Shin's POV
Nasa mall na kami ni Zee. Alas onse na ng umaga nang dumating kami dito. Malapit ng magtanghali kaya dumiretso nalang kami sa isang fast-food chain na may unli rice. Gusto niya daw kumain ng marami ngayon.
Pumayag na ako dahil gutom na rin ako. Wala na akong lakas na makipagbangayan pa sa kanya.
Sino bang hindi mauubosan ng enerhiya sa dalawang oras na sparring namin? Naglaban muna kami ng karate bago pumunta dito. Ang sakit pa ng likod ko dahil parati niya akong tinatamaan.
Galit daw siya sa akin dahil ang kapal daw ng mukha ko at siya pa ang nagsundo sa akin. Kasalanan ko bang hindi ko alam kung nasaan ang bahay nila? Hindi! Kasalanan niya. Pero anong magagawa ko? Siya ang masusunod.
Kasalukuyang lumalamon na ang reyna ko. Lamon ang tamang term kasi dalawang kamay ang gamit niya sa pagkain. Hindi na nga yata siya ngumunguya e, lunok na agad.
Aish! Ano bang nagustohan ko sa babaeng to? Tigre na nga, ang lakas pang kumain.
"Kumain ka nga diyan! 'Wag mo akong titigan! Alam ko ng maganda ako since birth!" sigaw niya sa akin. Napatingin tuloy ang ibang customer sa gawi namin. Kaya agad akong napaiwas ng tingin mula sa kanya at kumain na rin.
Pagkatapos kumain ay inaya ako ni Zee pumunta sa game area ng mall. Hindi na ako nagulat pa. Himala kapag sa ladies botique siya magpapasama e.
Masaya na akong solo ko siyang kasama ngayon kahit hindi kami masyadong nag-uusap at siya lang ang tuwang-tuwa sa paglalaro niya ng basketball. Alam niya namang weakness ko ito pero dito pa talaga niya napiling maglaro.
Umupo nalang ako sa may gilid at binantayan siya. Habang kasing talim ng patilim ang tingin ko ngayon. Ang dami kasing umaaligid na ibang lalaki sa kanya. Ang sarap tusokin ng mga nila para hindi na nila makita si Zee.
Hindi ko pwedeng gawin iyon kay pinokus ko nalang ang atensyon ko sa reyna ko. Nang biglang may narinig akong nag-uusap sa likuran ko. They got my curiosity because their voices sounds really familiar. Kaya napalingon ako.
"Si Zac 'yon ah?"
"Ha? Si Zac nandito?" tanong ni Zee. Mabilis pa siyang nakalapit sa akin.
Tss. Kanina pa kami magkasama pero hindi naman ako lageng pinapansin. Tapos ngayong narinig lang ang pangalan ni Zac, lumingon agad? Parang may tumarak na punyal sa dibdib ko.
"Hindi siya. Wala siya. Nagkamali lang ako," iling ko.
Pero sa totoo lang ay si Zac talaga ang nakita ko kahit nakatagilid siya. May kasama siyang babae. Hindi ko naman nakilala ang babae dahil nakatalikod siya sa akin.
"Sinabi mo na! Babawiin mo pa!"
"Hindi nga siya 'yon!"
"Saan banda ba siya pumunta?"
"It's not him, Zee!"
"Sabihin mo nalang kasi kung nasaan siya!"
"Ewan ko nga! Basta may kasama siyang babae! Kung gusto mo siyang puntahan then go and find him!"
"Ano?! May kasamang babae ang nerdong 'yon?"
"Oo! At wala akong pakialam! Damn it, Zee. Tayo ang magkasama pero siya ang gusto mong makita!"
Sa inis ko ay bigla ko nalang siyang iniwan doon. Hindi niya ba napapansin na nasasaktan na ako? Kahit ba naman minsan lang, isipin niya kung anong mararamdaman ko?
Tsk! Tangna naman kasi! Natotorpe talaga ako pagdating sa kanya! Hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Natatakot akong sabihin na mahal ko siya.
Lalo na ngayong... may gusto na yata siyang iba.
Zyra's POV
Tsk. Nakakainis talaga si Shin noong sabado! Nag-aya ng friendly date pero iniwan akong mag-isa! Tapos kanina sa klase, hindi pa ako pinansin. Kaya hindi ko rin siya pinansin.
Siya pa ang may ganang magalit e ako naman ang iniwan!
Nakadagdag pa sa inis ko ang nangyari kaninang tanghali. Sumama sa amin si Zac mag-lunch! Mas naging hyper ang gago.
Pero hindi naging maganda ang epekto ang transformation niya. Biglang naging awkward ang atmosphere sa pagitan namin. Para kasing may kasama kaming ibang tao.
"Wait, Zy! Pakihintay naman!" sigaw ng unknown specie sa akin. "Ikaw ah, hindi mo na ako hinihintay. Lage mo nalang akong iniiwan," dagdag niya pa na bigla nalang sumulpot at umangkas sa motor ko. Kusa niya pang sinuot ang spare helmet ko.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan. Pero wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Dahil ba iba na ang itsura niya ay hindi na rin siya takot sumakay ng motor kahit sobrang bilis ng patakbo ko? Sumisigaw siya. Pero sigaw na para bang nasa roller coaster ang loko.
Ewan ko. Hindi ko na siya matrato tulad noon. Hindi na kasi siya ang nerd na una kong nakita sa cafeteria dahil sa pagkadapa niya. Hindi ko na siya pwedeng pagkatuwaan ngayon. Hindi na rin siya pwedeng sigaw-sigawan. Hindi na siya ang nerd na pasaway at makapal ang mukha.
Pakiramdam ko ibang tao na siya. Mas lalong naging awkward kapag kasama ko siya. At tila marunong na akong mahiya kapag andiyan siya. Katulad ngayon na nakahawak siya sa bewang ko. I felt like...
Ang init ng katawan niya mula sa likod ko! Nakakakiliti ang hininga niya sa may batok ko! Nakukuryente ako sa kamay niyang nasa may tiyan ko.
"Zee, gwapo na ba talaga ako? Ang bait na kasi sa akin ng mga classmates natin e. Tapos tuwing maglalakad ako, lahat ng babae mapapalingon sa akin. Kahit nga kasama nila ang boyfriend nila, tumitingin pa rin sa'kin. Tsk. Ang hirap pala maging maging gwapo."
Madaldal pa rin siya. At mas kumapal ang mukha. Edi siya na ang gwapo. Psh.
Honestly, he looks cool at the same time friendly. Kapag sumiseryoso naman siya, parang may "don't bother me" na sign sa mukha niya. Pero hindi dapat ako magpaloko sa mokong na ito. Kapag magkasama kami para siyang manok kung magsalita. Putak ng putak! Hindi nga ako nakakaimik kapag nagsasalita na siya.
Lumipas ang mga araw at bumalik ang daily routine namin. Sabay ulit kami sa pag-uwi. At habang tumatagal, mas lalo siyang kumukulit. Ang GWAPO daw niyang lalaki, pero talo pa ako sa sobrang daldal! Nakakairita!
At may isa pa akong napapansin...
Bakit bigla siyang naging sweet sa akin? Feeling ko nga lalanggamin na kami nito.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...