FIFTY-SIX

84 2 0
                                    

Zac's POV

It was a long journey before I arrived to this little town. Sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan, dito pa sa probinsya ang sumagi sa aking isipan. My first option was to go abroad but my mind changed. At dito ako napadpad. Kung sa ibang bansa rin kasi ako pupunta, madali nila akong mahahanap. While they can't imagine me going to a place like here.

"Ito ang bahay na pwede mong tuluyan, Sir. Hindi po ito kalakihan pero komportable naman pong tirhan. Kukunin niyo na po ba?" tanong ni Mang Lando.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng bahay. Kasinlaki lang ito ng sala namin sa mansion. Napakasimple lang nito pero comfortable namang tirhan. Kulay light blue ang mga kurtina nito. May isang maliit na kwarto na may hindi kalakihang kama pero kaysa naman ako at isang munting kabinet ang nandito. Ang maliit na sala ay karugtong na rin ng kusina at may maliit na bathroom sa gilid. May munting garahe naman sa labas na kasya ang sasakyan ko.

"Sige po." Tinanguan ko siya at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Maliit na halaga lang ang offer niya, dalawang libo sa isang buwan. Kompleto naman ang gamit dito maliban sa mga appliances tulad ng tv, hindi ko rin naman iyon kailangan.

"Ito po ang advance payment ko sa renta," abot ko sa kanya ng sampung libo.

Nanlaki ang mga mata ni Mang Lando ng makita ang pera. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap niya ito.

"Limang buwang renta po ba ito, Sir?"

Natatawang tumango ako sa kanya. Para sa ibang mayaman ay parang sampung piso lang iyon pero para sa mga tao dito, napakalaking halaga na nito. Kaya nga gagawin ko nalang na limang libo kada-buwan ang renta. Ang totoo nga ay pang-dalawang buwan lang ang binayad ko ngayon, may plano akong magbayad muli pagkatapos ng dalawang buwan.

Masayang tinulongan ako ni Mang Lando sa pag-aayos ng gamit. May kuryente naman dito kaya may ilaw at pwede rin akong mag-charge ng cellphone at laptop. Pinalitan ko ang number ko at wala akong balak mag-internet, naka-download na ako ng maraming movies na panunuorin sakaling ma-bored ako dito.

"Puntahan niyo nalang po ako sa kabilang bahay kung may kailangan kayo, Sir. Hindi naman po ako marunong gumamit niyang selpon kaya hindi niyo ako makokontak," pakamot-kamot sa ulong sabi niya kaya napangiti ako.

"Maraming salamat po, Mang Lando. Ken nalang po ang itawag niyo sa akin, at huwag niyo na po akong e po," iling ko kaya natawa siya.

"Sige, Ken. Mauna na ako. Maraming salamat din sa'yo."

Lumipas ang isang linggo na nasa loob lang ako lage ng bahay. Kakain lang ako at matutulog na ulit.

Ngayon ay panibagong araw na naman. Agad akong bumangon at pumunta sa kusina. Mabuti nalang at marunong akong magluto kaya nakakakain rin ako ng maayos. Ang paglimot kay Zy—sa kanya ang rason ko sa pagpunta dito. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay magpapakamatay na ako sa gutom.

"Tsk. Naubosan na pala ako ng stocks. Ang bilis naman!" Naiiritang sinara ko ang ref ng makitang wala na itong lamang pagkain at puro nalang beer.

Bumalik ulit ako sa kwarto at nagpalit ng damit. I grabbed my wallet and car key and went outside. Sumakay ako agad sa kotse ko at nagpunta sa bahay nila Mang Lando. Kumatok ako ng dalawang beses at hinintay ang pagbukas ng pinto.

"Oh Ken, ikaw pala. Anong maitutulong ko sa'yo?" bungad sa akin ni Mang Lando.

"Meron po bang palengke dito? Magpapasama po sana ako."

"Meron naman. Pero... hindi kita masasamahan e. May pupuntahan kaming binyag sa kabilang bayan," sagot niya na tila nanghihingi ng paumanhin ang mukha.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon