THE CARPENTER
Written by Jiara DyPART II
AUTHOR’S NOTE:
This story or any portion thereof may not be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying or used in any manner without Jiara Dy’s expressed written permission. SA MADALING SALITA, BAWAL KOPYAHIN SA KAHIT NA ANONG PARAAN.ILANG oras lang matapos magpahinga ay nag-set up na sila para simulan ang shoot. Wala raw sasayanging panahon dahil bawat oras na naroon sila’y bayad ng producer ng pelikula. Naging maayos naman ang shoot dahil habang nasa bus ay pare-pareho na silang nag-i-internalize ng script nila.
Paborito ng kanilang direktor si Achilles. Bukod kasi sa malakas ang karisma ng binata, ito rin ang pinakamagaling umarte. Lahat na yata ng ipinagawa rito ni Hiro, ni minsan ay hindi ito nagreklamo.
Nagsho-shoot sila para sa isang pelikula na pinagbibidahan nina Achilles at Hera. Una pa lang kasi ay nakitaan na ng chemistry ang dalawa kaya sila ang pinagtambal. Sa ending ng pelikula, magpapakamatay si Hera dahil sa panloloko ng nobyong si Achilles.
Bandang hapon na nang matapos ang isang esksena. Pinagpahinga muna sila bago kunan ang isang eksenang panggabi. May dala naman sila roon na portable stove at sapat na stocks ng pagkain para sa lahat. Mayroon na ring magluluto para sa kanila kaya nagkaroon sila ng oras na maglibot-libot muna.
Habang naglalakad sa gilid ng maisan, isa-isang tinitigan ni Lumi ang mga scarecrow doon. Hinawakan niya ang isa. Mukhang hindi iyon basta-basta lamang ginawa. Mukha kasi itong totoong manika na nagbihis-tao. Sa malayo ay aakalain talaga itong totoong taong nakatayo.
Biglang sumagi sa isipan niya ang matandang may-ari ng farm. Si Azazel Toledo o mas kilala bilang Manong Azi. Sinulyapan niya ang lumang farmhouse. Madilim na sa loob nito. Gayundin ang paligid dahil unti-unti nang lumulubog ang araw. Hindi na rin niya nakita ang matanda, ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na ma-curious sa lumang farmhouse. Mabagal ang mga hakbang na nilapitan niya ang bahay.
Mula sa kinatatayuan, natuon ang atensyon niya sa isang bintana. Nang lapitan niya iyon, napagtanto niya na iyon nga ang silid ng matanda. Nakasarado ang bintana pero makikita ang loob nito dahil manipis lamang ang salamin.
Ilang sandali pa, natutop niya ang bibig nang makita roon si Manong Azi, pawisan, nakababa ang salawal habang nakikipagtalik sa isang... manika. Kinilabutan siya sa nakita. Sa itsura ng matanda, mukhang nasisiyahan talaga ito habang ginagawa ang bagay na ‘yon.
Agad siyang nagkubli nang lumingon ito sa direksyon niya. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya dahil sa nakita. Sa takot na mahuli ng matanda’y pagapang siyang umalis sa puwesto. Nang makalayo ay patakbo siyang bumalik sa kanilang tent.
“Uy, girl, saan ka galing?” salubong agad sa kaniya ni Mikee.
Napakunot ang noo nito nang mapansin ang pamumutla niya.
“Anong nangyari? Pawis na pawis ka oh. Wag mo sabihing nag-jogging ka pa bago matulog?”
Hindi niya pinansin ang tanong ni Mikee. Umiwas siya ng tingin at dali-daling pumasok sa tent para pakalmahin ang sarili. Una pa lang, alam na niyang may kakaiba kay Manong Azi. Pero napag-isip-isip niya rin na sa tagal na nitong naninirahan sa lugar na ‘yon nang mag-isa lang... hindi imposible na makaisip ito ng kakaibang paraan para libangin ang sarili.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, umulan nang gabing iyon. Dahil hindi agad nadala sa loob ng sasakyan ang ibang gamit ay nabasa ang iba roon kaya hindi na naman napigilang uminit ang ulo ni Hiro.
Habang nakaupo sa loob ng bus, nakaagaw-pansin kay Lumi si Manong Azi. Nakasuot ito ng itim na kapote at may dala ring isang malaking payong habang naglalakad patungo sa kanila. Mukhang alam na niya ang sadya ng matanda.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES
TerrorCompilation ito ng mga maiikling kuwentong nasulat ko. Ang iba rito ay true stories, at ang iba naman ay fiction.