Zac's POV
Monday na ulit at trip ko ng pumasok sa English class ko. Limang araw akong absent, siguradong patay ako sa Professor ko.
Idaan mo nalang sa charms, Zac! Ay, teyka. Wala nga pala ako no'n.
Nakarating na ako sa floor kung saan ang english room namin. Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan, nagkaklase na kasi sila. Hays, late pa ako.
"E-Excuse me Sir, ay, Ma'am?"
Napalingon sa akin ang lalaking nagpapakababae. Ang talim tumitig pero nakakatawa ng itsura niya. Imbes na matakot ay mas tamang mapapahalakhak ka. Para siyang pwet ng manok na tinubuan ng mukha. Hehe!
"Yes? What's your problem?"
"Ahm, m-may I come in?"
"Who are you?!" Ang high pitch niyang magsalita. Pinagtaasan pa ako ng kilay. Napalunok tuloy ako. Mukha kasing nakakasugat ang talas ng eyebrow niya.
"Zac Ken Rain, at your service, Sir!" Nakangiti akong nagsalute. Baka pwede ko pa siyang madaan sa killer smile ko.
Pero biglang nagtawanan ang mga classmates ko. Nakakatawa ba ang ginawa ko? Napakamot tuloy ako sa ulo. Nakita ko namang napatigil ang Professor namin.
"Okay. You may come in now."
Yahoo! Akala ko pa naman papagalitan ako ng todo. Nakwento siguro ni Ninang na may inaanak siya na bagong mag-aaral dito. Naalala niya siguro. Mabuti nalang.
"You may sit beside Ms. Zain, Mr. Rain."
Napatingin ako sa tinuturo niya. And my eyes widened in shock. Packing tape! Si Ms. Gandang Sungit na naman?!
"Hoy, Nerdy Jumper Boy! Anong tinatayo-tayo mo diyan? You're interrupting the class!" sigaw niya.
"Ay, oo nga pala! Sorry."
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Seriously, am I a clown here?
Lumapit na ako sa kinaruruonan niya at umupo sa katabi niyang upuan. Wew! Maganda 'to pre! May inspiration na akong pumasok sa English class ko! Sana pala hindi na ako umabsent. I wasted five days, not knowing I'll be sitting beside her.
Zyra's POV
Patawa talaga 'tong nerd na 'to! Tsk. May kasalanan pa pala siya sa akin. Humanda siya mamaya. Maniningil ako!
Naramdaman ko ang pagsulyap-sulyap niya sa gawi ko habang nakikinig ako kay Professor Tanya, from his real name is Antonio.
Naisipan kong lingunin ang bagong seatmate ko and… boom! Namula ang loko! Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa akin. Tss. May bagong admirer na naman ako. Wew! Kapal!
Nagpatuloy ang discussion at nakinig nalang ako. Pinilit kong hindi ma-distract. Medyo nga… nadi-distract ako dito sa katabi kong tingin ng tingin sa akin.
Agad nagtayuan ang tropa ko at syempre kasama ako nang mag-ring na ang bell. Nasa last row ako nakaupo. Nasa kanan ko si Nerd, si Shin at Yong sa kaliwa. Habang nasa unahan ni Nerd si Mica na katabi sa kaliwa sina Takuya at Casper.
Walang lingon kaming lumabas. Mamaya ko nalang kukutusan ang Nerdy Jumper Boy na 'yon. Ayokong malaman ng barkada na nagkakilala na kami. Para kasing… nahihiya ako? Hindi ko naman alam kung bakit.
Zac's POV
Nakakagulat talagang malaman na classmate ko pala si Ms. Gandang Sungit. Ano nga ulit ang pangalan niya? Hays. Nakakalimut naman kasi ang ganda niya. Rawr!
Kung alam ko lang sana na classmate ko siya, pumasok na ako last week pa. Sayang talaga! Nakakasisi. Pero atleast ngayon alam ko na at katabi ko pa siya. Kapag lapitin ka nga naman ng swerte.
Ano ba 'to? Crush na crush ko na si Ms. Gandang Sungit. Naku! Pagtatawanan niya ako nito kapag nalaman niya.
Nakakahiya ngang nahuli niya akong nakatingin sa kanya kanina. Pero kinilig naman ako. Tumingin rin kasi siya sa akin!
Oh, no. Galit pala siya sa akin no'ng huli kaming nagkita.
Patay! Muntik ko ng makalimutan 'yon, ah? Kailangan ko ng umuwi bago niya pa ako makita at mabalatan ng buhay!
Hindi naman ako takot sa kanya. Iwas gulo lang. Nanginginig lang ang tuhod ko ngayon kasi hindi ako maka-get over sa kilig ko kanina.
"HOY NERD!"
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...