" HE NEEDS YOU. "
Third Person's POV
Makalipas ang tatlong araw, ganon pa din ang mga pangyayari. Nagising na rin si vincent at nalaman na niya ang kanyang kalagayan. Ang nakakapagtaka ay hindi siya nagulat, kusa na lang tumulo ang kanyang luha habang nakatingin sa kisame. Parang sa gestures na iyon, alam na niyang mangyayari ang lahat ng ito.
Araw araw ding nakaabang si ynah sa labas ng bahay nila vincent, ngunit ang nakikita niya lang ay si adrian na palaging umuuwi. Ngayon, syempre nakaabang nanaman si ynah. May dumating na sasakyan and she knew that it was Adrian. Pumasok sa loob, at hinintay niyang makalabas.
" Sundan mo yang sasakyan na yan. Dahan-dahan lang para hindi tayo mahalata. " utos ni ynah. Sinunod ng driver ang utos ni ynah. Patuloy lang sa pagsusunod sa sasakyan na minamaneho ni adrian. Habang nag-aabang ay takang-taka siya kung bakit hospital ang paroroonan nila.
" Bakit nandito siya sa hospital? " nagtatakang tanong nito. Pagkapasok ni adrian sa mismong loob ng hospital, ay agad na lumabas si ynah ng hospital at tumakbo papuntang loob. Nakita niyang papunta si adrian sa itaas. Pagkatapos ay lumiko.
" Tita, ito po yung mga extrang damit ni vincent na naiwan sa bahay. " isang maliit na bag ito, sabay abot sa ina ni vincent.
" Salamat, adrian. " ani ng ina ni vincent. Habang nakikinig sa pinag-uusapan, ay takang taka si ynah kung bakit magang-maga ang mga mata ng ina ni vincent.
" Misis, we just finished the tests, and we found in the blood tests is, a high blood calcium level, this tests show that the cancer has begun to affect the bones. And The TNM system. " pagkukwento ng doctor.
" TNM System? " tanong ng ama.
" Yes. Tumor, Node, and Metastasis. " sagot ng doctor.
" Base sa mga tests, nalaman naming may stage 3 kidney cancer ang inyong anak. " sambit ng doctor. Konting katahimikan, pagkatapos ay nagsalita ang doctor.
" We also need some treatments na magbabase sa kung anong stage ng cancer mayroon ang anak ninyo, dahil kapag hindi ito naagapan, posibleng hindi ito malulutasan. " dagdag ng doctor. Napahawak si ynah sakanyang dibdib, gulat na gulat at hindi makapaniwala.
" Kapag po natapos na yung treatment, may pag-asa pa po ba? " tanong ng ama, napatingin dito ang kanyang ina.
" As what I've said, sana ay wag po tayong mawalan ng pag-asa, magdasal lang po tayo na magiging maayos ang lahat. In either case, treatment will be aggressive. If the cancer has reached the lymph nodes, they may be surgically removed. The five-year survival rate for stage 3 kidney cancer is 53 percent. " impormasyon ng doctor. Habang naririnig iyon ni ynah ay hindi niya mapigilang umiyak at mapatakip ng bibig, biglang-bigla sa mga nalalaman.
***
Nung maka tyempo ay pinasok ni ynah ang room, kung saan nakahiga si vincent. Dahan-dahan itong lumapit habang nagsasalita.
" Pumayat ka, grabe yung pagkapayat mo. Ikaw pa ba yan? Hindi ako komportable na nakikita kang ganyan. " sambit ni ynah, paiyak na siya ngayon, hinawakan niya ang kamay ni vincent. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa makatulog siya gilid.
Maya-maya pa ay nagising si vincent, inakala niyang ang babaeng nasa tabi niyang natutulog ay si andrea, medyo nabuhayan siya nun, kaya tinawag niya ito.
" Andreaaa? " tawag niya. Ngunit nung maaninag niya kung sino ito, nabigo siya nang inakala. Naimulat naman ni ynah ang kanyang mga mata, at sa tingin ko ay narinig niya ang tawag ni vincent. Bahagya itong napangiti kay vincent.
" Gising ka na pala. Pasensya nakatulog ako. " pagpapaumanhin ni ynah. Tumango nang walang emosyon si vincent.
" Asan sina mama at papa? " tanong niya. Bago magsalita si ynah, ay ngumiti ito.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
