' HOW SHE MET THOSE GIRLS PART 2 '
Andrea's POV
Si Irish yung tipo ng tao na kapag inaasar mo eh gagawin niya pabalik sayo. Pilosopo kasi yan eh. Minsan naiinis ako. Talo ako pagdating sakanya.Nagkakilala kami nung bata kami syempre. Umiiyak ako sa hagdan nun. Bestfriend na kami ni cams kaso lang wala sya.
Umiyak ako kasi pinagalitan ako ni mom and dad. Ayaw ko kasing sundin ang utos ni mommy na kunin ang laptop sa kwarto nila. Maliit na bagay lang. Kaya ayan, napagalitan ako. Simpleng utos pero hindi ko daw magawa. Kaya naman, tumakbo na lang ako at napaupo sa kalsada.
Biglang may humawak sa likod ko. Akala ko nga nun multo eh.
" Okay ka lang ba bata? " tanong ng babae.
Tumango ako. Sa itsura kong to, mukha ba akong okay?
Umupo siya sa tabi ko. Nakangiti pa yan.
" Bakit ka umiiyak? " tanong niya.
" I cried because my mom and dad became angry for me. " sagot ko habang nakatingin ako sa mga taong naglalakad.
" Ah, ganon ba? Okay lang yan. Mag-sorry ka nalang sakanila, bata. " nakangiting sabi niya. Palangiti tong babaeng to.
Ang bait-bait niya. I want her to be my bestfriend." I'm Irish Rosales. Nice meeting you. We also owned a company here in the Philippines. " walang alinlangan niyang pagpapakilala tapos she held her hand.
" I'm Andrea De Los Reyes. Nice meeting you too. " and then I smiled. Syempre nag shake hands kami.
Nagtaka ako kasi nagulat siya." Wait. De Los Reyes and apelyido mo? Kilalang-kilala yan sa buong pilipinas. " namamangha pa niyang saad. Yun bang makikita mo sa mga mata niya na nagagalak siyang makilala ako.
" Grabe, mayaman kayo. Ang pamilya nyo ay nagmamay-ari ng kompanyang DE LOS REYES. At hula ko, ikaw ang magiging tagapagmana ng kompanyang yon. " i know that she's proud. Kitang-kita sa mga mata niya. Magaling kasi akong tumingin sa mga mata na nagsasalita hihi.
" Uh-huh. Well, I think magiging closefriend tayo kasi alam mo ang kapalaran ko. " tapos tumawa ako.
" Hahahahaha. Palabiro ka masyado. " and we laughed each other. Masaya siyang kasama.
Nakita ko si cams na papalapit samin. Tapos hingal-hingal siya. Napagod siguro kakahanap sa akin. Palagi nya kasi akong hinahanap." Drey!!!! " tawag niya.
" Cams. " tawag ko nang makalapit siya.
" Bakit nandito ka sa labas? Hinanap kita sa bahay nyo, sabi ng yaya wala ka daw. May nangyari ba? " kapag kasi ganon yung sitwasyon alam na nyang may nangyari na. E-explain ko na lang mamaya.
Napatingin siya sa katabi ko. Parang naghihintay siya na ipakilala ko sakanya si Irish." Btw. I want you to meet Irish Rosales. Irish si cams. Cams si Irish. " dapat lang na makilala nila ang isa't-isa.
" Camille Torres. " irish said.
" Uh, yeah. " nahihiya pang sabi ni camille.
" Ang ganda ganda mo naman. " papuring sabi ni irish.
" Thankyou, Irish? " naiilang na sabi ni cams.Doon, mas naging malalim pa ang samahan namin at mas nakilala namin si Irish. Palagi na kaming naglalaro, kahit kaming dalawa lang ni irish, masaya kami. Minsan kasi, lam mo na, camille is busy. Minsan lang siya nakikipaglaro.
Nalaman ko na ang mga magulang niya ay focus masyado sa trabaho. Hindi siya napagtutuunan ng pansin dahil busy. Tapos palagi pa siyang pinapagalitan. Hindi rin namin masisisi ang mga magulang ni Irish dahil problema nila yon. Kahit pa maging rebelde ka, your family will still not care about you.
Well, that's life. Wala tayong magagawa diyan. Ayon ang binigay ng diyos kaya dapat mong tanggapin.
" Wala pa akong napapatunayan sa ngayon. Pero pinapangako ko, balang araw magiging proud ang mga magulang ko sa akin. Not now, but soon. Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. " she said smiling.
Kung ako ang tatanungin, proud na proud ako kay irish. Bilang bestfriend niya, nakita ko lahat ng achievements na pinursue niya. Yung ngiting makakuha lang ng mataas na grades kuntento na siya. Pero alam nyo kung ano yung pinaka masakit? Yung ginawa nya na lahat, pero hindi pa rin naa-appreciate ng kanyang magulang. Ang gusto niya lang ay naa-appreciate lahat ng kanyang efforts pero hindi nakita ng mga magulang niya.
Kaya nagiging reklamadora ang irish na yan kasi walang ibang ginawa kundi ang mag kuda ng mag kuda. Charot. Baliw kasi yan eh. Kaya ayan, napapagalitan minsan ni camille. Ang rason ni irish ay namimiss na daw niya mga magulang niya.
But honestly, kahit ganyan siya, asahan mo naman na nandito lang kami lagi. Wala naman sa karanasan yan eh, nasa pagiging mag bestfriends yan.
I appreciate her for being herself. Ganon naman talaga ang buhay eh. Pagkaitan ka naman ng mundo, laban lang. Stay humble.
(End of Chapter 3)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...