DOPPELGANGER

93 1 0
                                    

DOPPELGANGER (Exclusively written for Spookify)
Written by Jiara Dy

Ako si Joanna, sales lady sa isang shopping center sa lugar namin. Ulila na ako. Ang tanging kasama ko na lang sa buhay ay ang panganay kong kapatid na si Kuya Reign. Mabait naman at mapagbigay si Kuya. Kaso nga lang, kapag nasa labas siya ng bahay, puro siya kalokohan. Palainom na nga, mahilig pang mang-trip ng mga naglalakad sa daan. Palagi ko naman siyang sinasaway tuwing magkasama kami. Palagi kasi niya akong sinusundo sa trabaho para hindi na gumastos sa pamasahe.

Lumaki ako sa punerarya. Bago pa kasi mamatay si Papa noon, embalsamador din siya sa De Cuevas Funeral Home and Services. Sa harap no’n, naka-display ‘yong mga binebentang kabaong. Sa bandang gitna naman isinasagawa ‘yong pag-eembalsamo sa mga patay, pati na rin ‘yong pagki-cremate. Dahil pinagkakatiwalaan kami ni Mr. Orquia na siyang may-ari ng punerarya, ibinigay na nila sa amin ‘yong isang kuwarto para hindi na namin kailangan pang umupa. May sarili namang banyo at kusina sa likod kaya nakakakilos pa rin kami nang maayos. Sa laki ng puneraryang iyon, kasya pa kahit dalawang pamilya ang tumira. Bukod kay Kuya Reign, may isa pang stay-in na empleyado roon. Si Ate Grace, ang make-up artist ng mga patay. Sa tagal na naming magkakasama roon ay para ko na rin siyang nanay. ‘Yong pamilya kasi niya, nasa Mindoro at nagpapadala na lang siya tuwing sumesweldo sa punerarya.

Alas-sais ang out ko sa trabaho pero bandang 5:30 pa lang ay naghihintay na sa labas si Kuya.

“Ang aga mo ngayon, Kuya, ah. Wala ba masyadong trabaho?”

Tumango lang siya sa akin at kinuha ang iba kong dala para ilagay sa U-box.

Habang nasa daan kami ni Kuya, hindi ko maintindihan kung bakit parang pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam ko nang oras na ‘yon. 

Hanggang sa may makita kaming babae na naglalakad sa gilid ng kalsada. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo niya. May kahabaan ang buhok at nakasuot ng putting kamison. Ngunit parang wala siya sa sarili.

Mukhang napansin din iyon ni Kuya Reign.

“Miss, sa’n punta mo? Byaheng langit? Dala ka walis tambo para mabilis!”

Hinampas ko ang balikat ni Kuya. Nagsisimula na naman kasi siya sa kalokohan niya sa kalsada. Ngunit sa halip na tumigil ay mas lalo pang inigihan si Kuya. Binusinahan niya nang ilang beses ‘yong babae… hanggang sa huminto na iyon sa paglalakad. Ewan ko ba pero biglang tumayo ang mga balahibo ko nang ilang hakbang na lang ang layo namin do’n sa babae. At nang humarap siya sa amin, ni hindi siya nagalit o nainis man lang.

“Kuya, umalis na tayo!”

Ngunit hindi nagpaawat ang aking kapatid.

“Uy, miss! Ano’ng tinira mo? Mukhang nakarami ka ngayon, ah? Lutang amputek!”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hindi pa rin magsalita ‘yong babae. Para kasing may nakita na akong ganoon noon pero hindi ko masyadong maalala kung saan at kailan.

“Kuya, tara na!”

Nang makalayo-layo na kami ni Kuya, saka ko muling nilingon ‘yong babae pero nakapagtataka dahil bigla na lang siyang nawala roon.

Imposible. Naroon lang siya kanina. Wala namang kanto na pwede niyang likuan.

Malapit na kami sa punerarya nang makarinig kami ng mga taong nagsisigawan. Nagtaka kami ni Kuya kung ano’ng meron at nagkakagulo sila sa bandang unahan namin. Ilang sandali pa ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ‘yong babaeng nakita namin kanina.

Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga iyon. Hinahabol siya ng isang matabang lalaki. Nakahubad-baro ito at may hawak na kutsilyong kumikislap pa sa liwanag ng ilaw.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon