Chapter 47💛

9 0 0
                                    

" BIG YES "

Andrea's POV

Maya-maya pa ay nakita ko na si Zion na papunta kaya tumayo na kaming dalawa. Pansin ko na habang papunta dito si zion eh ngiting-ngiti siya.

" Halika na. Naghihintay sila. " masaya niyang sambit. Ngumiti na lang rin ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako, natatakot ako.

Habang naglalakad eh nagreretouch ako ng kaunti. Kailangan talaga maganda tayo. Yon ang natatanging requirements dito.

" Sosyal pala siya noh? Ang hinhin kung gumalaw. " sabi niya kay vincent at kinindatan pa ito. Vincent laugh.

" Sabi ko sayo eh. " sakay ni zion.

" Sige, dito nalang ako. Goodluck, miss maganda. " sabi niya sa akin ng hindi man lang ngumingiti, pabago-bago mga expression niya. Nginitian ko lamang siya, ang creepy kasi ngumiti din siya hahahahaha!

Nung malapit na kami sa pintuan, he gesture na dito lang muna ako, at hihintay. Simple lang akong nakatayo dito, at mahahalata na kinakabahan ako ng sobra-sobra.

" Ma, Pa. May ipapakilala po akong girlfriend, since nalaman niyo nung isang araw na sinagot na niya ako. Ngayon, ipapakilala ko siya sa inyo. " panimula niya. My heart is beating so fast. Sumenyas siya na hawakan ko ang kamay niya.

" Meet my girlfriend, Andrea De Los Reyes. " nakangiti niyang sambit. Ngiting-ngiti ako habang nagpapakita sakanila, at habang naglalakad kami papuntang mesa.

" Magandang tanghali po sa inyo. Nagagalak po akong makilala kayo bilang mga magulang ni Vincent. " speak formal.

Ngumiti ng kaunti ang kanyang ama, at ngiting-ngiti naman ang kanyang ina. Parang nakilala niya na ako base sa mga ngiti niya. Sure akong kinukwento niya ako sa mama niya.

" Magandang tanghali din, hija. Maupo ka. Saluhan mo kami sa pagkain. Salamat nga pala sa niluto mong sinabwang monggo at kalabasa. " sabi ng kanyang ama, habang nakangiti pa rin ng kaunti.

Habang nagsisimula sila sa pagkuha, natutuwa ako dahil inuna ng ama niya ang aking niluto. Ang mahalaga yun ang inuna ng kanyang ama. I'm flattered.

" Dahil gabi ako palagi na umuuwi sa bahay, dahil yung duty ko ay pang-umaga hanggang gabi, alam mo naman, security guard ako. Hindi ko masyadong nakakausap ang aking anak. So, tell me about yourself. " nagulat ako dahil marunong siyang mag-english. Minsan lang akong makakasalamuha ng guard na marunong mag english.

" I'm the daughter of Mr and Mrs. De Los Reyes, if ever you know them. They own a company in Manila.  Why I'm here in province? Because I want to experience new things, I want to have a new life, simple life actually. I want to explore on how to do this and that. " pormal na sagot ko sa lengwaheng english.

" Mom and Dad sent me here, dahil pinaki-usapan ko po sila na gusto kong magkaroon ng simpleng buhay malayo sa nakasanayan kong buhay. Actually, may mga kaibigan po ako dito na naging kasama ko. " nakangiting sagot ko.

" Why do you want to stay here in Silay, then? By the way, ang sarap nang niluto mo. " ngumiti siya sa akin for the first time.

" Thankyou, t'was my mom who teach me how to cook that. Luckily, I was able to made it. Akala ko po kasi hindi ko magagawa. " sambit ko habang naiilang na ngumingiti. I paused for awhile. Sinagot ko ang tinanong ng kanyang ama.

" I want to stay here in Silay because I want to learn, I want to grow, and I want to experience new things that I haven't experience before. I also want to know on how to be independent. Minsan, inaalagaan ko ang sarili ko sa paraang kaya ko. " ngumiti ako sakanila. Napatango naman ang mga magulang ni zion. Nakahinga ako ng maluwag nang kumain kami ng tahimik at masagana. Maya-maya ay hinawakan ni zion ang aking kamay. Nagnginitian kami sa isa't-isa. Si adrian naman, tahimik lang din na kumakain.

" Do you have any plans para i-tour ang aming anak sa Maynila? Since maynila is your home. " tanong ng kanyang ina.

" Yes naman po. Sa ngayon po, hindi pa po namin pinag-uusapan yon. " sagot ko naman. Ngumiti ang kanyang ina at napatango-tango.

" It's good that you're taking things slowly. Alam niyo, ganon dapat kapag nasa relasyon kayo. Hinay hinay lang. Hindi kinakailangang madaliin ang isang bagay. Magpaagos lang kayo sa tubig, hayaan niyong tangayin kayo nito. Pero matuto rin kayong huminto, o tumigil, dahil hindi habang buhay, palagi kayong magpapaagos sa tubig. Paano kung may mabubunggo kayong bato, tutuloy pa rin ba kayo kahit alam niyong masisira kayo nito? " seryoso niyang sambit. Her words was on point. Damang-dama ko.

" Tita, saan niyo po nakukuha ang mga salitang yan? " tanong bigla ni adrian.

" Nanggaling iyon sa aking inay. Bakit? Ang lalim ba ng pagkakasabi ko? " balik tanong niya kay adrian. Natatawa ako ng mahina, lalong-lalo na si vincent.

" Ang lalim po. Sobra. " pasakay ni adrian.

Nakatanggap ako ng malaking 'oo' galing sa magulang ni vincent. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, dahil ang lahat ng kaba at takot ay naging worth it, hindi nasayang. Pero napangiti nila ako ng bahagya sa huling sinabi nila.

" Pagplanuhan niyong maigi ang pagpunta niyo ng Maynila, kahit alam kong hindi niyo pa pinag-uusapan yon, alam ko na pag-uusapan niyo rin yon. Kung sakaling matuloy, ipasyal mo siya doon, andrea ha? Mangako ka sakin. Ang tagal na kasi niyan simula nung huli siyang nakapunta ng Maynila. So, kung sakali man. Sana pag-usapan niyo na, dahil na eexcite na ako. " nagulat ako sa sinabing iyon ni tito. Tito at tita na daw ang itatawag ko sakanila.

Pagpasok namin sa kwarto niya, ang linis linis, halatang nilinis ang kabuuan. Kadalasan kasi sa mga nakikita ko, magulo ang mga kwarto ng mga lalaki. Just like my kuya. Yung kwarto niya doon sa bahay, hindi ko alam kung ukay-ukay ba yon o kwarto. Lahat nakakalat, pati mga boxers at mga damit pang lakad. Jusko.

" Anong nasa isip mo? " nahalata niya sigurong nag-iisip ako.

" Iniisip ko si kuya. Yung kwarto niya hindi ganito kalinis. Kabaliktaran. " sagot ko. Natawa siya ng mahina.

" May mga lalaking, nililinis ang kwarto, at may mga lalaking, hindi nililinis o inaayos ang mga kagamitan. " paliwanag niya. 

Naupo kaming dalawa sa sahig, nakasandal kami sa dulo ng kama. Umaandar yung TV, pero wala akong paki-alam. 

" Totoong hindi ka pa nakakapunta ng Maynila? " tanong ko. Umiling siya na parang nahihiya. Cute.

" Osige, gaya ng sinabi ni tito, pagpa-planuhan nating maigi ang pagpunta doon. Hayaan mo, kapag nandon na tayo, ipapasyal kita kaagad sa kung saan mo gusto. " nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pero nahihiya pa din.

" I love you so much, love. " out of nowhere nasabi niya yon. He kiss my side forehead.

" I loveyou too so much, love. " masaya kong sambit.

I have also a plan na ayain siyang papuntang maynila, syempre yun ang pagkakataong maipakilala ko siya sa aking mga magulang din. Since nagpromise kay mom and dad na sa oras na sagutin ko ang lalaking ito, ipapakilala ko na sakanila.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon