PLAGIARISM IS A CRIME!
INSOMNIA (Exclusively written for Spookify)
written by Jiara DyNaranasan n’yo na bang mapuyat sa hindi malamang dahilan? Iyon bang kahit anong pilit mo ay parang napakadamot ng antok sa ‘yo. Minsan, akala natin, normal na insomnia lang iyon, pero baka hindi natin alam, pareho na pala tayo ng nararanasan.
Ako si Camille. Fourth year student sa kursong Business Administration. Ulila na sa mga magulang kaya mag-isa ko na lang sa buhay. Nag-aaral ako habang abala sa online business ko na pinagkukunan ko ng gastusin sa school at sa renta. Mahirap pagsabayin ang pag-o-online selling at pag-aarap pero kinakaya naman.
Alas-otso na nang makarating ako sa terminal ng dyip na sasakyan ko pauwi sa kabilang bayan. Malayo-layo rin kasi ang Subic mula sa Olongapo. Dahil sa feasibility study na ginagawa namin, inabot na kami ng gabi. Hindi ko nga alam kung may masasakyan pa ako.
Ngunit pagdating ko sa terminal ng jeep, natiyempuhan pa na napaka-haba ng pila. Ni hindi ko matanaw ‘yong pinaka-dulo sa dami ng mga tao. Napailing na lang ako no’n. Wala naman kasi akong choice kundi ang maghintay.
Ramdam ko na ang pangangalay ng aking binti sa katatayo. Maya't maya rin ang pagtingin ko sa oras na wari'y makatutulong iyon sa pag-usad ng pila. Aabutin pa yata ako ng hatinggabi sa terminal.
“Sana talaga, hindi na lang ako pumasok sa trabaho ngayon. Mukhang aabutin na ako ng pasko rito,” reklamo ng babaeng nasa likuran ko. Gusto ko sana siyang sang-ayunan pero parang naubos na ang lakas ko para makipag-usap pa. Ang nasa isip ko na lang ng oras na ‘yon ay makauwi at makapagluto ng aking hapunan.
Nakahinga ako nang maluwag nang unti-unti nang umusad ang pila. Napakaingay ng paligid. Kaliwa’t kanang reklamo, busina ng sasakyan, at sigaw ng mga nagtitinda sa gilid ng kalsada ang naririnig ko. Halos lahat ng kasama ko ay nagmamadali nang makauwi.
“Subic! Subic! Kanan, kaliwa! Ate, makiusod na lang, oh! Siyaman po ‘yan!” sigaw ng barkero na hindi pa nakuntento sa pagsigaw at kinalampag pa ang gilid ng dyip.
Nakipag-unahan na ako sa pagsakay nang may dumating na blue jeep para makauwi. At para mabilis akong makababa, doon ako pumuwesto sa may pintuan ng dyip.
“Bayad ho, pakiabot na lang,” sabi ko sa aleng katabi ko sabay abot ng barya.
Iidlip muna sana ako nang mapasulyap ako sa katapat kong pasahero. Nakasuot siya ng hoodie at halos hindi na makita ang mukha sa pagkakasaklob niya. Siguro’y pasimple ring iidlip si Kuya habang nasa byahe.
Bigla akong nailang nang mapansing parang nakatingin siya sa akin. Hindi ko kasi maaninag ang mga mata niya dahil hindi naman ganoon kaliwanag ang paiba-ibang kulay na ilaw sa loob ng dyip, pero sa akin nakatapat ang direksyon ng mukha niya. Nagpasya ako na huwag na lang siyang pansinin. H
Pumikit ako at akmang iidlip na nang makarinig ng mahinang pagsipol. Pagmulat ko, nakita kong mas yumuko pa ang pasaherong iyon sa tapat ko.
Napalingon ako sa ibang mga pasahero. Mukhang balewala lang sa kanila ‘yong pagsipol no’ng lalaki kaya hindi ko na lang ulit pinansin.
Ilang sandali pa, muling sumipol ‘yong lalaki. Nang hindi ko pa rin siya pansinin, bigla na lang siyang ngumisi habang nakatingin sa akin.
Napakurap-kurap pa ako at kinurot ang aking sarili dahil baka guni-guni ko lang ‘yon nang biglang pumara ‘yong katabi kong babae.
“Sa kanto lang!”
Muntik na akong mapamura nang biglang tumabi sa akin ‘yong lalaki. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso. Para bang bigla na lang lumamig sa puwesto ko.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
HorrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.