang kaibigan ko. At hindi pa rin naman nawala ang takot niya na baka... nagkamali lang kami ng assumption.

"Anong nakain niyo ni Zac? Bakit kung magtinginan kayo, ang lalim! Sabihin mo nga sa akin Myla, may relasyon na ba kayo? Hindi ka man lang nagpakipot!" tudyo ni Razy sabay tawa. Napangiti nalang ako.

Kung alam mo lang...

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Sa tingin mo ba, magugustohan ako ng kagaya niya?"

"Bakit naman hindi? Maganda ka, mabait at matinong babae. Marami ka ngang mga manliligaw dito!" saad pa niya.

"Edi ibig sabihin, pwede ka ring magustohan ni Ken?"

"An—Bak—Wala namang baliktaran ng tanong! Kayo 'yong pinapares ko e!"

Na dapat hindi mo ginagawa. Dahil kapag dumating ang oras na malaman mo ang lahat...

"Anong naramdaman mo ng makita mo siya?" I looked at her intently. I'm trying to read her mind.

"Ha? Kay Zac?"

Napangiti ako. Nakwento na sa akin ni Ken ang tungkol sa kanila, na may mga pangyayari na katulad sa mga nangyari sa pagitan nila noon. At tama nga siya, iba sa pandinig kung ang unang pangalan ni Ken ang tawag ni Razy sa kanya.

"Oo. May kakaiba ka bang naramdaman nang nagkausap at nagkasama kayo?"

Natahimik siya at matamang tinitigan ako. Siguradong nagugulohan siya sa mga tanong ko.

"Ang weird mo ngayon. Pero sige, sasagutin ko ang mga tanong mo," natatawang sabi niya. Ngumiti nalang ako at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Honestly, hindi ko alam kung bakit familiar sa akin ang mukha ni Zac. At para bang, kilala ko siya noon pero iba ang ugali niya ngayon? Basta, nakakalito! Kabago-bago pa lang namin nagkakilala pero pakiramdam ko, matagal ko ng alam kung sino siya. Ang gaan sa pakiramdam kapag kasama ko siya," nakangiti niyang kwento. Napayuko naman ako.

Ngayon, sigurado na akong... siya na nga. Siya ang nawala na matagal ng hinahanap. Siya na dapat ibalik sa totoong nagmamay-ari.

"Paano kung malaman mong kasinungalingan lahat ng alam mo? Na hindi totoo ang buhay na mayroon ka ngayon? Anong gagawin mo... Zyra?"

"Zy—Anong Zyra? Bakit mo ako tinawag na—"

"Sagutin mo nalang ang tanong ko."

"Hindi kita maintindihan. Bakit—"

"PAKIUSAP... SABIHIN NIYO SA AKIN ANG TOTOO!"

Sabay kaming napalingon sa bahay nang marinig namin ang sigaw ni Ken. Agad akong napatingin kay Razy.

"Teyka lang, Ra—"

"Anong nangyayari sa loob?"

Hindi ko na siya napigilan nang bigla siyang tumakbo papunta sa loob ng bahay. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya.

Oras na ba? Magbabago na ba ang takbo ng buhay nila?

"Ibalik niyo siya sa akin."

Nadatnan naming nakaluhod si Ken sa harap ng dalawang matanda. Umiiyak si Aling Belen. Nakatingin sa gilid si Mang Danny.

"A-Anong p-problema d-dito?" nagtatakang tanong ni Razy sa tatlo. Nagdadalawang isip naman ako kung lalapitan ba si Ken o hindi. Sa huli, napagpasyahan kong lapitan siya.

"Razy. Pumasok ka sa kwarto," utos ni Mang Danny. May awtoridad sa tono ng boses nito.

"No! She need to know the truth!" Pigil ni Ken na agad napatayo.

"Razy! Pumasok ka na sa kwarto mo!" sigaw ng tatay niya.

Napalipat-lipat ang tingin ng kaibigan ko. "AYOKO!" balik sigaw ni Razy.

"Anak, makinig ka muna," humihikbing pakiusap ng nanay niya.

"ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN? SABIHIN NIYO SA AKIN!"

Akmang lalapitan ni Ken si Razy, pero agad ko siyang pinigilan. Malungkot ang mga matang may luha na tumingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng iling.

Tumahimik ang paligid. Pero patuloy ang pag-iyak ni Aling Belen, pagkuyom ng kamao ni Mang Danny, nagugulohang mukha ni Razy, nakayukong si Ken at naiiyak na rin ako.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon