BARYO NG MGA ABWAK

119 0 0
                                    

BARYO NG MGA ABWAK
(Exclusively written for Kwentong Enteng YouTube channel)

October, 2003.

Ako si Jayson. Lumaki ako sa isang relihiyosong pamilya. Ang aking ama ay isang pastor at ang aking ina naman ay isang pampublikong guro at palagi ring abala sa paglilingkod sa simbahan kasama ang aking bunsong kapatid na si Noah. Samantalang ako naman no'n ay abala sa paghahanap ng trabaho matapos mag-resign sa bangkong pinapasukan ko.

Bago matanggap sa trabaho ay sumama ako kina Nanay at Tatay sa misyon nila sa isang liblib na baryo sa aming probinsya.  Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng lugar na iyon. Walang mga tricycle o kahit padyak man lang na masasakyan papasok sa kanilang baryo. Mabuti na lang at may dala kaming sasakyan kaya hindi na namin kailangan pang maglakad. Malayo-layo rin daw kasi iyon sabi ni Tatay.

Pinagmasdan ko ang lubak-lubak na daang tinatahak ng aming sasakyan. Nagtaka ako nang mapansin ang malalalim na uka ng lupa, dahilan para mas mahirapang makadaan ang kahit anong sasakyan. Muntik pang bumaon ang gulong ng pick-up ni Tatay nang pilitin niyang ipasok ang sasakyan sa makipot at maputik na kalsadang iyon.

Hindi man lang ba naiisip ng mga opisyal ng kanilang barangay na isangguni sa munisipyo ang problema rito?

"Mukhang hindi na kakayaning pumasok ng sasakyan sa dadaanan natin. Baka pwedeng iwanan na lang muna natin ito dito," sabi ni Tatay nang ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sabi niya, hindi naman daw siguro makakaabala sa mga dadaan ang sasakyan namin kung iiwanan namin itong nakaparada roon habang nagbabahay-bahay kami.

Habang naglalakad kami patungo sa mga kabahayan, una kong napansin ang magkakalayong agwat ng mga bahay.  Karamihan pa ay nakasarado kaya naghanap na lang si Tatay ng maaabutang nakabukas at magpapatuloy sa amin.

"Bakit kaya puro sarado 'yong mga bahay, 'Tay?"

"Baka maaga silang umaalis para magtrabaho sa bukid. Alam mo naman kung ano ang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa ganitong lugar. Kailangang gumising nang maaga para magsaka."

Habang abala kami sa pagba-bible study,  napansin ko ang paglabas ng kapatid kong si Noah dala ang laruan niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Siguradong naiinip na naman siya. Hindi ko na siya sinaway sa takot na makaabala pa ako ginagawa namin. Natanaw ko siya sa labas na may kausap na isang matanda at hindi naman nagpapasaway kaya hinayaan ko na lang siya. Tiyak na nakikipagkilala lang siya sa mga taga-rito sa baryo.

Sa buong maghapon ay tatlong bahay lang ang napuntahan namin. Halos lahat kasi ng mga bahay doon ay sarado. Naubos lang ang oras namin sa paglalakad sa ilalim ng sikat ng araw. Pagod na pagod na kami nang makarating sa huling bahay na nakabukas at tumanggap sa amin.

"Wag na kayong magpapaabot ng dilim, Pastor," bilin ng matandang may-ari ng bahay na si Manang Irma.

Nagtataka namang napatingin sa kaniya si Tatay. "Bakit naman ho? Sanay naman po kaming ginagabi na sa daan, Manang."

"Delikado, kaya sige na! Lumakad na kayo at nang makauwi rin kayo kaagad. Iwasan ninyo ang mga lubak sa daan."

Bagamat nagtataka ay sinunod pa rin naman iyon ni Tatay kaya kahit may oras pa ay nagpasya na siyang bumalik na kami sa sasakyan. Malayo-layo pa kasi ang lalakarin namin at kung magtatagal pa kami, malamang, aabutin na kami ng gabi bago pa makauwi.

Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay naramdaman na namin ang bahagyang paggalaw ng lupa. Huminto kami mula sa paglalakad sa pag-aakalang lumilindol. Natigilan kami nang biglang magliparan ang mga uwak sa paligid.

"T-Tay, ano pong nangyayari?" naguguluhan kong tanong sa aking ama. Ngunit tulad ko ay naguguluhan din si Tatay.

Napasigaw ako nang muling gumalaw ang lupa. At sa likuran ni Tatay... may nakatayong matandang babae! Mahaba ang namumuti niyang buhok na nakatakip sa kaniyang mukha. Ang mga braso niya'y parang dinilaan ng apoy at halos maagnas na. Halos masuka kami sa matinding amoy na nanuot sa aming ilong habang umaatras.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon