GALING SA LAMAY (Last Part)

72 0 0
                                    

GALING SA LAMAY (Last Part)

THIS IS EXCLUSIVELY WRITTEN FOR LADY PAM YOUTUBE CHANNEL. DO NOT PLAGIARIZE.

Nahahapong umupo sa papag ng silid si Toto nang tuluyan nang makauwi. Sinulyapan niya ang kapatid na si Kalo na nakabaluktot ng higa sa nakalatag na banig. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin ang butil-butil na pawis nito.

“Kalo, anong nangyayari sa ‘yo?” Sinalat niya ang noo at leeg ng kapatid.

“Taas ng lagnat mo, ah.” Nagmamadali siyang lumabas ng silid upang sabihin sa ina ang kalagayan ni Kalo.

Agad namn itong inasikaso ng kaniyang ina. Ngunit habang pinupunasan nito ang katawan ng bunsong si Kalo, napansin nito ang maliliit na butlig sa tagiliran nito. At nang tingnan din ni Aling Tasing ang likod ng anak, hindi nito napigilang mag-alala nang makita ang mga pumutok na butlig doon na halos maging sugat na.

Nang malaman ni Mang Tado ang nangyari ay sinundo nito ang manggagamot na si Mang Tinoy upang ipatawas ang anak. Tahimik naman sa isang tabi si Toto habang umuusal ng panalangin na sana’y hindi mapahamak ang kapatid. May kutob na siya sa nangyayari kay Kalo ngunit nais muna niyang makasiguro bago sabihin sa mga magulang ang ginawa nilang kalokohan.

“Toto, ikuha mo ng pamalit na damit ang kapatid mo,” utos ni Mang Tado sa kaniya.

Agad namang tumalima si Toto. Binuksan niya ang tukador na pinaglalagyan ng mga damit nilang magkapatid. Ngunit pagbukas niya ng pinto ay halos takasan na siya ng dugo sa nakita.

Ang mga alahas na ninakaw nila kay Aling Igna, naroon sa ibabaw ng mga damit ni Kalo.

“Paano ‘to napunta rito? Naibalik ko na ‘to, ah!” naguguluhan niyang tanong sa sarili at bigla na lamang kinilabutan.

“Toto, bilisan mo riyan!” sigaw ng kaniyang ama nang matagalan siya sa pagkuha ng damit.

Isinara niya ang tukador at wala sa sariling iniabot sa kaniyang nag-aalalang ina ang kinuhang damit.

Maya-maya ay nagsalita naman si Mang Tinoy na katatapos lamang tawasin si Kalo.

“May babae. May kaluluwa ng isang babae na nagbabantay sa anak n’yo, at hindi siya ordinaryong tao lamang,” wika ni Mang Tinoy na agad dumako ang tingin kay Toto.

Umiwas siya ng tingin nang makita ang tila panghuhusga sa mga mata ng matandang manggagamot. Marahil ay may alam na ito sa nangyayari.

“Teka ho, Mang Tinoy. Kaninong kaluluwa naman po iyon? At bakit ang anak ko pa? Napakabait na bata niyan ni Kalo,” problemado nitong turan.

“Alam kong mahirap paniwalaan ngunit isa lamang ang nakikita ko, Tado.” Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kaniyang ama at sa kaniya.

“Si Aling Igna. Ikaw, hijo, may alam ka ba sa nangyayari? Batid ko ang pagkabalisa mo mula nang magtungo ako rito.”

Agad na napatingin sa kaniya si Mang Tado. “Totoo ba ‘yon, anak?”

Napayuko si Toto. Gustuhin man niyang magsinungaling pa rito ngunit maaari iyong ikapahamak ng bunso niyang kapatid.

“M-May kailangan po kayong malaman, ‘nay, ‘tay,” aniya sa mababang boses. Puno iyon ng pagsisisi.

Tahimik namang nakikinig ang mga ito habang sinasabi niya ang nangyari nang kunin nila ni Kalo ang mga alahas ni Aling Igna. Mula sa pagkuha at sa pagbabalik niya nito.

“Ibinalik ko na po kanina sa bahay ni Aling Igna. Sigurado po ako na nailagay ko sa baul ‘yung mga alahas niya. Pero kanina po, pagkuha ko ng damit ni Kalo, nakita ko ‘yong mga alahas sa ibabaw ng mga damit niya.”

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon