THE EXCURSIONISTS

120 4 0
                                    

THE EXCURSIONISTS (Full Version)
Written by Jiara Dy

⚠️SPG

DUMAONG ang isang bangka sa dalampasigan ng Isla Maharlika, sakay ang isang pamilya. Nasa edad singkuwenta ang mag-asawa, kasama ang dalawang batang lalaki at isang batang babae.

“Bilisan n’yo na, mga anak. Kailangan pa nating maghanap ng magiging hapunan nating lahat,” anang ama ng tatlong bata.

Maayos nitong itinali ang bangka at pagkuwa’y pinasunod ang mga bata. May mangilan-ngilang bahay malapit sa dalampasigan, ngunit hindi nila maaaring isagawa ang misyon doon dahil marami ang makapapansin. Sa halos isang oras nilang paglalakad, nakahanap sila ng isang subdivision. Ngunit maraming gwardiya sa harap nito kaya humanap sila ng ibang daraanan para makapasok doon. Matagal na nila itong ginagawa kaya tila napakadali na lang nito para sa kanila.

SAMANTALA, kanina pa pasilip-silip sa bintana ang batang si Kesha mula sa ikalawang palapag ng bahay. Malapit nang dumilim ngunit naroon pa rin sa labas ang batang nakita niya mula kaninang umaga. Nakaupo ito sa labas ng gate na para bang may hinihintay.

“Mommy, sino po siya?” hindi na nito napigilang tanong sa ina.

Napakunot naman ang noo ni Mrs. Dejan. Hindi kasi niya alam kung sino ang tinutukoy ng anak. Tumayo siya mula sa tinutuping damit ng anak at lumapit sa may bintana. Kaagad namang nahabag ang ginang nang makita ang batang nangangaligkig na sa lamig sa labas ng kanilang gate. Mukhang gutom na gutom na rin ito.

“Mommy, pwede ba natin siyang tulungan?”

Napabuntong hininga si Mrs. Dejan. Tumawag siya ng katulong para papasukin ang bata at dulutan ng pagkain. Naghanda na rin siya ng pamalit nitong damit mula sa closet ni Kesha. Hindi mapigilan ng ginang na mahabag sa kalagayan ng bata. Gusgusin ang damit nito at may ilang sugat din sa katawan.

“Hija, taga-saan ka? Nasaan ang mga magulang mo?” malumanay niyang tanong sa bata.

Nag-angat naman ito ng tingin at walang kangiti-ngiting tumingin sa kaniya.

“Paparating na sila,” tipid nitong sagot.

Naguluhan si Mrs. Dejan at muling nagtanong, ngunit paulit-ulit lang ang isinasagot ng bata—PAPARATING NA SILA. Inalok nila ito ng pagkain ngunit nanatili lang itong nakatitig sa mga nakahain sa mesa.

Ilang sandali pa’y nakarinig sila ng sunod-sunod na tunog ng door bell. Nataranta naman ang kanilang katulong na si Ada sa pagkuha ng payong dahil umuulan na sa labas. Bukod sa sunod-sunod na pag-door bell ay sinabayan pa ito ng pagkalampag sa nakasaradong gate.

Sinundan ni Mrs. Dejan ng tingin ang bata nang tumayo ito mula sa hapag-kainan. Ni isa sa mga pagkain ay wala itong tinikman. Tila ba hindi nito gusto ang mga pagkaing nakahain. Ngunit nababakas naman niya ang matinding gutom sa itsura nito. 

“Teka, saan ka pupunta?” anang ginang.

Ngunit dire-diretsong lumabas ng bahay ang bata.

Makalipas lang ang ilang sandali, nagulat si Mrs. Dejan nang bigla na lamang pumasok ang mag-asawa at ang dalawa pang bata. Nahigit niya ang hininga at napatda sa kinatatayuan nang makita ang hawak ng lalaki. 

Ulo—ulo ni Ada!

At sa kabilang kamay naman nito ay ang kumikinang pa sa talim na butcher’s knife. Namutla si Mrs. Dejan.

“S-Sino kayo?! Anong ginagawa n’yo rito?” aniya sa nangangatal na boses.

Ang bata namang si Kesha na unang nakakita sa pugot na ulo ng yaya ay dali-daling pumanhik sa itaas at nagkulong sa silid nito.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon