" CROWD'S REACTION "
Camille's POV
" And now.... I know some of you are waiting for them to perfooormmm! Tawagin na natin! " excited na sambit ng emcee. Nagpalakpakan naman ang tao.
" The next to perform are no other than, Camille and Aeron!!! " the emcee introduce us. Nakangiti kaming lumabas ni aeron at hinarap ang madla. Hiphop Dance ang napili naming sayawin. Sari-saring mga tugtog.
We danced by heart and soul, we danced like nobody is watching us, just both of us practicing in front of mirror. Ang bawat sayaw, galaw, na pinapakita namin sa madla ay malaking halaga para sa aming dalawa ni aeron. This dance resembles our love for each other, to the end of eternity. Bago namin sinimulan ang sayaw na ito, hinarap namin ang isa't-isa, sinabing ang sayaw na ito ay magsisimbolo ng pag-iibigan namin, hanggang sa dulo. Ang sayaw na ito, ang unang tatatak sa mga tao na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. This dance will be our success.
Pagkatapos naming sumayaw ay niyakap namin ang isa't-isa at pagkatapos ay humarap sa mga taong grabe ang palakpakan. Ang ibang nakaupo, ay tumayo at grabeng palakpakan ang naririnig namin. Natutuwa ako syempre.
Isa-isa kaming binigyan ng emcee ng mic. Ngiting-ngiti naman siya habang binibigay iyon. Napatingin ako sa madla, nakita ko si althea na nakatayo sa dulo, nakangiti ng mapang-asar. Ngumisi ako. Mabuti at nandito ka, maririnig mo ang sasabihin namin ni aeron.
" Good Morning to each and everyone of you. We just want to say something important. First of all, gusto kong magpasalamat sa mga palakpak na binigay niyo sa sayaw namin. Magpapasalamat rin ako sa mga taong matatanggap ang sasabihin namin ngayon, at salamat pa rin sa mga taong hindi matatanggap ang sasabihin namin. " panimula ko habang hinahabol ang aking hininga dahil ikaw ba naman, pagkatapos mong sumayaw magsasalita ka.
" Alam niyong lahat na naging magkaibigan kami ni camille. And then there's a marriage, arranged by my family, and there, nakilala niyo si althea bilang fiance ko, at bilang queen bee ng school na ito. Ayoko nang magsinungaling pa sa inyong lahat, hindi na po kami ikakasal ni althea. Hindi na po kami mag fiance. " paliwanag ni aeron. Napangiti ako habang tumitingin sakanya. Pagbanggit pa lang ng pangalan ni althea, hinanap na agad ng mga mata nila. I let aeron speak his side.
" Ang hirap po kasing ipakita sa inyong lahat na mahal na mahal namin ang isa't-isa, kahit ang totoo naman ay hindi. Bilang lalaki, mahirap dahil hindi ko naman mahal si althea. Bakit ko ipipilit diba? Tayong mga lalaki, kapag ayaw natin sa babae, ayaw talaga natin. Kasi may ibang tinitibok ang puso natin. " pagkukwento niya.
" Alam niyo ba, may nakilala akong babae sa simbahan. Oo, sa simbahan kami nagtagpo. Nagulat ako kinabukasan na parehas pala kami ng pinapasukan. Ayon, kinaibigan ko siya. Sa paglipas ng araw, unti-unti ko siyang nagugustuhan hanggang sa minahal ko na siya. Pero dahil magkaibigan lang kami, rerespetuhin ko dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa akin. " sabi ni aeron habang nakatingin lang sa mga tao. Ako naman ay nakatingin sakanya syempre.
" Hindi ko naman alam na mahal niya pala ako. Naalala niyo? She even announced it in National TV. She even said it straight to the point. Kilala niyo kung sino siya. Kilalang-kilala niyo. " kinilig ako sa mga sinabi niya. Grabe talaga ang lalaking to.
" She's right beside me. She's the girl I want to marry, and want to share my life with. She's the girl I want to see everytime I wake up in the morning. Lastly, she's the girl I want to see, walking on the aisle, with a smile on our faces, letting my mind sink in that she's finally mine. " nginitian niya ang mga tao, pagkatapos ay tumingin sa akin. Can i cry? Can I?
Ang iba ay masayang-masaya sa nalaman, ang iba ay naging dismayado, ang iba naman ay malungkot. I don't know about them.
" Y'all maybe think na malandi akong babae. *laughs* Hindi po. Sa katunayan ay lahat ng mga sinabi ni aeron ay totoo. Unang tagpo namin ay sa simbahan. Ikalawang pagkikita namin ay sa eskwelahan. Sinong mag-aakala na ang dalawang taong nagtagpo lang sa simbahan ay magmamahalan ng lubos pa sa inaakala niyo? " mayabang kong sambit at napa 'woooooaahhhh' naman yung madla.
" Sa aming dalawa ni althea, ako ang unang nakilala ni aeron. Ako ang una niyang nagustuhan, at una niyang minahal. Nangingibabaw, at nag-iisa lang. Dahil mahal na mahal ko si aeron, ginawa ko ang lahat, mapaghiwalay lang sila ni althea. Sabihin niyo nang naging desperada ako ng isang beses, bakit? Kung alam mong hindi masaya yung taong mahal mo sa iba, hahayaan mo nalang ba? Kung alam mong ikaw pa rin ang tinitibok ng puso niya, hahayaan mo nalang ba? I am not like you, kaya ipinaglaban ko ang pagmamahal ko. " ma-awtoridad na pagkakasabi ko. Some people agree on what I said, especially girls.
" Masama sa paningin ng iba, pero kahit kailan hindi masama ang magmahal ng taong mahal ka din. Kahit kailan hindi masama ang magmahal. Napapansin niyo na ang yabang kong magsalita ngayon. Hindi naman siguro masama na pinagyayabang ko lang ang mga pinaghirapan ko makuha lang sa wakas ang taong tinitibok ng puso ko. Hindi naman siguro masama na ipagyabang sa inyo na sa wakas ay nakuha ko si aeron sa isang babaeng basura ang pag-uugali. " ngintian ko silang lahat habang nakataas ang kilay. Lumapit ako kay aeron at hinalikan siya sa pisngi.
Some clapped their hands, some just say ' hays ', some were dissapointed and frustrated, but majority of the crowd are happy and proud. Yung mga nadismaya at nanghinayang, hayaan niyo, matatanggap niyo rin ang katotohanang, hindi na magkakatuluyan si aeron at althea. For me, wala naman sakin yon. I understand that. Hindi mo naman kailangan i base sa mga tao ang desisyong gagawin mo sa buhay, I don't care if they will judge. So? Marami namang taong nagmamahal sa akin, at hindi ko kailangan ng mga taong mamahalin ako, pero plastik lang pala. Trash!
Lastly, alam ko na hindi titigil si althea hangga't hindi niya kami nasisira ni aeron, hindi siya titigil hangga't hindi niya kami napaghihiwala, at higit sa lahat, hindi siya titigil hangga't hindi napupunta sakanya si aeron. Katulad ng mga sinabi ko ay hindi ko hahayaan na mangyari yon. Hinding-hindi niya masisira ang pagmamahalan namin ni aeron.
" You said it in the crowd, but you never said it in my beautiful face. " sabi ko sakanya nung nasa backstage na kami.
" Which one? Yung she's the girl part? " tanong niya. Tumango ako.
" I want the crowd to know first, gusto kong ipasok nila sa mga kokote nila na ikaw ang taong gusto kong pakasalan, ikaw ang taong gusto kong makasama. Sigurado akong alam mo naman na yon. The first time I introduce you to my parents, alam mo na yon. " paliwanag niya. Hindi niya nanaman ako binigo sa sinabi niya. I smiled.
We end our day on a fancy restaurant in Sm City Bacolod. Pagkatapos ay hinatid niya ako sa bahay, bago yon ay naglandian pa kami, ofcourse.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/138868252-288-k92447.jpg)
BINABASA MO ANG
My First Love
Roman d'amourThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...