MUNTIK NANG MAGING ALAY
Isinulat ni Jiara Dy(This is exclusively written for Ang Sundo Horror Stories.)
Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Cesar. Doon po sa lugar namin sa probinsya ng Quezon, mayroong isang resort house na talagang dinarayo noong kabataan pa namin. Bale disi-nuwebe anyos pa lang ako nang mangyari po itong kuwento.
Palibhasa’y hindi nakaranas ng hirap, aminadong palikero ako noon at walang ibang iniisip kundi ang mamasyal, magliwaliw, uminom at makipag-date sa kung sino-sinong babae.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang huling babaeng naging nobya ko noon. Sa lahat kasi ng mga nakasama ko, siya lang talaga iyong sineryoso ko. Maganda si Rita, matalino, at matulungin kaya naman isa rin siya sa mga napipisil na tumakbong kagawad doon sa barangay nila.
Nagkaroon kami ng outing nang panahong ‘yon kasama ang mga barkada ko. Bale, sampu kaming lahat, kasama na ‘yong mga nobya namin. Pagpasok pa lang doon sa lumang resort, iba na ang pakiramdam ko. Para kasing may mali. Iyon bang parang may tumutulak sa akin pabalik, pero buo pa rin ang desisyon kong sumama sa outing na ‘yon lalo na’t nakikita ko ang excitement sa mukha ni Rita.
Tumambad sa amin ‘yong malaking arko, kung saan nakasulat ‘yong pangalan ng resort. Halos hindi na nga iyon mabasa dahil nilulumot na ‘yong sementadong arko. Medyo masukal na rin ‘yong paligid ng resort. Mukha kasing kakaunti na lang ang pumupunta roon. Bukod kasi sa malayo ay mukha talagang liblib ‘yong buong lugar. Nang huminto ‘yong sinasakyan naming van, sinalubong kami ng matandang babae. Mukhang siya ‘yong caretaker doon. May kasama rin siyang dalawang binatilyo. Inilibot ko ang tingin sa resort. Napakunot ang noo ko nang mapansin ‘yong matandang lalaki malapit sa kasukalan. Nakaluhod ito sa harap ng malaking puno. Parang nagdarasal. Sa isip-isip ko no’n, ayos din ang trip ng matandang ‘yon dahil kahit puno ay dinadasalan.
Iginiya kami ng matandang babae na nagpakilala bilang Nana Ursula sa resort house na tutuluyan namin. Maraming kwarto sa resort house na ‘yon pero lima lang naman ang kailangan namin. Bago kami mag-ayos ng gamit ay binayaran na namin lahat ng kailangang bayaran kay Nana Ursula. Si Rita ang nag-ayos ng mga gamit naming dalawa. Ako naman noon, naisipang lumabas muna para maglibot-libot sa resort.
AUTHOR'S NOTE:
This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy’s expressed written permission.
Maganda talaga ang resort. Malinis ang tubig sa spring na malapit lang sa tinutuluyan naming bahay. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako doon banda sa kasukalan. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Ngunit ang nakapagtataka, masyadong maputla ang balat nito. ‘Yon bang parang kulang sa dugo? O baka mas tamang sabihin na wala nang dugo ‘yong bata. Talagang maputla.
“Anong ginagawa mo dyan, bata? Baka matuklaw ka pa ng ahas d’yan. Umuwi ka na sa inyo,” sabi ko na lang doon sa dito. Akmang tatalikuran ko na ito nang bigla ako nitong hinawakan sa braso.
Muntik pa akong mapatalon sa lamig ng kamay nito.
“Pambihira! Ang lamig ng kamay mo, bata! Multo ka ba?” pilosopo ko pang sabi noon.
Ngunit seryoso lang itong tumingin sa akin habang nagsasalita.
“Umalis na kayo. Umalis ka na at ang babaeng kasama mo. Kukunin siya. Kukunin siya,” paulit-ulit na sabi ng bata.
Hindi ko na napigilang magalit sa paulit-ulit na sinasabi nito kaya nagpasya na lang akong bumalik sa resort house. Nakasalubong ko si Nana Ursula bago sumapit sa tinutuluyan naming silid kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon para sabihin dito ang nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
HorrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.