Chapter 55💛

9 0 0
                                    

" HE TELL A STORY "

Andrea's POV

Ngayong gabi na gaganapin ang hinihintay ko. Ngayon, nagma-make-up ako, me myself and I. I straightened my hair. Ganda niya oh.

Patapos na ako nang pumasok sa kwarto ko ang aking personal maid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patapos na ako nang pumasok sa kwarto ko ang aking personal maid. Napangiti siya nang makita ako. She always smile when she see me her in the house.

" Dumating na po ang inyong boyfriend. " sambit niya.

" Okay, ya. Pababa na ako. " sabi ko. I smile looking at the mirror.

" Ang ganda ganda mo. Kaya mo yan! Matatanggap kayo nina mommy and daddy. Kayanin niyo. " sabi ko sa harap ng salamin while encouraging myself. 

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko kaagad si vincent. Naka-upo sa sala. May juice sa lamesa. Maybe binigyan siya ng mga maids dito.

Pababa pa lang ako nakatingin na siya sa akin. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Natameme nanaman sa kagandahan ko.

" Hi lovee. How was you shirt and jeans? " bati ko sakanya. Bagay sakanya ang suot niya ngayon.

" Okay naman, love. Kasyang-kasya sa akin. " sagot niya at hinalikan ako sa pisngi. Omaygash, biglaan yon. Hinampas ko siya ng mahina. Sina mommy and daddy naman nakatingin lang, habang nakatayo.

" Come here, love. " aya ko sakanya.

" Nagkaroon kami ng konting pag-uusap ni vincent. I can say that he is kind. " kwento ni mommy habang nakangiti. Napatingin naman ako kay vincent at nginitian siya.

Nasa hapag kainan na kami ngayon, umupo na kaming apat. Since nandito na sa lamesa ang mga iniluto ng mga maids.

" Tikman mo to, vincent. Kaldereta yan. Specialty ko yan. " alok ni mom sakanya. Habang kumukuha kaming lahat ng pagkain, pinakikiramdaman ko si daddy. Pangiti-ngiti naman siya, pero I'm not capable of him being like that.

Nagsimula ang mga tanungan. Ito yung parte na pinaka-kinakabahan ko. Kanina pa kumakabog ang aking dibdib.

" What are the job of your parents? Did they have any businesses here in the Philippines? " tanong ng aking ama. Napalunok ako sa tanong niyang yon. Base sa tono ng boses ni daddy, kalmado ito.

" Actually po, ang tatay ko ay nagtatrabaho sa isang building bilang security guard. Ang nanay ko naman po ay kasambahay sa isang mayaman naming kapitbahay. Pero kahit ganon po ay may pinag-aralan po sila, nakapagtapos po sila ng pag-aaral kaso hindi po sila nag-apply dahil sa pinansyal. " kalmadong sagot niya. I took a deep sigh.

" What are their courses when they were in college? Do they take courses related to business? " tanong ng aking ina.

" My father took up Business Administration in college. While my mother took up Accountancy. " sagot ni vincent. Medyo nanlaki ang mga mata ni mommy pero sa huli ay napatango-tango din.

" Kahit ganun lang po ang naging trabaho ng aking mga magulang, hindi po sila nagkukulang sa akin, hindi po sila kailanman nagkulang sa pagbigay sa akin ng pera. Lahat po ng pangangailangan ko ay naibigay nila, kaya naman tuwang-tuwa ako dahil nakarating ako sa kung nasaan man ako ngayon. " pagkukwento niya.

" No, hijo. Don't underestimate the hardwork of your parents. They are doing there very best just to give you what you deserve, what you wanted, just like what we are doing to our daughter and son. " daddy said while talking firmly to zion. Zion nodded his head.

" Ano nga ulit ang family name niyo? " tanong ni mom.

" Ortega po. Taga Silay. " nakangiting sagot niya. My mom just nodded while smiling.

" Talking about the city of silay. The Paris of Negros. Am I right? *nodded* Saan kayo nagkakilala ng aking anak? " my dad asked.

" We meet accidentally in church. Pero nagkakilala po kami mismo sa school na pinapasukan naming dalawa. " sagot niya. I smiled at him kahit hindi siya tumitingin sa akin.

" Nung nalaman ko po na mayaman siya, nagdalawang isip po ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ito, kasi iniisip ko kung magbabagay ba kaming dalawa. Mahirap po ako, mayaman siya. Dapat mayaman din yung pipiliin niya. Inisip ko rin na baka may fiance na to, kadalasan kasi ganon sa mga mayayaman eh. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, umasa pa rin. I tried na lapitan siya at kulitin siya. Hiningi ko rin ang number niya. Tumagal ng tumagal, nag close po kami. " pagkukwento niya at nga pause pa. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga kwento niya.

" And then the panliligaw-stage came. Niligawan ko po siya at pumayag naman, hindi dahil sa pinaghandaan ko ang aking sorpresa sakanya, kundi dahil sigurado akong ligawan siya at walang pagdadalawang isip. Masaya ako dahil pinayagan niya ako. Nakakatiyak akong naikwento niya po sa inyo. " natawa siya ng mahina sa huli niyang sinabi. Medyo natawa rin si daddy at mommy.

" Naikwento niya. Kilig na kilig nga habang nagkukwento eh. " panunukso ni mommy. 

" MOMMM!! " maarte kong sabi. Pinanlakihan niya lang ako ng mata at nagkibit ng balikat.

" Nung last day niyo po sa Tagaytay, nag video call kaming dalawa. Sa huli ay tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang maging girlfriend, sinadya niya pong patayin dahil ayon po pala, may plano siya para saming dalawa. Tignan niyo po kung gaano ka- madiskarte ang inyong anak. " parang nagsusumbong niya kwento. Tinignan ko siya.

" So, nagsusumbong ka? Gusto mo isumbong rin kita sa mga magulang mo? Magsumbungan tayo! " nanghahamon kong sabi. 

" I am just telling them what was happened! " depensa niya.

" Dad, may plano po talaga ako nung mga panahong yon. At yon ang sagutin siya mismo sa personal. " kwento ko rin kay daddy, not minding what my boyfriend said, a while ago.

" Oo na, oo na. Pinaplano naman talaga yan. Wala akong kakampihan sa inyo. Nakikinig ako sa mga kwento ni vincent. Go on, hijo. " sabi niya lamang at hinintay na muling magsalita si vincent. Ako naman ay napanga-nga lang.

" Masayang-masaya po ako nung sinagot niya ako, pakiramdam ko, ako ang pinaka swerteng lalaki sa buong mundo, sinagot ni Andrea De Los Reyes. Pilit ko pa nga na pina-sink in sa utak ko ang mga nangyari, mabuti naman po dahil ngayon nag sink in na. Hanggang sa nakarating kami dito ngayon at narito po ako sa inyong harapan para ipakilala bilang boyfriend ng inyong anak. " bahagya siyang napangiti matapos niyang mag kwento. 

Hindi ko mapigilang ngumiti sa kabuuan ng kanyang kwento niya. Masaya ako dahil hindi nawawala lahat ng pinagsamahan namin. Sigurado ako na hinding-hindi mawawala sakanya ang lahat ng kasiyahang napagdaanan namin.

***

A/N: CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTOOO. 

THANKYOU FOR READING, BABIES.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon