KILLER UNDER THE BED

104 0 0
                                    

KILLER UNDER THE BED
Written by Jiara Dy

HALOS lahat ng taga-San Isidro ay kilala si Calla. Pokpök. Iyon ang tawag sa kaniya. Sa bawat gabi kasi’y iba’t ibang lalaki ang nakakasama niya. Hindi naman niya itinatanggi o inililihim ang bagay na iyon. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na hinahangaan siya ng kalalakihan. Iyon bang tipong malayo pa lang pero halos tumulo na ang laway ng mga ito habang nakatanaw sa kaniya. Pero wala siyang ibang gusto sa mga ito kundi ang punan ang pangangailangan niya bilang isang babae. Marami na ring sumubok na ligawan siya para matigil na siya sa ganoong gawain pero sadyang hindi na niya kayang tigilan pa ang kahibangan sa ginagawa.

ISANG gabi, taas-noong lumabas si Calla, suot ang nakaaakit niyang damit. Hapit na hapit sa katawan niya ang kulay pulang bestida na may malalim na neck line na lalong magpapahumaling sa sinumang makakakita sa kaniyang naglalakad sa tahimik at madilim na kalsadang ‘yon.

Ilang sandali lang ay huminto ang isang magarang kotse sa tapat niya, ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin.

Umangat ang isang kilay niya nang hindi siya nilubayan ng sinumang nagmamaneho nito. Binagalan nito ang pagpapatakbo. Iyong sapat lang upang masabayan siya sa paglalakad, at pagkuwa’y nagbaba ng bintana.

“Miss, magkano?” tanong ng lalaki habang naninigarilyo. Sa klase ng tingin nito’y halos hubaran na si Calla sa isipan pa lamang ng lalaki.

Umirap siya rito. “Hindi ako bayarang babae. Hindi ko kailangan ng pera mo!”

Malakas na tumawa ang lalaki. Hindi tuloy niya mapigilang mairita. Ang tawang iyon, puno ng sarkasmo.

“Kung gano’n, bakit ka nandito? Bakit ka mag-isa? I guess, binebenta mo ang alindog mo para magkapera.”

Tamad niya itong sinulyapan. Sa halip na magsalita ay nag-dirty finger na lamang siya sa lalaki. Totoo naman kasi iyon. Hindi niya kailangan ng pera. Malaki ang ipon niyang pera mula sa dati niyang trabaho. Bukod pa roon ang mga ari-arian at malaking halaga ng pera na minana niya sa mga magulang niyang namatay dahil sa isang malagim na aksidente.

Nang hindi pa rin siya tigilan ng lalaki, kinuha niya ang wallet sa nakasukbit na bag at naglabas ng ilang libo. Itinaas niya ito sa ere at walang sabi-sabing ibinato sa nakabukas na bintana ng kotse ng lalaki.

“Gaya ng sabi ko, hindi ko kailangan ng pera mo. Alis!” sigaw niya rito.

Bakas ang matinding pagkagulat sa mukha ng lalaki sa ginawa niyang iyon. Gayunpaman ay hindi na ito nagpumilit pang isama siya.

Nakahinga nang maluwag si Calla nang iwan na siya ng makulit na lalaking iyon. Naiiling na lamang na nagpatuloy siya sa paglalakad. Oo nga’t gusto niyang may iba’t ibang lalaki siyang nakakasama gabi-gabi. Ngunit sa pagkakataong iyon, tila may iba siyang hinahanap. Iyon bang bago para sa kaniya. Kadalasan kasi’y mga tambay sa bar o mga estudyanteng lasing ang nakakasama niya.

Habang naglalakad, nakaagaw-pansin kay Calla ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng balot at chicharon sa ‘di kalayuan. Nakatitig ang matanda sa kawalan. Marahil ay dala ng lungkot dahil ang mga panindang dala nito ay halos hindi pa nababawasan.

Nilapitan niya ang matanda. “Manong, gabi na, ah. Ba’t ‘di pa kayo umuuwi?”

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang matanda. Agad na kumislap ang mga mata nito nang mapagmasdan siya. Gusto na niyang mapangiwi nang maglakbay sa katawan niya ang mga mata ng matanda ngunit nagpasya siyang hindi na lamang iyon bigyan pa ng pansin.

“Halos wala pa kasing benta, ma’am,” sagot ng matandang lalaki.

Napabuntong hininga si Calla. Muli niyang kinuha ang wallet. Gaya kanina’y hindi na siya nagbilang pa. Sa halip, halos kalahati ng laman ng wallet niya ang ibinigay niya sa matanda.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon