" THIS IS IT "
Andrea's POV
Ngayon na ba magaganap? Ngayon na ba talaga? Hindi ba ako nananaginip na ngayon na talaga ang araw? As in ngayon na?
" Camille, ayusin niyo ha. " paki-usap ko sakanila. Bukod sa akin at sa inyo, sila ang pangalawang makaka-alam ng kabuuang plano.
" Ganito yan, trix. Ganyan. Ayon! " turo ni irish kay trixy. Nagdedesign kasi sila dito sa rooftop namin. Hindi siya ganoon ka bongga, pero tama lang sa taste ko at taste ng lalaking mahal ko.
Kanina tinawagan ni Irish si Adrian, na bilhan daw ng ganitong suot si Zion nang hindi nalalaman ni zion ang nangyayari, kahit anong suot basta mababagay sa design na ito, walang theme theme, basta may halong pagmamahal, sapat na.
" Ayos na ba rish? Nasabi mo ba sakanya na diskartehan niya? " tanong ko.
" Ayos na ayos na. " sagot niya. Napatango ako at napangiti.
Habang naka-upo at tinitignan silang tatlo na nagdedesign ng rooftop, hindi ko maiwasang mapangiti. Seeing them helping me arranged makes me happy. Nakakatuwa lang kasi lahat gagawin namin para sa isa't-isa. Lahat kinakaya namin.
" Maam, meryenda po muna kayo. " sambit ni yaya, habang may dalang burger, fries and orange juice. Nginitian ko siya at tinanguan.
" Tignan mo nga yung kabuuan. " utos ni cams.
Ang mga ganitong klaseng disenyo ay kakaiba, kakaiba na masasabi kong hindi mga kaibigan ko ang nag design ng mga to. Simple lang naman siya, hindi gaano kabonggahan pero kung titignan, one of the aesthetic.
" Aesthetic. " tuwang-tuwa kong sambit.
Pagdating ko ng maynila, naalala niyo, nag mall kami ng kuya, hindi ko sinabi sa inyo na nagpagawa ako ng unan, may nakasulay na 'my love' dalawa ang pinagawa ko.
Yung rooftop kasi namin, rectangle yung shape niya, nandito kami sa pinaka dulo, sa right side, sa gitna yung mesa na kakainan namin mamaya ni zion, at sa left side naman ay yung medyo higaan, na may dalawang unan. Tapos sa likod may nakasulat na ' Vincent and Andrea ' calligraphy by camille, and made by trixy and irish, yan kanina ang tinuturo ni irish kay trixy.
" Yung magiging speech ko mamaya, finish na ba? " tanong ko.
" Kagabi pa, nasa powerpoint na, at ipapalabas na lamang mamaya. To be presented by Camille Torres. " confident na sabi ni trixy. Ngumiti ako.
Saan ka makakakita ng isang babaeng mag-eeffort ng ganito? Saan? Sabihin niyo sa akin kung sino pa ang nag effort ng ganito. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero parang ganon na nga. Pagbigyan!
" Eh yung video? Finish na rin ba? " tanong ko.
" Ofcourse! To be presented by Irish Rosales and Trixy De Los Santos. " sagot naman ni camille. Oo naman, may inihanda akong video para saming dalawa, pictures lang naman siya guys. Mahirap man ipaliwanag mamaya, pero sige, gagawin ko para sa inyo.
I am so excited and at the same time, kinakabahan dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula mamaya. Sigurado kasi na sa pagpasok niya, malalaman niya na agad ang ibig sabihin ng design na ito. Pero that wont stop me.
***
" Besh, nandoon na si zion sa rooftop. " sabi ni irish, at nakita ko rin si adrian paglabas ko. Nakangiti ng bahagya.
" Galingan niyong tatlo mamaya ha. " paalala ko sakanila. Kumindat silang tatlo sa akin habang nakangiti ng bahagya.
Pagdating ko ng rooftop, nandun nga siya, tinitingnan ang mga designs na ginawa naming apat kanina. Nakita ko ang mga ngiti sa kanyang labi.
" I didn't know na ganito pala mag effort ang isang Andrea De Los Reyes, it's always amazing and precious. " halos pabulong niyang sambit. Hindi niya napansin na nandidito ako.
" Ano yun? Hindi ko narinig. Paki-ulit. " pabiro kong sabi. Pagtingin niya sa akin, napangiti agad siya. Sa tuwing nakikita niya ang maganda kong mukha, hindi niya talagang maiwasang mapangiti.
" Alam ko narinig mo. " depensa niya habang lumalapit sa akin.
" Kanina takang-taka ako kung bakit kami pumuntang mall ni adrian, wala namang okasyon. Bumili kami ng sweater shirt, at puting t-shirt, tas jeans. Ito pala yung pinaghahandaan niyo. " natatawa niyang sambit.
" Hindi lang to para sa akin ah, para sating dalawa to. I made an effort into this. " paliwanag ko. Napangiti siya at napatingin sa mga disenyo.
" It's always amazing and precious. " masaya niyang sambit, at hinalikan ang forehead ko. Sweet.
Naupo na kami sa mesa since 7:30 pm na. Akalain mo nga naman, si adrian pa ang nagdala ng pagkain.
" Enjoy your meal. " sambit niya. Naks namaann.
There was a red wine on the side, our meal is friend chicken, with mashed potato, and boneless fish. Bat ba? Request ko to eh.
" Say aaaahhhh " paki-usap niya. Syempre sinunod ko ang inutos niya. How sweet. Kagaya ng ginawa niya, ay ginawa ko din sakanya.
" Masarap ba? " tanong ko.
" Palagi namang masarap ang lahat ng mga pagkain kapag ikaw ang kasama ko. " nakangiti niyang sambit, at heto nanaman tayo, pulang-pula.
Pagkatapos naming kumain ay nag kwentuhan kami sandali, at nagtawanan ng saglit. Pagkatapos ay tumayo ako at pumunta sa sementado sa dulo ng rooftop na katapat lang ng mesang pinagkainan namin kanina.
" May ipapakita ako sayo. " masaya kong sambit.
" Sige. Ano yun? " tanong naman niya. Tinuro ko ang right side, dahil dun ipapakita ang aking speech.
" Ang una nating pagkikita, diba sa church yon? Dun mo ako unang nakita, at dun din kita unang nakita. Hindi ko alam pero that time, paranoid ako kasi ewan ko kung saan ka nakatingin nun, naalala mo? Ikalawang pagkikita natin, sa plaza. Binilhan mo pa nga ako ng juice non eh, hindi mo ba alam na hindi ako nakatulog kakaisip nun kung ano ba ang pakay mo sa akin? Konti nalang mababaliw na ako eh. " boses ko yon, at wala akong ibang narinig sakanya, kundi tawa lang. Nahihiya tuloy ako.
" Third sa school. Ang dami mong hiningi na binigay ko naman, at medyo may pag-aalinlangan. Nagpatuloy ang samahan natin hanggang sa napunta na sa ligawan. Kinilig ako, masaya ako, at tuwang-tuwa ako, dahil hindi ko aakalaing may lalaking dadating para pasayahin ako araw-araw. Ni minsan hindi ko naransan sayo ang maging malungkot dahil hindi ko naman alam na ang gusto mo pala palagi ay masaya. Somehow, natutuwa ako dahil okay yung palaging ganon. " I paused for awhile sa presentation.
" The time comes nung pumunta akong Maynila. Pasensya na dahil medyo nalungkot ka sa pag-alis ko ha. May inayos lang kasi ako, at kailangan ko ding ipagpaalam sa pamilya ko na may nanliligaw na sa akin. Hayaan mo, hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan, at hindi na ako mawawala sa tabi mo. Palagi na akong nandito. Pangako yan. This will be risky perooo.. I will do it only for you. " huling sabi ng boses ko, at walang ibang reaksyon si zion kundi ngiti lang. Malawak na ngiti.
Nagkatinginan kami sa isa't-isa at nagnginitian. Ngiting masasabi mong tunay at walang pagpapanggap. Puro. Totoo.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
