ASWANG SA TABAG

93 1 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!

ASWANG SA TABAG
(Exclusively written for Kwentong Enteng YouTube channel)

2006.

High school pa lang ako noon nang magsimula akong mabarkada. Nagka-cutting classes para mag-inom kasama ang mga barkadang itinuring ko nang pamilya. Dahil doon, hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral at naging dakilang tambay na lang.

Inom dito, inom doon. Minsan ko na ring naging raket ang pagnanakaw ng mga appliances sa kabilang barangay at saka ko ibinebenta sa mas murang halaga. Iyong sapat lang para may maipang-inom. Hanggang sa nakilala ko sina Empoy, Bruno, at Jude o mas kilala bilang Hudas. Miyembro sila ng samahan ng mga siga roon sa amin na kung tawagin ay TROPANG HAMOG.

Isang grupo lang naman iyon na binuo ng mga tambay sa barangay namin para magpa-cool at magsiga-sigaan sa mga kanto. Minsan nga e nakakapangotong pa kami.

Madilim-dilim pa lang ay nasa labas na kami para rumaket sa mga tinderang umaangkat ng mga sariwang isda sa bulungan o ‘di kaya nama’y sa mga tricycle driver na maagang namamasada sa aming lugar.

Sa edad na bente-dos, mayroon na akong asawa at isang anak. Dahil sa pagiging tambay, madalas naming pag-awayan ang mga gastusin sa bahay kaya halos sa buong maghapon ay wala ako roon. Sa gabi naman, doon namin isinasagawa ang mga raket namin sa iba’t ibang barangay.

“Empoy! Bilisan mo naman! Baka maabutan pa tayo rito ng may-ari,” sigaw ko kay Empoy habang buhat-buhat ang isang TV. Kinuha naman nina Bruno at Jude ang water dispenser at microwave oven.

Nakahinga kami nang maluwag nang makalabas ng bahay at tagumpay na natangay ang mga gamit na maibebenta namin sa kabilang bayan. Ginamit namin ang dyip na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Bruno para diretso na iyong dalhin sa kaibigan namin na siyang magbebenta ng mga appliances.

Madaling araw na nang makabalik kami. Bandang alas-dos na noon. Bukod sa malayo ang lalakarin papasok sa kalye ng aming barangay, matataas na talahib at tubuhan ang aming madadaanan.

Napansin ko ang pananahimik nina Empoy nang makalampas kami sa talahiban. Nakayuko naman sina Bruno na para bang may iniiwasang tingnan. Abala naman sa pagmamaneho si Jude at hindi rin nagsasalita. Iyon ang unang beses na madaling araw na kami nakauwi. Madalas kasi ay nagpapalipas na kami ng gabi sa bahay ng kakutsaba namin sa pagbebenta ng appliances.

“Jude!” tawag ko ngunit hindi niya ako pinansin.

“Jude, ano ba? Ihinto mo muna sandali at sasabog na ang pantog ko!”

Kitang-kita ko ang pamumutla ni Jude sa sinabi ko.

“Pambihira! Pigilan mo na muna ‘yan, Miko!” reklamo niya na hindi man lang nag-abalang ihinto ang dyip.

“Hindi na nga kayang pigilan!”

Mas lalo namang napayuko sina Bruno at Empoy.

“Ano bang nangyayari sa mga siraulong ‘to?”

Nang sa wakas ay huminto ang dyip, patakbo akong nagtungo sa gilid ng kalsada, paharap sa gumuhong parte ng bundok na kung tawagin sa amin ay “Tabag.”

Para akong nakahinga nang maluwag nang maitaas ang suot na pantalon matapos diligan ang madamong gilid ng kalsada. Pabalik na sana ako sa dyip nang mapansin ko ang ‘yong nag-iisang bahay na nakatirik doon.

Napailing na lang ako nang mga oras na ‘yon. Sa tagal ko nang nakatira sa barangay namin ay noon ko lang napansin ang bahay na iyon sa may guho. Kung hindi pa iyon natanglawan ng liwanag mula sa buwan ay hindi pa mapapansin.

“Miko! Bilisan mo na riyan!” sigaw ni Jude na hindi na mapakali.

“Heto na nga! Bakit ba kasi madaling-madali ka? May lakad ka ba?” iritado kong sabi nang makasampa sa dyip.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon