" JAMMING "
Andrea's POV
Sa totoo lang, kaming mga kaibigan ni trixy ang mas nasasaktan sa pinagdadaanan niya ngayon. Kung may paraan lang maibsan namin ang sakit na nararamdaman niya, gagawin namin ang paraan na yon. Alam naming kahit damayan o i-comfort namin siya, hindi pa rin iyon magiging sapat.
Mabuti na rin na semestral break ngayon, may oras para makapag-isip-isip at maka-move forward din at the same time.
" This song is ofcourse dedicated to you, my love. Kahit naging tayo na, ang kantang ito ay bagay pa rin sa ating dalawa. " hinawakan niya ang chin ko at nginitian. Para may sariling buhay naman ang aking bibig at ngumiti ng bahagya. Then, he started to strum the guitar. Ngayon ko lang maririnig ang kabuuan ng boses niya. Kinikilig na ako, ano ba.
(Plays the song Kung Magiging Tayo by Rocksteddy)
Habang kumakanta siya ay hindi mapigilang ngumiti, at the same time, isipin ang mga nangyari sa aming dalawa. Kung iisipin, malayo-layo na rin ang narating naming dalawa, marami na rin ang aming napagdaanan. Nakakatuwa na umabot sa ganito ang lahat. Parang tubig lang na umaagos ang nangyari, malambot, mapayapa, at masaya.
Ang sarap sa tenga pakinggan ang kanyang mga boses. Yung pakiramdam na boses niya lang sapat na. Kung papipiliin ako, boses niya habang kumakanta ang gusto kong marinig araw-araw. Mabubuhay ako sa mundong ito, kung boses niya lamang ang aking maririnig.
Kung Magiging tayo
Pangako ng puso mamahalin
Hanggang sa dulo ng mundo
Ngayon hanggang bukas
Tanging ikaw lang ang mamahalin
(Repeat 3x)
Pagkatapos niyang kumanta ay hinalikan niya ako sa pisngi. Masyado akong na mesmerize sa ganda ng boses niya kaya ang halik na yon ay nakaw lang. Ugh!
Natauhan ako ng pumalakpak silang lahat. Nagulat na lang ako na nandito na si trixy, nakaupo sa kahoy at kumakain ng hotdog. Masyado bang lumipad ang aking utak? Bakit hindi ko man lang namalayan na umupo na pala siya sa inuupuan namin? Hanggang ngayon ay umiinom pa rin siya. Sa lahat ng oras, ang tanging karamay niya lamang ay ang alak.
" Aeron! Ikaw na ulit! " masiglang sambit ng aking boyfriend at binigay kay aeron ang gitarang kahoy.
" This song is dedicated to my babe. My one and only babe. Mahal na mahal kita. " sambit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni camille. Camille is so lucky to have aeron.
He started to strum the guitar. Sa sandaling kumanta si aeron ay hindi mabilang ang mga ngiti ni camille. Kilig na kilig siya eh.
Tanging ikaw ang gusto, sa paggising ko sa umaga
Sa damdamin at isip ko, dala mo ay hiwaga
Tanging ikaw ang sagot, sa puso kong nangulila
Ulan ng buhay ko, dahan-dahang tumitila
Hinalikan ni aeron sa pisngi si camille. Kahit kaharap ko siya at medyo malayo sila sa amin, kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ni camille. Syempre nag-eenjoy rin naman kami habang pinapanuod sila.
Sana kahit minsan, ako ay mapagbigyan
Ang minimithi ng puso ko ay mapansin mo lang
Sana di na kailangan, sumuntok pa ko sa buwan
O ang humling sa mga bituin na makasama ka lang
May ibinigkas si camille kay aeron pero hindi ko na maintindihan iyon dahil ang gulo ng pagkakasabi niya atsaka ang bilis.
Pagkatapos ng kanta, ay nag head to head ang dalawa. Nakita kong nagkatinginan si irish at adrian. Ngumiti lang si adrian na parang nahihiya.
" Oh edi kayo na may lovelife! Magbe-break din kayo! " biglang sabi ni trixy at tumakbo sa dulo ng dagat. Tinawanan lamang namin siya, palagay ko ay nababaliw na siya.
Sa pagpunta niya sa dulo ng dalampasigan, itinaas niya bote na may lamang alak, at sumigaw ng napakalakas-lakas.
" Mabuhay ang mga singleeeee!! " may sigla sa tono ng boses niya and at the same time, may lungkot. Iyan din ang sinasabi ko sa sarili ko noon. ' Mabuhay ang mga single! ' Sa katunayan, oo. Mabuhay ang mga walang jowa dahil malaya nilang nagagawa ang gusto nila, at kontento sila sa kung anong meron sakanila. Masaya sila sa mga tinatamasa nila, masaya sila sa mga nararating nila. Masayang-masaya at walang halong kalungkutan. I was like that before. Sobra ang saya ko, tapos hindi ko kailangan ng taong makakapagpasaya sa akin, dahil andito naman ang sarili ko. May nagmamahal naman sa akin. Ngayon, syempre masaya din naman ako. Wala pa ring magbabago. In this world, it's either you chose to be single, you chose to love yourself, or you chose to be in that person na alam mong makakapagpasaya sayo. At the end of the day, sayo pa rin nakasalalay ang desisyon.
Kumanta ulit si aeron, at sa pagkakataong ito, para na kina irish at adrian. Nag request kasi si adrian. Syempre hindi papayag yan na maging malungkot si irish.
Sa pagtatapos ng gabi namin, pinauna ko muna si zion dahil pupuntahan ko lang si trixy. Nauna na rin si cams at irish dahil inaantok na. Nakaupo ngayon si trixy sa buhangin malapit sa dagat. Nababasa na nga yung legs niya eh.
" Okay ka lang? " tanong ko sakanya. Mali ata yung pagkakatanong ko dahil tumawa siya.
" Anong klaseng tanong ba yan? Malamang hindi ako okay. Nakikita mo naman ang sitwasyon ko diba. Bobo mo eh. " ni hindi niya magawang tumingin sa akin habang nagsasalita. Nakatingin lang siya ng diretso. Tulala, parang kahit anong oras ay pwede siyang magpakamatay. Hahayaan ko ngayon ang sabihan niya akong bobo, naiintindihan ko naman siya eh.
" Oo nga noh. Nandito ako ngayon sa tabi mo para damayan ka. Ilabas mo ang hinanakit mo. Sige lang, makikinig ako. " masigla kong sambit, para kahit papaano maramdaman niyang mayroong taong may paki-alam sa nararamdaman niya.
" Nung bata ako, wala akong ibang pinangarap kundi ang punuin lang ako ng pagmamahal ng aking mga magulang. Tratuhin nila ako na isa ako sa pinakaswerteng taong dumating sa buhay nila. Tratuhin nila ako bilang anak nila at hindi bilang utusan o maging sunod-sunuran sa mga gusto nila. Wala akong ibang ginusto, mahalin lang nila ako sapat na sakin yon. Pero binigay ba nila? Hindi. Imbis na mahalin nila ako, sinaktan, pinagsabihan ng hindi magagandang salita, pinagtabuyan na parang basura, at ipinaramdam sa akin na wala akong kwentang anak, In short, I'm a failure to them. " panimula niya. Kahit alam niyang alam ko na lahat ng pinagdaanan niya, ikinwento niya ulit sakin. Makikinig pa rin ako. Kahit paulit-ulit pa niyang ikwento yan, makikinig at makikinig ako. Hindi ako mapapagod.
" Pinili kong sundin ang mga gusto nila, ang mga dapat nilang ipagawa, dahil bilang anak, sundin mo ang lahat ng gusto ng iyong mga magulang. Dahil kesyo, makakabuti raw iyon para sa iyo. Paano naman makakabuti sayo eh sinasaktan ka nga. Mabuti pa rin ba yun yung pinagtatabuyan ka, pinaparamdam sayo na wala kang kwenta? Na kahit kailan hindi nila maappreciate lahat ng tamang ginawa mo? Kasi mga mali lang ang nakikita nila? " hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
Sa totoo lang, hindi ko kaya na nakikitang ganyan ang kaibigan ko. Kung pwede lang na suntukin ko ng paulit-ulit yung mukha ni ryan, gagawin ko para sa kaibigan ko. O di kaya, kung bibigyan ako ng isang milyon para patayin si ryan para sa aking kaibigan, gagawin ko. Masisisi niyo ba ako? Kaibigan ko ang nasasaktan, kaibigan ko ang sinasaktan ng ibang tao. Kasiyahan ang gusto kong maramdaman niya, pero bakit kalungkutan ang ibinibigay niyo? Hindi ko gusto ngayon ang mga nangyayari. Tumatawa lang ako pero hindi ko gusto ang kung ano man ang nararamdaman ngayon ni trixy. Masakit para sakin na nagiging ganito ang aking kaibigan. Sobrang sakit.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/138868252-288-k92447.jpg)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...