ASWANG ANG NAKUHA
This is exclusively written for LADY PAM YouTube channel. DO NOT PLAGIARIZE.
Part 1/2
MAY-ARI ng isang ‘di-kalakihang farm ng mga sasabunging manok ang tiyuhin ni Mike na si Leandro. At nang tumagal, hinati na rin ang farm na iyon. Ang kalahati ng lupain ay pinagawan ng babuyan, at maliit na poultry house naman sa bandang likuran. Isa kasi iyon sa magandang hanapbuhay dahil maraming pwedeng kumuha sa kanila ng suplay ng karne sa palengke. Lalo na at marami talagang kakilala ang tiyuhin ni Mike sa bayan.
Sa lawak ng farm at sa dami ng inaalagaang hayop, kinailangan din noon ni Leandro ng maraming tauhan. Kaniya-kaniyang toka ang mga tao roon kaya maayos ang pamamalakad sa farm. At si Mike nga ang tumatayong kanang-kamay ni Leandro doon dahil ang mga anak nito ay nag-aaral sa ibang bansa, kaya wala na ring iba pang maaasahan.
“Mabuti at hindi dinadale ng peste ang mga alaga mo, Pareng Leandro,” sabi ng kaibigan nitong si Emilio na isa ring may-ari ng farm.
“Naku, e, sadyang masisipag at maalaga ang mga tauhan ko rito, Emilio. Kahit yata langgam e mahihirapang makalusot sa mga ‘yan,” biro naman nito.
Tahimik naman sa isang tabi si Mike habang nagpapahangin sa ilalim ng puno ng santol na noon ay hindi pa namumunga. Napapangiti ang binata habang nakatanaw sa malawak na manukan. Hindi kasi niya lubos akalain na magiging bahagi siya ng tagumpay ng farm na iyon ng kaniyang tiyuhin. Sa edad na bente-singko ay nakabili na siya ng sariling sasakyan, at kasalukuyan na ring ginagawa ang sarili niyang bahay. Ngunit habang hindi pa iyon tapos ay doon muna siya pansamantalang nakikituloy sa bahay ni Leandro. Malaki naman iyon. Bukod sa katulong ay tatlo lamang silang nakatira sa resthouse sa gitna ng manukan.
Pagsapit ng linggo, ipinahanda ni Leandro kay Mike ang mga manok na dadalhin sa sabungan. Tapos nang ikondisyon ang mga iyon at kumpiyansa naman si Mike na mananalo ang kanilang mga alaga.
“Oh, Kaloy, wala munang magwawalis hangga’t hindi kami nakakauwi. ‘Wag kayong mag-alala. Kapag nanalo lahat ng panlaban natin ngayon e may balato kayo sa ‘kin,” wika ni Leandro sa isa sa mga tauhan nito sa manukan. May pamahiin kasi ito na bawal magwalis tuwing may ilalabang manok dahil itinataboy lamang daw nito ang swerte.
“Tara na, Tsong!” aya naman ni Mike na siyang magmamaneho ng sasakyang gagamitin nila patungong sabungan.
Dahil may kalayuan ang farm sa bayan, minabuti nilang mas agahan pa ang pag-alis. Ngunit habang nasa byahe palabas ng baryong kinaroroonan ng farm, napahinto sa pagmamaneho si Mike nang makita ang bakang nakahandusay sa kalsada.
“Teka, mukhang patay na ‘yun, ah,” wika ni Mike na hindi nag-atubiling bumaba upang tingnan ang kalagayan ng nasabing hayop. Agad namang sumunod si Leandro sa kaniya.
Mabagal ang hakbang na nilapitan ni Mike ang nakahandusay na baka sa kanilang daraanan. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan nang oras na ‘yon. Napangiwi si Mike nang makita ang patak ng dugo noong ilang hakbang na lamang ang layo niya rito.
Nang tuluyang malapitan ang baka, natutop ni Mike ang bibig at halos bumaliktad ang sikmura nang tumambad sa kaniya ang sinapit ng kalunos-lunos na hayop. Tila hinalukay ng ang tiyan nitong halos buto na lamang ang matira. Nagkalat din sa lupa ang maliliit na tipak ng karne na tiyak ni Mike ay galing sa patay na baka.
“Anak ng—kanino kayang alaga ‘yan?” wika ni Leandro na agad itinawag sa kapitan ang nasaksihan sa kalsada.
“Mukhang doon ‘to galing kina Mang Emilio, Tsong. Pambihira. Sino naman kayang gagawa nito? Mas mabuti pang kinatay na lang ‘tong baka kesa naman—”
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
HorrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.