" THE RUINS TALISAY CITY AND THE SUNSET. "
Andrea's POV
Sa kadahilanang, nawalan kami ng oras, hindi na kami nakapunta pa ng Ruins. Sa halip ay nag stay na lang ako sa kwarto niya, at marami kaming pinag-usapan. Mga throwback happenings. Napag-usapan din namin yung future naming dalawa. Kung saka-sakali, ilan ang magiging anak namin. Kung saan kami magpapatayo ng bahay, dito ba sa Silay o sa doon sa Maynila. Nasabi ko rin sakanya na ilang buwan nang hindi dumadating yung regla ko. Sa pagkakaalam ko, irregular ako, pero imposibleng hindi siya darating ng ilang buwan. Napakunot ang kanyang noo non. Bahala na.
Nandito ulit ako sa bahay nila vincent. Nakabihis na siya't kumpleto na ang lahat ng aming dadalhin. Oo, ngayon kami pupunta ng Ruins. Nagtagal ako sa probinsya pero ngayon ko lang mapupuntahan ang lugar na iyon. Guess what, kasama ko pa ang taong pinakamamahal ko.
" Tara na? " aya niya. Tapos na kaming magpaalam kina tito at tita. Tumango ako habang nakangiti.
" Mag-iingat kayo. " ang sabi ni tita. We waved a goodbye to them, at pumasok na sa sasakyan ko. Sabi ng doctor, makakapaglakad na daw si zion, pero dapat dahan-dahan lang.
Habang nagmamaneho, may music at syempre kumakanta kaming dalawa. Minsan lang namin kung gawin ito.
***
*The Ruins Talisay City*
The entrance fee is 100 pesos, adults. Sinadya naming dumating ng hapon kasi mas maganda, dahil may sunset. Vincent and I loves sunset. Sabi sa akin ni vincent, It is the " Taj Mahal of Negros ". Parang siya yung tour guide ko ngayong araw.
We explore, picture dito, picture doon. Naupo sa grass, at maraming pinag-usapan, tungkol sa napakagandang lugar na ito.
" It was my first time to go here. Tapos kasama pa kita. " sabi ko sakanya.
" Ilang beses na akong nakapunta dito. Masaya ako na sa huling punta ko, nakasama kita. " nakatingin siya sa akin habang nakangiti ng kaunti. Nakikita ko sa peripheral view ko, it's like, natutuwang siyang nakikita akong mangha-mangha sa ganda ng lugar na ito. Pangiti-ngiti lang ako pero nasaktan ako sa huli niyang sinabi.
" Unang punta ko, kasama ko ang aking mga magulang. Pangalawa, kasama ko naman yung buong pamilya namin sa side ni papa. Pangatlo, nung summer. Pang-apat, kasama na kita. " kwento niya. Nakatingin ako sakanya habang nagkukwento siya. Nagpakita na nga pala yung sunset. Habang nakatingin, hindi ko mapigilang matuwa. Nakakatuwa kasi palagi naming sinusubaybayan to ni vincent. Palagi naming hinihintay. You know what, A sunset represents ending, romance, twilight, beginning of darkness, change, transformation and nature." Love, sana mapanuod pa nating muli yung sunset noh. " sabi ko sakanya.
" Oo naman, love. Mapapanuod natin ulit yan. Magkasama pa rin tayong manunuod. " masaya niyang sambit. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya. Isinasantabi niya ang lungkot, mapasaya niya lamang ang sarili niya. Nakikita ko yon.
" Alam mo ba, sa tuwing may sunset, hindi ko alam pero humihiling ako. Kailan lang ako natutong humiling sa tuwing may sunset? Nung nakasama kitang manuod. " napatingin siya't ngumiti sa akin.
" Hinihiling ko na sana magtagal tayo, na sana madami pa tayong mabubuong mga alaala, na sana marami pa tayong pagdadaanan dalawa na magkasama nating haharapin, na sana in the future magkasama pa rin tayo. Hiniling ko rin na magkaanak tayo kung saka-sakaling tayo ang ipinagtagpo sa future. Hiniling ko rin na sana ikaw ang magiging ina ng mga anak natin. Marami akong hinihiling, at sinasama kita palagi. " habang sinasabi niya iyon, ay naiiyak ako. Nakakataba sa puso. Nakakatuwa.
" Eh ngayon, ano ang hiniling mo? " tanong ko sakanya habang pinupunasan ang aking luha gamit ang kanyang panyo. Huminga siya ng malalim bago magsalita.
" Hindi ako humiling ngayon. May sinabi lang ako sakanya. Sunset also represents ending. Kung ang lahat ng ito ay magtatapos, sigurado akong may bubukas na panibago. Panibagong pagkakataon, panibagong pintuan, panibagong panahon. Mawawala ako, pero alam kong may darating. " matalinhaga niyang sambit. Grabe talaga to.
" Pero ito ang tatandaan mo, mahal kong andrea. Mawala man ako, pero panghawakan mo ang mga pangako ko. Panghawakan mo ang lahat ng iyon, dahil lahat ng yon tutuparin ko. " tinanguan pa niya ako at kinindatan. Napangisi ako. Lahat naman natupad na niya. Jusko ka, vincent.
" Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Andrea De Los Reyes. To infinity and beyond. Tayong dalawa hanggang dulo. " masaya niyang sambit at hinalikan ako sa pisngi.
" I loveee youuu moooreeeee! Tayong dalawa hanggang dulooo! " pasigaw kong sabi iyon. Hinalikan ko rin siya sa pisngi.Pagkatapos ng lahat, ay tumayo na kaming dalawa. Magkayakap na tinignan ang Ruins ng Talisay.
" Babalik kami ng aking mahal. " sabi pa niya tapos nag babye pa. Sira-ulo!
" So, where's our next destination? " tanong ko sakanya nung nasa sasakyan na kami.
" Hmmm... Saan kaya? " nag-iisip pa niyang sabi.
" Gusto ko sana na mag overnight tayo. Tayong dalawa lang. " sambit ko. Nakita ko na napangisi siya.
" Gusto mo talaga akong ma solo. Sige, sige, mag-overnight tayo. " he then teasingly smiled. Gusto ko lang siyang makasama.
" Sige, pag-iisipan natin yan! " na-eexcite kong sabi. Sandaling katahimikan. Siguro nag-iisip talaga siya.
" Paano kaya kung pumunta tayo ng Campuestuhan? " bright idea! Sa wakas!
" Very good, loveee! Ang galing! " papuri kong sabi. Ngiting-ngiti naman siya. Yabang!
***
Pagdating namin sa bahay nila, dumiretso kaming dalawa sa kanyang kwarto. Pagpasok pa lang, naghubad na kaagad siya ng damit. Nandito lang ako sa kama niya, nakaupo. Kung tatanungin niyo kung tinitignan ko siya, oo tinitignan ko siya. Masama? Boyfriend ko siya. Walang may paki-alam.
" Love, halika dito. " paki-usap niya. Tumayo ako at lumapit sakanya. May pakana nanaman to.
" Sabi ko, halika dito. Kung kukunin ko yung letter 'a' sa halika, basahin mo nga. " edi magiging halik yon! Sabi ko na nga ba, mali na tumayo pa ako, at pumunta sa harap niya.
" Edi halik. Naku, vincent ha! Ano nanamang binabalak mo? Nanakawan mo nanaman ako ng halik? Nakakailang beses kana! " reklamo ko sakanya.
" Paano kung gawin ko yon ngayon din? Alam kong wala kang magagawa. " palapit siya ng palapit, at palayo naman ako ng palayo. Laking gulat ko nang wala na akong maatrasan dahil nasa pintuan na kami. P*ta! Ni-lock pa niya!
" Love, wala ako sa mood ngayon. Wag ngayon. Mainit ulo ko. " nakakunot ang aking noo habang tinitignan siya.
" Isa lang, love. Sige na, love. Ako magtatrabaho, hindi ka mahihirapan. Pangako yan. " pag-i-insist pa niya. Wala talaga akong gana ngayon. Pagod ako eh.
" Pagod ako, love. Kakadating lang natin. Pahinga na muna tayo, please. " sabi ko sakanya. Nalungkot ang kanyang hitsura, at hindi na ito maipinta pa. Jusko, paano ba to?
" Hindi ka pa malakas. Medyo mahina ka pa. Tsaka mas mapapagod ako kung ikaw ang magtatrabaho. Ayaw mo naman akong napapagod diba. " hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi, habang nagmamakaawa. Acting skills, gumana ka! Natuwa ako nung niyakap niya ako, pero dinadala ako sa kama. Shet!Nasa ibabaw ko siya ngayon, juskoooo! Bakit ba ang gwapo nitooo? Baka ma temp ako, ayokooo!
" Love naman eh. " sabi ko pa sakanya. Lumapit siya't hinalikan ang aking pisngi, tapos yung ilong ko, tumingin siya sa aking labi, saka ito hinalikan. I responded. Sandali lang yun. Saka niya hinalikan ang aking noo. Then, tumabi siya sa akin.
" Kung gusto mo, gawin natin iyon kapag nag-overnight na tayo sa campuestuhan. " marupok kong sabi sakanya. Unan ko ngayon ang kanyang right shoulder, habang naka-place ang aking kamay sakanyang walang saplot na katawan. Yung right hand niya, nasa buhok ko. Parang gusto kong matulog.
" Sige, sabi mo ha. " kinabahan naman ako dahil um-oo siya. I meant what I said, but at the same time, nervous. Wala nang bawian to.
***
A/N:
WALA AKONG KINALAMAN DIYAN HA. PAKANA YAN NI VINCENT, WAG NIYO AKONG INAANO. BASTA AKO, EXCITED DAHIL MAG-O-OVERNIGHT SILA SA CAMPUESTUHAN.
MARAMI PANG MANGYAYARI, KAYA HOLD ON!
THANKYOUUU FOR READIIINNGG!
![](https://img.wattpad.com/cover/138868252-288-k92447.jpg)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...