THE CARPENTER
Written by Jiara DySPG | PART VII
AUTHOR’S NOTE:
This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy’s expressed written permission. SA MADALING SALITA, BAWAL KOPYAHIN SA KAHIT NA ANONG PARAAN.UNTI-UNTING nagkamalay si Lumi. Iginala niya ang tingin sa paligid niya. Naroon pa rin siya sa silid na pinagdalhan sa kaniya ni Hiro. Ilang sandali pa, napako ang tingin niya sa katawan ng isang babae na nakagapos sa sulok ng silid. Wala na itong kahit isang saplot sa katawan. Puno ng pasa at malalaking sugat ang magkabilang hita nito na animo’y paulit-ulit na hinampas ng matigas na bagay. Nakalungayngay ang ulo nito at natatakpan ng mahabang buhok ang mukha nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Kahit hindi niya makita ang mukha ng babaeng iyon, alam na niya kung sino iyon.
“M-Mikee...”
Hindi gumalaw ang babae. Mukhang wala na itong buhay.
“Mikee! Wake up!”
“Mikee, alam kong ikaw ‘yan! Ako ‘to, si Lumi... wake up, please. Aalis pa tayo rito!”
Napasinghap siya nang unti-unti itong gumalaw hanggang sa mag-angat ito ng tingin. Bumuhos ang luha niya nang makita ang mukha ng kaibigan niya. Tabingi na ang mukha ito, putok na ang mga labi, at basag na ang ilong.
“L-Lumi... bakit ka nandito?” hirap nitong sabi.
“Si Uncle. He brought me here. Siya yung killer, Mikee!” paos niyang sabi.
Napaluha si Mikee. “Alam ko... I’m sorry. You were acting strange kasi... kaya... kaya akala ko, ikaw ‘yung killer.”
Gulat siyang napatingin sa kaibigan. “Ano?!”
“I’m sorry. Ang creepy lang kasi no’ng books na binabasa mo. Tapos... nakita kita no’ng nilapitan mo ‘yong kotse ni Direk. Sabi mo, nakita mo sa trunk ‘yung carpentry tools na ginamit sa pagpatay pero hindi mo naman binuksan ‘yon kaya akala ko, nagsisinungaling ka lang.”
Mabilis siyang napailing. “No, Mikee. Nakita ko na ‘yon bago pa niya isara ‘yung trunk. Nakita ko kung pa’no niya inilagay do’n ‘yung martilyo. May dugo pa nga ‘yon e. Pero no’ng inaya na kita para tingnan ulit ‘yon, napalitan na ng mga gamit niya. Siguro, nakita niya tayo no’n tapos no’ng nalaman niya na pinagdududahan ko na siya, sinadya niya ‘yon para ako naman ‘yung pagdudahan mo.”
Huminga siya nang malalim. “ Totoong hindi ko binuksan ‘yung trunk. Hawak ko lang no’n ‘yung susi. Nagdadalawang isip ako na buksan ‘yun kasi kung ako lang ‘yung makakakita no’ng tools, baka hindi kayo maniwala sa’kin kapag sinabi ko ‘yon sa inyo. Kaya ikaw yung pinagsabihan ko. Gusto ko… dalawa tayong makakita. Pero wala na eh.”
Natigilan si Mikee at pagkuwa’y biglang napahagulgol. “Tama ka, Lumi. I’m sorry. Ang tanga-tanga ko! Hindi ko man lang naisip ‘yon.” Napasinghot ito. “Bago ako napunta dito, ch-in-eck ko ‘yung maleta mo at nakita ko ro’n ‘yung mga gamit sa pagpatay kaya akala ko, ikaw talaga yung killer. I’m sorry. I’m so sorry, Lumi...”
Nagtagis ang bagang niya. “Si Uncle. Sinadya niyang ilagay ‘yon sa maleta ko para linlangin ka niya!”
“Kailangan mong makaalis dito, Lumi. Kahit ikaw na lang ‘yung makatakas. Ikaw na lang yung may kakayahang makaalis dito.”
“Bakit ako lang? Hindi pwede. Dalawa tayong tatakas, Mikee!” aniya.
“Makakasagabal lang ako sa pagtakas mo. Hindi ko na kayang lumakad, Lumi. Wala nang lakas yung mga binti ko.”
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
TerrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.