Zyra's POV
Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Ang gwapo niyang tingnan habang nagda-drive. Parang may photoshoot siya. Bawat angle, perfect!
"Tutunawin mo ba ako?"
Napasinghap ako ng bigla siyang lumingon at nahuli akong nakatingin sa kanya. His eyes are serious. But suddenly his lips curved.
"H-Hindi naman kita tinitingnan."
"Ano palang ginagawa mo?"
"W-Wala."
He laughed at my answer. Nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa pagka-manly ng tawa niya. It sounds so good in my ears.
"Bakit ka na naiilang sa akin?"
Napakurap ako. Mukhang nasa akin rin ang atensyon niya kahit nagmamaneho siya. Kaya napapansin niya ang mga kinikilos ko.
"H-Hindi naman."
"Really? But you're stuttering now."
Hindi ako nakasagot at napatingin nalang sa dinadaanan namin. Bakit nga ba bigla nalang akong nagkaganito? Masyado pang obvious. Baka epekto lang ito ng pagkabigla ko kaninang umaga.
"Relax, Zy. Tinutudyo lang kita," nakangiting sambit niya ng lingonin ko siya. Inirapan ko siya bilang ganti.
"Hindi naman ako nangangagat. Just loosen up," he chuckled.
"Nangangain ako ng tao, tumigil ka na," ingos ko sa kanya. He laughed again. "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" pag-iiba ko ng usapan.
"Secret."
"May lugar bang ganun?" painosente kong tanong.
Natahimik siya kaya napilitan akong tingnan ang kanyang reaksyon. At nakita kong nakakunot ang noo niya habang pabalik-balik ang tingin sa daan at sa akin. Napatawa ako ng mapagtanto ko. Inakala niya siguro na seryoso ako sa tanong ko kanina.
"Seriously, Zac? I'm just kidding."
"Oh! Should I laugh now?"
I was taken aback because of his response. When I turned my gaze at him, I saw him smirking. Napabuga ako ng hininga. But deep inside me, gustong ko ng magtago sa hiya.
"Asar talo," tudyo niya ulit.
"Heh!"
He chuckled again. I didn't expect him to be this playful. Napangiti tuloy ako. Nang lingonin ko siya ay kumindat pa ang loko. Agad naman akong napaiwas ng tingin kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi ko.
Maya-maya rin ay pumasok kami sa isang resort. Napakaganda ng lugar at ang unang tumawag sa aking pansin ay ang malaking swimming pool. Nakaligo na kaya ako doon?
"Welcome to Zain's Paradise," sabi ni Zac pagkababa namin.
"Wow! Kanino ang lugar na 'to? Talagang isa itong paraiso!" Natutuwang inilibot ko ang paningin.
"This is yours. You're Zyra Zee Zain."
Natigilan ako at mabilis na napatingin sa katabi. "H-Ha? S-Sa akin?" Hindi makapaniwalang tinuro ko pa ang sarili ko.
"Yes. Your mom built this for you. After we graduated, ikaw na ang namahala nito for months. Sadly, the accident happened."
Nakanganga pa rin ako sa gulat when he looked at me. Nawala ang biglaang lungkot sa mga mata niya at napalitan ng ngiti sa labi niya.
"Let's go to your office. Makikita mo ang buong lugar doon." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa hotel. Napapatingin naman ang mga empleyado sa amin at bakas sa mukha nila ang pagkagulat.
Oo nga pala. Ang alam ng lahat ay patay na ako. Hindi pa siguro nasabi nila Mama ang totoo.
"Come here."
Nawala ang pag-aalala ko ng bigla akong akbayan ni Zac. Nanatili rin ang isa niyang kamay sa paghawak sa aking kamay. Mas lalo pang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makapasok kami sa elevator. Kami lang dalawa at tahimik ang paligid. Hindi ko tuloy magawang tingnan siya.
Tumigil ang elevator sa top floor. Nakahinga ako ng malalim pagkalabas namin.
"Wait."
Bigla niyang binitawan ang kamay ko. Bumuka ang aking bibig na tila gustong magreklamo, na sana ay hawakan niya lang ang kamay ko. Palihim akong napailing sa naisip.
"I'll cover your eyes."
Bumalik ang ngiti sa labi ko ng takpan niya ang mga mata ko gamit ang malambot niyang kamay. And he smells good. Mabango ang kamay niya, mapabango ang katawan niyang napakalapit sa likod ko.
"Kailangan pa ba talaga?"
"Oo. Para ma-surprise ka," he whispered to my ear. It gives a sudden chill to my spine and whole body.
"Zac, baka madapa ako."
"Don't worry. I'm here with you. Hindi kita hahayaang masaktan."
Nanindig lahat ng balahibo ko. Parang gusto kong tumili ngunit pinipigilan ko sa pamamagitan ng pagkagat nalang ng labi ko. Why is he acting this way? Is this his normal action?
"Smile, Zy..."
He moved his hands away from my eyes. Napasinghap naman ako sa paraiso na bumungad sa aking paningin.
"Oh my..."
Napangiti ako ng malapad at parang batang idinikit ang mukha sa glass wall. Walang sawang tiningnan ko ang bawat sulok ng lugar na ito. Hindi na naman ako makapaniwalang sa amin ito. Napakaswerte ko talaga.
"Zac! Thank you for bringing me he—"
I suddenly froze.
Kunting-kunti nalang at magdidikit na ang mga labi namin. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari paglingon ko sa kanya. Ang lapit niya. Napakalapit namin sa isa't isa. Hindi kami nakagalaw. Nakatingin lang kami sa mata ng bawat isa.
"S-Sorry," sabay sambit namin at agad inilayo ang sarili.
"Ahm..."
"Ano..."
Nagkatinginan kami ulit. I really can't get enough from his serious face and soulful eyes. Parang ang daming gustong sabihin ng mga mata niya. Hindi ko lang mabasa.
Napahawak siya sa batok niya. Napaiwas naman ako ng tingin nang maramdaman ko ang pag-init ng aking mukha.
"T-Tour kita sa baba."
"S-Sige."
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...