LUGAWAN SA BARYO
Isinulat ni Jiara Dy | DO NOT PLAGIARIZEMATAGAL nang sikat ang lugawan ni Mang Pepe sa baryong kinalakhan ni Elmo. Masarap, malasa, at talagang nanunuot ang lasa ng karne sa sabaw ng lugaw, dahilan upang balik-balikan ito ng sinumang magagawi sa kanilang baryo. At isa nga sa mga suki sa lugawang iyon si Elmo.
Pamamasada ng traysikel ang hanap-buhay ni Elmo. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay umaalis na siya ng bahay para simulan ang pamamasada. Marami kasing taga-roon sa baryo ang maagang umaalis para pumasok sa trabaho. Ang iba naman ay maagang nagbubukas ng puwesto sa palengke. Ngunit karamihan sa mga pasahero’y mga estudyante, lalo na kung lunes hanggang biyernes.
Isa sa mga suking pasahero ni Elmo si Aling Barang. Sa pagkakaalam niya’y sa matanda kumukuha ng karne itong si Mang Pepe na may-ari ng lugawan sa baryo. Bukod kasi sa mura ay si Aling Barang pa mismo ang naghahatid ng karne sa puwesto ni Mang Pepe. Tuwing madaling araw nito dinadala ang karne para sariwa pa bago gamitin sa lugawan.
[This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy’s expressed written permission.]
Nangaligkig si Elmo paglabas ng bahay nang sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin. Masyado pa kasing maaga.
Lalapitan na sana ni Elmo ang traysikel niyang nakaparada, malapit sa poste nang bigla na lamang lumabas doon ang isang matandang babae.
“Susmaryosep! Aling Barang naman. Magkakasakit ako sa puso n’yan, e,” aniya sa matanda nang makilala ito. Hindi kasi gaanong abot ng ilaw doon. Ang ilaw naman na nakakabit sa posteng malapit sa pinagpaparadahan niya’y pundido na. Matagal na niyang ini-report iyon sa pamunuan ng baryo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapalitan.
Nanatiling walang reaksyon ang matanda. Hindi rin ito nagsalita at walang anu-anong sumakay na lamang sa kaniyang traysikel.
Napakamot na lang sa ulo si Elmo. Palagi namang ganoon ang matanda ngunit hindi pa rin niya magawang masanay sa gawi nito. Alam naman niyang hindi pipi ang matanda, ngunit sadyang hindi lamang ito nagsasalita tuwing siya ang kaharap. Tanging si Mang Pepe lamang ang kinakausap ni Aling Barang. Marahil ay matagal nang magkakilala ang dalawa kaya hindi na niya iyon pinag-isipan pa.
Naiiling na lamang na pinasibad ni Elmo ang traysikel. Makalipas lang ang ilang minuto ay huminto na ang kaniyang traysikel sa tapat ng lugawan. Tahimik na iniabot sa kaniya ni Aling Barang ang pamasahe, at agad na bumaba.
“Salamat ho, Aling Barang,” pasasalamat pa rin ni Elmo kahit alam niyang hindi naman ito sasagot sa kaniya.
Sinundan na lang niya ito ng tanaw habang naglalakad papasok sa lugawan na noon ay kabubukas lamang. Nakita ni Elmo na lumabas si Mang Pepe para salubungin si Aling Barang.
“Dala mo na ba?” tanong ni Mang Pepe.
Napakunot ang noo ni Elmo. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba iyon pero nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ng matanda, at tila ba takam na takam ito sa dala ni Aling Barang. Wala namang ibang laman ang baldeng dala ng matandang babae kundi mga sariwang karne. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nag-iisip pa ng kung anu-ano.
Pasisibarin na sana ni Elmo ang kaniyang traysikel nang may maamoy siyang malansa. Nang silipin niya ang loob ng kaniyang pampasaherong traysikel, tumambad sa kaniya ang maliliit na patak ng dugo. Kaya naman sa halip na dumiretso sa terminal ay dumaan muna si Elmo sa may sapa para matanggal ang lansa ng dugo mula sa dalang karne ng matanda.
Habang sumasalok ng tubig mula sa sapa, gamit ang isang pinutol na galon, natigilan si Elmo nang may sumama sa sinalok niyang tubig. Dahil bahagya pang madilim nang oras na ‘yon, kinapa na lang ni Elmo ang laman nito. Napapitlag siya nang mahawakan ang kung anong malambot mula roon.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
HorrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.