THE CARPENTER 1

130 1 0
                                    

THE CARPENTER 

Written by Jiara Dy

SPG

PART I

AUTHOR’S NOTE:

This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy’s expressed written permission. 

ALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay gising na si Genesis. Naging parte na ng morning routine niya ang pagbibisikleta hanggang sa dulo ng subdivision na tinitirahan nila ng kaniyang ina. 

“Anak, ang aga mo na naman. Gusto mo bang mag-hot choco muna?” tanong ng ina ni Genesis na noo’y abala na sa pagbabasa ng libro. 

Libangan naman ng ina ni Genesis ang magbasa ng libro tuwing nagigising sa umaga, at bago pa man magluto ng kanilang almusal.

“Hindi na po, mommy. Sige na po, alis na ‘ko,” masaya pang paalam ng dalaga.

Malambing namang ngumiti ang ina. Nilapitan nito si Genesis at masuyong hinalikan sa pisngi. 

“Ingat, anak.” 

Nang makalabas ng gate ay sumalubong kay Genesis ang malamig na simoy ng hangin. 

“Perfect,” bulong niya habang nagsisimulang tumipa sa pedal ng bisikleta niya.

Sa araw-araw na naglilibot siya sa subdivision ay hindi pa rin siya nasasawa sa magagandang hardin na nadaraanan niya. Bukod sa mga naglalakihang bahay, atraksyon din doon ang naggagandahang hardin na pawang mga mayayamang nakatira lamang doon ang nagmamay-ari. Pinadisenyo pa kasi ang mga iyon at mamahaling mga halaman din ang nakatanim.

Noong nabubuhay pa ang daddy niya, ito ang palagi niyang kasama magbisikleta. Sabay rin sila noong uuwi at sasalubong naman sa kanila ang fresh-baked cookies ng mommy niya. Iyon ang paborito nilang almusal, kasabay ng mainit na tsokolate.

The sweet and cold breeze kissed her cheeks. Then she started humming a familiar song as she took the narrow road to her favorite spot, the old gazebo. Ipinagawa pa raw iyon ng matandang may-ari ng subdivision para sa anak nitong graduate ng Civil Engineering, ngunit hindi nagamit ang propesyon nang pumanaw ito, isang linggo matapos makapasa at mag-topnotch sa licensure exam.

Wala masyadong nagagawi roon dahil bukod sa medyo magubat na ang lugar ay masyado na iyong malayo sa mga kabahayan. Sa paligid ng gazebo ay mayroong fishpond na nilulumot na. Wala nang mga isda roon. Tanging mga water lily na lamang at iba pang mga damo ang laman ng dati’y napakagandang fishpond na iyon. Sa bandang dulo naman, malapit sa pader ay nagtataasan nang mga talahib at ilang naglalakihang mga puno na kasingtanda na rin ng namayapang anak ng may-ari ng subdivision kung nabubuhay pa ito. 

Inilabas niya mula sa dalang backpack ang flute at sinimulan nang lumikha ng tunog mula sa paborito niyang kanta. Ang tahimik na paligid at ang musika ang tanging nagbibigay ng kapayapaan sa kaniya.

Ngunit ilang sandali pa, ang tahimik na paligid ay napuno ng nakakikilabot na sigaw ng dalagang nag-aagaw buhay. Sumirit ang masaganang dugo nito mula sa katawan dahil sa sunod-sunod na saksak na tinamo.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon