MANG TENORIO
(Exclusively written for Kwentong Enteng YouTube channel)NOBYEMBRE, 1998.
Labing-walong taong gulang pa lang ako noon nang magsimula akong magtrabaho sa isang punerarya. Kaibigan kasi ng Tiyo ko ang may-ari no'n kaya madali akong natanggap. Si Tiyo Arman ay isang embalsamador sa puneryang iyon. Sa tagal na niyang nagtatrabaho ro'n e sa kaniya na ipinagkatiwala ni Sir Gilbert ang punerarya dahil bihira na itong umuwi sa Pilipinas. Sabi ni Tiyo, nasa Los Angeles na raw kasi lahat ng mga kapatid ni Sir Gilbert kaya sumunod na rin ito roon.
May dalawang kwarto sa loob mismo ng punerarya na tinutuluyan naming mga empleyado. May tatlo kasing embalsamador doon. Si Tiyo, si Mang Isko, at si Chino na isang taon lang ang tanda sa akin. Sa isang kwarto, silang dalawa ang magkasama at sa nama'y kaming magtiyuhin.
Kung para sa iba ay nakakatakot na matulog sa iisang bubong kasama ang mga patay, para sa amin naman, normal na bagay na iyon. Syempre, mga patay ang ikinabubuhay namin. Isa pa, hindi naman talaga ako takot sa patay. Wala naman kasi talagang mga multo na nagpapakita sa punerarya na ginagawang katatakutan ng iba. Malamig na bangkay, meron.
Bago naging embalsamador si Tiyo Arman, dati siyang manghihilot sa aming baryo. Lahat ng masasakit ang katawan, may pilay, sa kaniya nagpapahilot. Kaso nga lang, hindi siya tumatanggap ng mga buntis. Ilang beses ko na rin iyong itinanong kay Tiyo pero wala akong nakukuhang sagot.
Abala ako sa pagma-mop ng sahig noon nang bumukas ang pinto ng punerarya. Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa akin ang isang matandang lalaki. Makapal ang kaniyang balbas at medyo namumuti na rin 'yong buhok.
"Magandang umaga ho. Ano hong atin, boss?" magalang kong bati sa kaniya. Nagpunas pa ako ng kamay bago lumapit do'n sa matanda.
"Nasaan si Gilbert?" tanong nito na ang tinutukoy ay 'yong amo namin.
"Naku, si Sir G po ba? Eh, matagal na po siyang hindi umuuwi rito. Si Tiyo Arman po, siya na po ang namamahala-"
"Hindi siya ang gusto kong makausap!" Nagulat ako sa pagsigaw na iyon no'ng matanda. Ngunit pinili ko pa ring kumalma nang oras na iyon.
Sakto namang labas ni Tiyo Arman mula sa morgue. May suot pa siyang gloves at puting uniporme.
"Ah, Tiyo! May bisita po tayo. Hinahanap si Sir Gilbert."
Kumunot naman ang noo niya at hindi agad nakapagsalita habang animo'y sinusuri ang bisita sa punerarya.
"Wala rito si Gilbert. Ano bang pakay mo?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nabakas ko kasi ang kakaibang tono sa pananalita ng aking tiyuhin. Para bang hindi niya gusto ang aming panauhin.
"Wala. Babalik na lang ako kapag narito na siya," pagalit na sagot no'ng matanda.
Nagkatinginan kami ni Tiyo nang makaalis iyon.
"Tiyo, sino po 'yon? Parang matagal na kayong magkakilala sa tinginan n'yo kanina, ah."
Tinanggal ni Tiyo ang suot niyang disposable gloves at inilagay sa itim na garbage bag. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad papasok sa silid na aming tinutulugan. Hindi man lang niya sinagot ang aking tanong.
Napakamot na lang ako sa ulo at naiiling na bumalik na lang sa paglilinis.
Alas-otso na ng gabi nang makapaghapunan kami. Hanggang alas-syete lang dapat ang operasyon sa punerarya pero nag-overtime na naman sila. Marami kasing bangkay ang dinala kanina. Nang matutulog na kami'y sinubukan ko muling buksan ang usapan tungkol sa bisita kaninang umaga.
"Sino po ba 'yong dumating kanina?" usisa ko habang inaayos ang banig sa kama.
"Si Tenorio 'yon. Kaibigan ni Boss Gilbert noon."
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
HorrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.