AUTHORS NOTE:
Paunawa: Ang akdang ito ay likhang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, at mga pangyayari na isinalarawan dito ay mga produkto ng imahinasyon ng may-akda. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay man o patay, tunay na pangyayari, o umiiral na mga lugar ay lubos na aksidente at di-sadya. Ang may-akda ay walang layuning magkaroon ng koneksyon o representasyon ng anumang tunay na mga indibidwal, pangyayari, o mga lugar sa akdang ito. Ang kuwento ay umiiral lamang sa larangan ng kathang-isip at dapat itong itamasa bilang ganoon.Disclaimer: This literary work is a product of fiction. The names, places, and events depicted within are solely the imaginative creations of the author. Any similarity to real individuals, whether living or deceased, actual events, or existing locations is purely coincidental and unintentional. The author intends no connection or representation of any real-life individuals, events, or places in this work. The story exists within the realm of fiction and should be enjoyed as such.
Prologue:
"I have a crush on you."
Bigla naman siyang sumeryoso kaya natahimik nalang ako sa kinatatayuan ko. Napatitig naman ako sa mata niya kasi ramdam ko na nagsasabi talaga siya ng totoo. Gusto ko sanang magsalita kaso parang naubusan ako ng mga sasabihin. Gayunman, hindi ko rin mapaghinuna kung ano ba ang tamang salita ang ibibigay ko sa kaniya matapos niyang sabihin 'yun.
"U-Uuwi na ako."
Hindi pa man ako nakalalayo ay naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry if I just said that now. I don't know how and I'm nervous so I can't tell you before."
Marahan ko namang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Hindi naman importante kung sinabi mo o hindi, eh."
"W-What do you mean?"
"Kasi wala namang magbabago. At hindi rin sapat 'yung pakikipagkaibigan ko para magkagusto rin ako sa'yo."
Napaatras naman siya at namutawi ang lungkot sa mga mata niya. At doon ko lamang napagtanto kung ano ang mga sinabi ko. Sa katunayan ay sa isip ko lamang ko pero hindi ko inakala na maibibigkas ko pala 'yun sa harap niya.
"I-Its okay," aniya kaya napakunot naman ako ng noo.
"It doesn't matter if you don't reciprocate my feelings. But I promise someday that I will do my best for you to feel the same way like I did. "
Napatulala naman ako dahil hindi man lang siya nag-alinlangan na sabihin 'yun mismo sa akin kahit na napakumplikado ng ganung sitwasyon.
Nagpabalik na lamang ako sa katinuan ko nang lumapit siya sa akin.
"And I will start those promise right here right now."

YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Genç Kurgu[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...