THE CARPENTER
Written by Jiara DySPG | PART III
AUTHOR’S NOTE:
This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy’s expressed written permission. SA MADALING SALITA, BAWAL KOPYAHIN SA KAHIT NA ANONG PARAAN.MATAPOS ang imbestigasyon sa nangyaring krimen, natagpuan ang iba’t ibang gamit na pangkarpintero sa loob ng tiyan ni Achilles. Walang nawala sa mga organ pero nadurog ang mga ito sa bigat carpentry tools na pilit na pinagkasya sa tiyan ng lalaki.
Hindi na makilala ang mukha ni Achilles dahil durog na ang bungo at ibang parte ng katawan nito. Noong una, nagduda pa sila na baka hindi talaga si Achilles ang nakuhang bangkay, pero matapos kunan ng DNA sample ang lalaki, doon na naging malinaw sa kanila ang lahat. Nag-match kasi ‘yon sa mga magulang ng aktor.
Inimbitahan silang lahat sa presinto para kunan ng statement. At dahil na rin sa pagkamatay ni Achilles, nagpasya ang producer na hindi na muna ituloy ang ginagawang pelikula habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at hindi pa rin natutukoy kung sino ang suspect sa nangyaring krimen.
Walang nakitang fingerprint o anumang bakas na makapagtuturo sa killer. Ayon sa awtoridad, pareho nga iyon sa istilo ng pagpatay sa dalawang biktima, limang taon na ang nakalilipas. Ngunit hindi pa tiyak kung iisa lamang ang pumapatay. May posibilidad din kasing ginaya lamang ang istilong ‘yon kaya malaking palaisipan pa rin kung sino nga ba ang tunay na salarin.
Sa galit ni Hera, napakapagbitaw ito ng masasakit na salita at nagawang pagbintangan si Manong Azi. Hindi naman iyon ipinagsawalang-bahala ng awtoridad kaya naging suspect ang matanda. Pero dahil wala namang malinaw na motibo sa nasabing krimen si Manong Azi at wala ring ebidensya na may kinalaman nga ito sa nangyari ay hindi ito pwedeng sampahan ng kaso. Iginiit naman ni Hiro na imposibleng may kinalaman ang matandang may-ari ng farm dahil napakabait nito sa kanila.
Matapos silang kunan ng statement, nagpasya sila na hindi na muli pang bumalik sa farm kahit na naiwan pa roon ang mga importanteng gamit nila. Pero sinabi ni Hiro na hindi pwedeng mag-isa na lamang itong babalik at haharap kay Manong Azi. Sa naiisip kasi nilang gawin, mas lalo nilang ipinamumukha na guilty ang matanda sa nangyaring krimen.
“Kung hindi kayo sasama pabalik sa farm, mawawalan kayo ng career sa showbiz. Trust me, kayang-kaya kong gawin ‘yon sa inyo,” banta ni Hiro nang magmatigas pa rin ang karamihan sa kanila.
“Ugh! Fine. Sasama na ‘ko pero hindi ako magtatagal do’n,” napipilitang sabi ni Hera. Sinegundahan naman ‘yon ng nina Mikee, Athena, Iris at Eros. Hindi na kailangan pang sumagot ni Lumi dahil tiyuhin niya rin naman ang masusunod sa bagay na ‘yon.
Dahil pare-pareho naman silang malalayo sa pamilya, wala ring maghihintay sa kanila sa pag-uwi kaya kahit labag sa kalooban, sumama pa rin silang lahat kay Hiro pabalik sa farmhouse. Pero sa pagbalik nila, hindi na nila ginamit ang bus na sinakyan sa unang punta nila sa farm. Ginamit nila ang van na pagmamay-ari ng tiyuhin niya. Si Eros ang nagmaneho no’n. Sinundan na lang nito ang kotseng minamaneho ni Hiro na nagpasyang humiwalay sa kanila. Marahil ay para makaiwas sa mga kaartehan ng kasama nilang si Hera.
“Kung ‘di lang para sa career ko, hinding-hindi na ko babalik do’n! What if nando’n pa ‘yung killer?” patuloy na reklamo ni Hera habang nasa byahe pabalik sa farm.
“Magtiwala na lang tayo kay Direk. Wala rin naman tayong uuwian kaya magtiis na lang muna tayo. Isang gabi na lang naman,” sabi naman ni Athena.
“Tama si Athena kaya pwede ba, kumalma ka na dyan?” irita namang singit ni Mikee.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
TerrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.