KALARO

77 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without the author’s expressed written permission.

All of the characters in this story have no existence outside of the author's imagination, and all the incidents or events are merely inventions.

KALARO
written by Jiara Dy

Madilim na ang paligid. Nagbabadya na ang malakas na pag-ulan na ibinalita kanina sa telebisyon ngunit ang magkapatid na sina Francine at Eury, tuloy-tuloy pa rin sa paglalaro.

"Bata, pasali!" sabi ng batang babaeng lumapit sa kanila. Sa pagkakaalam nila, anak ito ng bago nilang kapit-bahay. Tumikwas ang kilay ng malditang si Francine.

"Bakit? Ka-close ka ba namin? Tsupi!" sigaw niya rito. Napayuko ito sa pagkapahiya pero hindi pa rin ito umalis sa kinatatayuan.

Mas lalong nainis si Francine. Itutulak na sana niya ito nang bumulong si Eury sa kaniya.

"Oh, sige. Gusto mong sumali, 'di ba? Tara! Tagu-taguan tayo!" nakangising sabi ni Francine. Lumiwanag naman ang mukha nito sa sinabi niya.

"Talaga? Pasasalihin n'yo 'ko?" 'di makapaniwalang tanong nito.

"Oo nga! Kasasabi ko nga lang, e. Halika na, magtago na tayo. Si Eury ang taya! Talikod ka na, Eury! Huwag kang lilingon, ah!" sigaw niya at hinila ang batang kalaro papalayo. Napangiti siya nang matanaw ang kubo-kubong tambakan ng mga bunot ng niyog. Pagmamay-ari iyon ng kaning Lolo Caloy.

Ilang hakbang na lang bago sila makarating sa kubo nang biglang huminto ang kasama ni Francine.

"Teka, bakit ang layo naman ng pagtataguan natin?" nagtatakang tanong nito.

"Siyempre, para mahirapan maghanap si Eury! Magaling 'yon maghanap, e. Sige na, d'yan ka sa kubo at dito naman ako sa likod ng puno. Okay lang ba?" nakangiting tanong niya rito. Lingid sa kaalaman ng kasama ang kalokohan nilang magkapatid.

"Oo naman! Ah, siya nga pala, ako si Lia. Anak ni—"

"Anak ni Aling Rosa. Kilala ni mama ang nanay mo. Sige na, magtago ka na!" aniya at sinamahan pa ito sa kubo. Maingat niya iyong isinara at pasimpleng ibinaba ang kahoy na pang-lock ng pinto sa labas.

Patingkayad siyang naglakad papalayo sa kubo at maya-maya lang ay kumaripas na ng takbo papunta kay Eury.

"Success! Ikinulong ko siya sa kubo ni Lolo Caloy! Tara na, uwi na tayo. Baka abutan pa tayo ng ulan," aniya sa kapatid. Tawa pa sila nang tawa habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

"Naku, saan ba kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap! Signal no. 4 ang bagyo rito sa atin. Delikado na sa labas mamaya kapag nagsimula nang umulan!" nag-aalalang sabi ng kanilang ina. Nagkatinginan ang magkapatid at parehong namutla.

"Mama, puwede bang lumabas muna kami saglit? May naiwan kasi kami sa palaruan, e. 'Di ba, Eury?" aniya sa kapatid.

"Hindi! Dito lang kayo sa bahay. Wala nang lalabas, maliwanag ba? Delikado na. Umakyat na kayo sa itaas. Mag-aasikaso lang kami ng mga gamit ng tatay ninyo," sabi ng kanilang ina. Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod sa sinasabi nito. Bagsak ang balikat nila nang makapasok sa kuwarto.

"Ate, kawawa naman si Lia! Paano kung lumakas ang ulan? Hind na siya makakaalis do'n," nag-aalalang sabi ni Eury.

"Tumahimik ka nga! Idea mo 'to. Saka, hindi na tayo puwedeng lumabas. Narinig mo naman 'yong sinabi ni mama, 'di ba?" inis na sabi niya rito.

"Pero, ate, mag-isa niya lang do'n! Paano kung walang makakita sa kaniya?"

"Anong gusto mong mangyari? Bumalik tayo? Malakas nga 'yong bagyo. Hahanapin din 'yon nina Aling Rosa kaya makakauwi rin siya," aniya at humiga na sa kama. Tumahimik na rin naman ang kaniyang kapatid. Ilang sandali lang at nagsimula nang pumatak ang malalaking butil ng ulan. Tila maliliit na bato ang bumabagsak sa bubong ng kanilang bahay sa lakas niyon.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon