THE ORPHANAGE

99 0 0
                                    

The Orphanage
by Jiara Dy

Nakasanayan na ng New Town University na magpadala ng mga volunteer nursing students isang buwan bago ang graduation day sa iba't ibang orphanage sa bansa. Isa rin itong dahilan kung bakit kilala sila bilang isa sa mga mapagkawang-gawang pamantasan sa Central Luzon. Si Charyl, bilang isa sa magagaling na estudyante ng NTU, ang naatasang maging leader ng kaniyang grupo. At ang napiling orphanage para sa kanila ay ang I Promise Children's Home.

"Gosh! Bakit ka nagpreno?! You scared the hell out of me, Carl!" sigaw ni Lara sa kaibigang nagmamaneho. Kasalukuyan silang nasa byahe patungo sa nasabing bahay-ampunan. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa kanila.

"May pusa, e! Bigla na lang tumawid," sagot ni Carl at mabilis na bumaba ng van. Kaagad namang sumunod si Charyl at ang iba pa nilang kasama.

"Oh, my God, Carl! You killed the cat!" gulat na sabi ni Lara nang makita ang nasagasaang pusa. Napatakip naman ng bibig si Thea na diring-diri sa nakita. Lasug-lasog ang katawan ng itim na pusa at nagtalsikan din ang dugo nito sa harapang bahagi ng kanilang sasakyan. Kaagad na binundol ng kaba ang dibdib ni Charyl.

"Masamang pangitain 'to," bulong niya sa sarili. Kinikilabutan siya habang pinagmamasdan ang patay na pusa. Itim na itim ito at dilat pa ang mga mata nang mamatay.

"Itapon n'yo na 'yan! Tititigan na lang ba natin 'yan? Kadiri!" maarteng reklamo ni Thea.

"Alam mo Thea, puro ka reklamo. Eh, kung ikaw kaya ang dumampot sa pusang 'yan?" inis na singhal ni Carl. Natameme si Thea at nagdadabog na bumalik sa loob ng van.

"Ang malas natin. Nagsama pa tayo ng maarteng kagrupo," parinig ni Agatha.

Pagkatapos linisin ang van at maitapon ang patay na pusa, nagsibalik na sila sa loob at itinuloy ang byahe.

"Welcome to Brgy. Lagpan!" ani Lara na binasa ang signage na nadaanan. Ito ang lugar na nakalagay sa mapa. Ilang sandali na lang at makakarating na sila sa hinahanap nilang bahay-ampunan.

"Malapit na tayo, guys!"

Matamang pinagmamasdan ni Charyl ang paligid. Ibinaba niya ang bintana para makapasok ang sariwang hangin. Napakatahimik ng nadadaanan nila. May mangilan-ngilang bahay silang nakikita pero magkakalayo naman. Hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ni Charyl.

"Carl, I think lumampas na tayo. Pakibalik mo 'yong sasakyan," aniya rito. Pinaatras ni Carl ang van at huminto sila sa tapat ng isang making gate na may nakasulat na "se Children's Home".

"Ito na yata 'yong hinahanap nating orphanage," ani Lara.

"Sigurado ba kayo? Eh wala namang nakalagay na I Promise sa pangalan ah?" singit ni Carl.

"Mukhang ito na nga ang hinahanap natin. Siguro'y natanggal lang ang ilang letra dahil sa sobrang tagal na nitong orphanage," dagdag pa ni Agatha.

Kumatok sila sa malaking gate at pinagbuksan naman sila ng unipormadong guard.

"Magandang araw po. Mga volunteers po kami mula sa New Town University. P'wede po ba naming makausap ang tagapamahala rito?" magalang na tanong ni Charyl sa guard ngunit nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi rin ito nagsalita. Bagkus ay sinamahan na lang sila nito hanggang sa pintuan ng bahay-ampunan. Malaki ang building na iyon pero halata na rin ang kalumaan. Kupas na ang pintura. Kumatok ang guard at bumungad ang isang may edad na madre.

"Magandang araw ho. Mga volunteers po kami na ipinadala ng New Town University. Narito po kami para tumulong sa inyo," paliwanag ni Charyl sa kaharap na madre at inabot ang dala nilang consent mula sa NTU.

"Tuloy kayo! Ako nga pala si Sister Gina, ang tagapamahala ng bahay-ampunang ito. Welcome kayong lahat dito! Halina kayo sa loob at nang makapagpahinga na kayo," magiliw na sabi ni Sister Gina. Natigilan si Charyl nang magsitayuan ang mga balahibo niya pagpasok nila sa loob. Parang may lamig na dumapo sa balat niya.  Pinagmasdan ni Charyl ang kabuuan ng nasabing bahay-ampunan habang abala naman sa pakikipag-usap ang mga kasama niya sa mga batang nagtatakbuhan doon. Sinamahan sila ni Sister Gina sa silid na tutuluyan nila. Nakabukod ang kay Carl dahil nag-iisa itong lalaki. Samantalang sama-sama naman silang mga babae sa iisang silid. Pinababa muna sila ni Sister Gina pagkalapag nila ng mga gamit para makapagmeryenda. Alas kwatro na kasi sila nakarating doon.

TAGALOG HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon