Zac's POV
"Zac? Bakit ka nandito?" bungad sa akin ni Zyra nang maabotan niya ako sa kusina kasama ang mga magulang niya.
"Magsisimula ka ng magtrabaho sa ZP ngayon, 'diba? Sasamahan sana kita."
"Ha? Eh... Huwag na! Si Shin nalang."
"S-Si Shin? Bakit siya pa e nandito naman ako?" Hindi ko naitago ang hinanakit sa boses ko. Nagkatinginan ang mga magulang niya dahil sa reaksyon ko. Bigla namang umiwas ng tingin si Zyra.
Ito ang kinatatakotan ko, ang pipiliin niya si Shin kaysa sa akin. Ang maalala niya ang iba pero hindi ako. Iniisip ko pa lang parang pinagpira-piraso na ang puso ko sa sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mangyayari iyon.
"Oo nga naman, Princess. Nag-volunteer na si Zac na samahan ka. At isa pa, nandito na siya, kanina ka pa niya hinihintay. Nakakahiya naman," sabat ni Daddy Rico.
"Your father is right, Zyra. Hindi ba ay napag-usapan na nating sasamahan ka niya sa nga gagawin mo?" dagdag naman ni Mommy Zeny.
"Bakit ba kay Zac niyo ako palaging pinapasama? Akala ko ba sila Shin ang mga kaibigan ko?"
Natigilan ako, pati na rin ang mag-asawa. Hindi ko alam kung ano ang tamang isasagot sa kanya. Mali... Alam ko ang tamang sagot sa tanong niya pero hindi ko kayang sabihin iyon.
"Dahil sa lahat ng alaala mo, ang panahong kasama siya ang pinakaimportante para sa'yo."
Napatingin kami sa kanyang ama. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa anak. Bigla naman akong kinabahan at nanginig. Matalino si Zyra. Alam ko iyon. Siguradong nagsisimula na siyang maghinala.
Kailangan ko na bang sabihin kung sino ako sa buhay niya?
O ipipilit ko pa rin ang kagustohan ko na kusa niya akong maalala?
"S-Sige po. Zac, tayo na." Agad siyang tumayo at napasunod naman ako. Ngumiti muna ako sa mag-asawa bago lumabas. Ngumiti rin sila pabalik na may halong pag-aalala.
Nakarating kami sa ZP ng walang imikan. Sinalubong naman kami ng manager nila na siyang magtuturo kay Zyra sa mga dating gawain niya. Nakatingin lang ako sa kanya sa mga oras na tinuturuan siya. Nakita ko ang determinasyon at kagustohan niyang matuto. Knowing this side of her makes me remember her past self. Parehong Zyra ang nakikita ko noon at ngayon.
"Salamat sa pagtuturo, Liza," nakangiting sabi niya sa manager nila.
"Welcome po, Ma'am. Masaya po talaga akong nakabalik na kayo."
"Ako rin."
Napatitig ako sa magandang mukha ni Zyra. Her aura might be a little different from before but still the same smile that made me fall hard. Ang ngiti niya ay nagbibigay saya sa akin na kahit anong kayamanan ay hindi mapapantayan.
"Pero ma'am, may lakad po ako ngayong hapon. Si Noel, ang assistant manager na po ang magto-tour sa inyo sa buong resort.''
"Lalaki?" biglang sabat ko sa kanila. Sabay naman silang napatingin sa akin.
"Opo, Sir Zac."
Hindi pamilyar sa akin ang pangalan na binanggit ni Liza. Bago yata. At hindi ko nagustohang malaman na lalaki iyon.
"Then, I volunteer. Ako na ang magto-tour sa kanya."
Ngumisi si Liza at humagikhik. "Sige po. Bantay-sarado pa rin pala kayo, Sir."
Napatingin ako kay Zyra na nakatitig na pala sa akin. I saw her eyes and questions were vivid in there. So, I just smiled and went to her side.
"Mauna na po ako, Ma'am Zyra, Sir Zac." Tumango lang kami at agad nang umalis si Liza.
"Saan mo gustong maglunch?"
"Kahit saan. Basta may makakain lang," she answered, taking away her gazed from me.
"Sa baba nalang tayo. Masarap ang foods ng restaurant niyo dito."
She just nodded her head.
Tahimik lang kami habang nasa elevator at hanggang nakarating kami sa restaurant. Nauna siyang umupo sa isang table malapit sa glass wall. Sumunod naman ako.
"Hi Sir, Ma'am, good afternoon po. Tulad po ba ng dati ang order niyo?" nakangiting tanong ng isang babaeng waiter.
Madalas kaming kumain dito dati, sa tuwing sinusundo ko si Zyra after ng work niya. Kaya kilala na ako ng lahat ng staffs nila.
"Yes, Jasmine." I smiled at her.
"Okay, Sir. Your meal will be served right away!" masiglang sagot niya at agad ng umalis. Nakangiti pa ako nang lingunin si Zyra.
"Kilala ka ba talaga ng mga staffs dito?''
She's frowning and she sounds so serious. Nawala tuloy ang ngiti ko.
"Yeah." I'm a little confuse why she's acting mad.
"Halata nga. Bakit ko pa ba naitanong? Tsk." She slightly rolled her eyes.
Nangunot ang noo ko. Why is she suddenly—Really? Napangiti ako ulit nang may ma-realize ako. I don't want to assume but... Is she jealous?
"Are you—"
"Hindi! Ahh... Ano... N-Nagtataka lang ako. Ahm... Palagi pala tayo dito noon?" pag-iiba niya ng usapan. Hindi man lang ko pinatapos sa pagsasalita.
"Yes. Actually, every after ng work mo. Hatid-sundo kita."
I saw her stiffened. Napakagat labi naman ako. I think I messed up. I told her the truth. And she might be able to catch up.
"What are we really, Zac? Just friends? A super close one? As far as I know, we are not blood related or relative."
She eyed me seriously. I stared back at her, not breaking our intense eye contact. I acted bravely but my heart was pounding hard.
"It's for me to know and for you to discover." Nagsukatan kami ng tingin. May paghahamon sa mga mata ko habang katanungan naman ang nasa kanya.
"Ehemn! Sorry po sa disturbo pero nandito na po ang foods niyo. Ituloy niyo nalang po mamaya ang inyong eye to eye." Kinikilig na nilapag ni Jasmine ang mga pagkain sa mesa. Doon rin kami natauhan at sabay nag-iwas ng tingin.
"Enjoy your meal lovers!" huling sabi ng babae sabay alis.
"Anong sabi—"
"Eat. These are your favorites."
Nagkatinginan kami ulit. Hanggang siya ang unang sumuko at nagbaba ng tingin. Hindi na ulit niya akong pinansin habang kumakain. Tumango at umiling lang siya sa tanong ko kung masarap ba, may gusto pa ba siyang kainin at nabusog ba siya.
Hindi ako nahirapan sa pag-tour sa kanya sa buong resort dahil napasyal ko na naman siya noong una ko siyang dinala dito. Kaso hindi siya umiimik. Tahimik lang siyang sumusunod at nakikinig sa akin.
"Good night," sabi ko kay Zyra pagkababa namin ng kotse.
"Ingat sa pag-uwi," sagot niya na hindi man lang ako nilingon at agad ng pumasok ng bahay.
Napabuntong-hininga nalang ako habang hinintay siyang tuloyang makapasok sa loob ng bahay nila. I expected her to look back but she didn't. Parang kinuyom ang puso ko dahil sa inakto niya. I couldn't blame her though. It was my choice not to tell her. Kaya wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lang.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...