SEVENTY-THREE

6 0 0
                                    

Zyra's POV

"Sister-in-law!"

"Oh my... We missed you, iha."

Bigla akong niyakap ng dalawang babae. Ang isa ay kasing-edad ni Mama at kasing-edad ko rin siguro ang pangalawa. Napatingin ako kay Zac na nakangiti habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Katabi niya ang mga magulang ko na nakamasid lang sa amin.

"Rico."

"Xander."

Nakipag-manly hug ang papa ko sa lalaking binati niya. He looks like Zac. No doubt that the man named Xander is his father.

"Oh my G, Sis! Buhay ka nga. Matutuloy na ang kasal!" tuwang-tuwang niyugyog ng dalagang babae ang balikat ko. Nangunot ang noo ko sa narinig. Anong ibig niyang sabihin? Sinong ikakasal?

"H-Ha? Kasal?" nagugulohan kong tanong. Nagulat siya sa naging reaksyon ko.

"My bro—"

"Excuse us," biglang sabat ni Zac sa amin. "Samahan mo ako sa kusina," aya niya sa babae at hinila ito paalis.

"Doon muna kami sa greenhouse niyo," sabi naman ni Mama sa ginang na kaharap ko. Kasama niyang lumabas sina Papa at Daddy ni Zac.

"Maupo ka, iha."

"S-Salamat po," kiming sagot ko at sinunod siya.

"Huwag kang mahiya sa akin. Alam mo bang lage kang pumupunta dito noon?"

"T-Talaga po?"

"Yes. By the way, 'di mo nga pala kami matandaan. I am your Tita Kelly. Si Xyla naman 'yong nasobrahan sa vitamins kaya masyadong hyper. She's my oldest at bunso ko si Zac. While husband ko naman si Xander na kasama ang parents mo," she explained and smiled at me.

Ate pala siya ni Zac. Akala ko ka-edad ko lang. She looks so young. Sa pagkakaalam ko kasi, isang taon ang tanda ni Zac sa akin.

"Sorry po kung hindi ko kayo matandaan."

"It's fine. I understand. Hopefully, maka-recover ka na sa amnesia mo. Nandiyan naman lage ang anak kong si Zac para tulongan kang maalala ulit ang lahat," makahulogan niyang sabi. Ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin dahil nahihiya talaga ako sa kanya.

"Oo nga pala, nagkakilala kayo ng anak ko dahil matalik kaming magkaibigan ng mommy mo. Magkasosyo rin kami sa ibang  negosyo."

"Matagal na po ba kaming magkaibigan ni Zac? Ang nakwento niya lang kasi sa akin ay sabay kaming nakatapos sa parehong university."

Natahimik siya at biglang nag-iwas ng tingin. Kinabahan naman ako sa hindi malamang dahilan. I really sense something. Wala lang talaga akong ideya kung ano ito.

Zac's POV

"Bakit bigla mo akong hinila?! Nakita mo namang nag-uusap kami ni Zyra," naiiritang asik ni Ate Xyla pagkapasok namin sa kusina. Napatingin tuloy sa amin ang mga maids na naghahanda ng pagkain.

I exhaled deeply and frustratedly ran my fingers through my hair. Hinarap ko siya habang nasa magkabilang beywang na ang mga kamay ko.

"I have something to tell you and you have to cooperate."

"Ano na naman ba kasi ang drama mo?"

"She... She doesn't know the thing between us. Hindi ko pinaalam sa kanya ang totoo tungkol sa amin."

"What?! Why?!"

"Sshh! Lower your voice!"

"Just tell me your reason, dear brother!"

"I don't want to scare her."

"That's lame! Bakit naman siya matatakot?!"

"A-Ayoko siyang mabigla."

"You can't avoid that. Duh?!"

"What if her feelings for me... faded. Paano kung nawala rin ang pagmamahal niya sa akin katulad ng ala-ala niya?"

"So, yourself is the problem all along. Ikaw naman pala 'tong takot e!"

Napayuko ako. Alam kong sasabihin niyang mali itong ginagawa ko. Napuno na ako ng mga pangaral ni Shin but still, sinusunod ko pa rin ang gusto ko. I just can't stop the fear that building inside me. Naduduwag talaga ako.

"You're a coward, Zac! Ngayon ka pa ba magpapaka-negative, e nandiyan na, pwede mo ng hawakan ulit ang taong 'di mo magawang kalimutan! Bumalik siya sa'yo! Hindi mo naisip na tinadhana talaga kayo dahil ikaw mismo ang nakahanap sa kanya?"

Natameme ako. Dahil totoo ang sinabi ng kapatid ko. Naisip ko rin iyon at masaya ako. It's just that... mas nananaig ang takot ko. Ayaw ko rin naman ng pakiramdam na ito. Pero hindi ko lang talaga mapigilan. Kahit anong pagkonsuwelo ko sa sarili ko na babalik rin ang ala-ala ni Zyra, mararamdaman niya ulit na mahal niya ako, iba ang nakikita ko sa mga mata niya. I see nothing there. She looked at me with overwhelming unfamiliarity.

"B-Basta! Sundin niyo nalang ang gusto ko. Huwag niyong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin.''

"Aish! Ewan ko sa'yo! Ang tigas ng ulo mo! Ikaw rin naman ang mahihirapan kaya bahala ka!"

Padabog na umalis si Ate kaya agad ko siyang sinundan. Tumibok ng malakas ang puso ko ng makita si Zyra sa may sala kausap si Mama. They looked so serious. Did Mom tell her?

"I want her to remember me. Hindi man ng isip, kahit ng puso lang niya," habol ko sa kapatid ko.

"Tss. Ginagawa mo lang komplikado ang lahat."

"It's worth the try."

Hindi na sumagot pa si Ate hanggang sa nakalapit na kami kay Zyra at Mommy. Hindi nila kami napansin dahil sa lalim ng pag-uusap nila.

"Matagal na po ba kaming magkaibigan ni Zac? Ang nakwento niya lang kasi sa akin ay sabay kaming nagtapos sa parehong university," tanong ni Zyra kay Mommy. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ng aking ina. Alam kong nahihirapan din siyang sundin ang gusto ko tulad ni Ate.

"Mom, Zyra," I called them. They immediately turned their head at me. Hinarap ko naman ang kapatid ko.

"Handa na ang lunch. Tara na sa kusina," nakangiting sabi ni Ate Xyla. Binigyan ko siya ng makahulogang tingin ngunit inirapan niya lang ako.

"Tawagin ko lang sina Dad at Tito. Mauna na kayo sa kusina."

"Nasa greenhouse sila, Zac," my mother answered. I nodded and went outside without looking at Zyra. But I can feel her stare at my back.

I know you're smart, Zy... But please, remember me instead of knowing the truth now. Remember me first.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon