MANLALASON SA QUEZON
(Exclusively written for Ang Sundo Horror Stories)BAWAL KOPYAHIN SA KAHIT ANONG PARAAN. NO TO PLAGIARISM!
Tawagin n’yo na lang akong Iking, at nangyari ang hindi ko makakalimutang karanasang ito noong sa Quezon pa kami nakatira. Hindi ko na lang po babanggitin kung ano’ng bayan ‘yon at ‘yong pangalan mismo ng baryo.
Tahimik ang buhay namin sa baryo. ‘Yong bahay namin, malapit sa ilog kaya hindi namin problema ang tubig na panghugas ng mga plato, pangligo, at panggamit sa banyo. ‘Yong inumin naman namin, kinukuha sa bukal sa paanan lang ng bundok. Napakasimple lang talaga ng buhay namin sa probinsya. Halos walang kaproble-problema.
“Iking, hanapin mo muna kung saan nangingitlog ‘yong pabo natin at kumuha ka ng tatlo para may ulam tayo,” utos ni Tatay nang umagang iyon.
May alaga kasi kaming pabo na pagala-gala lang sa paligid. Hinahanap na lang namin kung saan nangingitlog. Wala namang plano si Tatay na paramihin ‘yon kaya nilalaga na lang namin kesa mabulok. Lumabas na ako ng bahay para puntahan ‘yong pinamumugaran ng pabo. Ang alam ko kasi ay doon lang iyon sa dulo ng taniman ng kamoteng baging madalas pumupunta.
Pero pagdating ko doon, hindi ko nakita ‘yong pabo, kaya naman naglakad-lakad pa ako sa paligid lang ng bakuran namin. At nang wala pa rin akong nahanap, umuwi muna ako sa bahay para sabihin kay Tatay na magtatanong-tanong muna ako sa mga kapitbahay namin. Baka sakaling may nakakita.
Ilan na rin ‘yong napagtanungan ko at malayo-layo na rin ‘yong narating ko sa baryo. Umabot na ako doon banda sa pinagbabawalang puntahan lalo na ng mga bata. Madalas kasing gawing panakot sa amin na aswang daw ang mga nakatira banda roon, at sinumang maligaw sa teritoryo nila ay hindi na nakakabalik. Ngunit dala ng aking kuryosidad, tumawid pa rin ako sa makitid na tulay sa may kalaliman ding sapa. Doon ko nakita nang mas malapitan pa ang dalawang bahay na natirik sa masukal na parteng iyon ng baryo. Wala talagang ibang bahay maliban lang doon sa dalawang halos magkadikit pa. Siguro’y magkamag-anak lang ang nakatira.
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ‘yong matandang babae na halos umabot na sa lupa ang haba ng buhok. May malaking kawa sa harapan niya at may kung anong hinahalo doon. Tapos may naamoy din akong parang malansa. Iyon bang parang amoy ng mga karne sa palengke? Parehong-pareho no’n. Siguro ay may kinakatay sila.
Lalapit na sana ako do’n sa matandang babae nang may mapansin ako sa ilalim ng lamesang gawa sa kawayan. Nakadikit ‘yong lamesa sa puno ng mangga. At doon sa ilalim... nakita ko ‘yong nawawala naming pabo. Hindi ako maaaring magkamali dahil ‘yong kaliwang paa no’n ay nilagyan ko ng palatandaan.
Kaagad akong lumapit sa mesa para kunin ‘yong pabo. At nag-ingay nga iyon nang lapitan ko. Napalingon sa akin ‘yong matandang babae. Kinilabutan ako sa klase ng tingin na ibinigay niya sa akin. Dagdag pa na lumabas din ‘yong isang matandang lalaki na may bitbit na gulok na may bakas pa ng dugo.
Napaatras ako at biglang nanginig ang kalamnan sa takot. Bumalik sa isipan ko lahat ng mga kuwento-kuwento tungkol sa mga nakatira doon.
“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo rito?!”
Bagama’t natataranta ay pinilit ko pa ring magsalita. Ipinaliwanag ko sa matanda na naroon lang ako sa pagbabaka sakaling makita ang alaga naming pabo. Itinuro ko ang pabo sa ilalim ng mesa at ang marka nito sa kaliwang paa. Saka ko pa lang napaniwala ang matanda sa tunay na pakay ko roon.
“Sa inyo ba ‘yan, hijo? Pasensya ka na’t nakita naming pagala-gala sa daan. Hindi naman namin alam kung sino ang may-ari kaya nagpasya na kaming iuwi,” nakangising sabi no’ng matandang lalaki. Hindi ko alam pero parang labag pa sa kalooban ng matanda na kunin ko ‘yong pabo namin.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
HorrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.