Chapter 74💛

8 0 0
                                    

THE SMALL WHITE ENVELOP "

Third Person's POV

Nag-iimpake ngayon si andrea dahil bukas ang alis nila papuntang Batangas. Sa gaganaping photoshoot. Maaga ngayon at nanunuod ng TV si zion, habang kumakain ng popcorn with Mountain Dew. Pagkatapos ng pag-iimpake ni andrea ay tumabi siya kay zion.

" Hindi ka aalis? " tanong ni zion.
" Hindi. Free ako ngayon. Makakasama kita ngayon. " masayang sambit ni andrea at uminom ng Mountain Dew.
" Love, nakakasama sa katawan ang softdrinks. " nag-aalalang sabi ni andrea.
" Kaya pala uminom ka. " pabirong sabi ni zion.
" Aba! Kaunti lang! Tsaka ikaw nakakarami ka na ng inom! Akala mo hindi ko alam na ito yung palagi mong ginagawa kapag nabobore ka dito? " depensa ni andrea. Natawa ng mahina si zion, at napakamot ng ulo.

Sa kalagitnaan ng panunuod nila ng TV, may taong kumatok. Malamang tao yun, matakot kayo kung hayop yon.

" Parang kilala ko kung sino to. " nag-iisip na sabi ni andrea.
" Pagbuksan mo na. Alam kong naghihintay yan ng malutong mong sampal. " nag-aabang na sabi ni zion. Napatingin sakanya si andrea.
" Sakto may popcorn dito. I can watch anytime I want. GO LOVE! Kaya mo yan! Itumba mo! " suportadong sambit ni zion, with taas pa ng kamay.
" Gusto ko yang suporta mo. Sandali ah. " tumayo si andrea at pumalakpak ng mahina. Medyo mahina rin ang kanilang pag-uusap kanina dahil baka marinig.

Sa pagbukas ng pinto ni andrea, isang malutong na sampal agad ang inabot ni Ynah. Ramdam ni ynah ang sakit kaya napatagilid ang kanyang mukha.

" FIRST BLOOD! " natutuwang sabi ni zion. Hindi ko malaman kung ano ang nangyayari sa mag jowang ito ngayon.

" Nandito ka ba dahil gusto mo ulit makasama si zion sa pagkain ng almusal? Nandito ka ba dahil gusto mo siyang makasama at makatabi? " nakataas ang kilay ni andrea habang sinasabi iyon. Napatingin ito sa hawak hawak na box ni ynah.

" At mukhang nagdala ka pa. " mabilis na kinuha ni andrea ang box na hawak hawak ni ynah. Hindi naman makatyempo si ynah dahil ramdam pa din ang sakit ng pagkakasampal ni andrea sakanya.

" Love, may sinigang. Mayroon ding itlog, at ham. She is serving you breakfast! How sweet of you, ynah. " parang masaya pa ito habang nagsasalita.

Binuksan ni andrea ang sabaw na sinigang at bigla itong tinapon sa damit mismo ni ynah. Kasabay nun ang itlog at ham. Ang lahat ay nagulat, pati ako. Amputa, ang init pa naman ng sabaw.

" TRIPLE KILL! " natatawang sambit ni zion.

" Masaya ka na? Masaya kayong dalawa sa ginagawa niyo? " naluluhang sambit ni ynah.
" Awww, umiiyak ang isang ynah? This is the first time! " pang-iinsulto pa ni andrea.
" Yan ang premyo mo sa kakalandi sa boyfriend ko. Isang landi mo pa, hindi lang yan ang makukuha mo. Alam kong may plano ka, kaya kung ano man ang lahat ng yon, sinasabi ko sayo, hinding-hindi ka magtatagumpay. Kung sayo lang mapupunta ang lalaking mahal na mahal ko, magkakamatayan muna tayo. Tama na to, ynah. Tanggapin mo na lang na hindi ka mamahalin at kakaibiganin ng boyfriend ko. " nakangiting sambit ni ynah.
" Umalis kana, bago pa dumilim ang paningin ko at baka ikaw pa ang papalinisin ko sa kalat. Alis! " bago umalis si ynah, ay tinignan niya muna si andrea ng masama. Syempre hindi magpapaawat si andrea.

" VICTORY! " tawa ng tawa si zion habang sinasara ni andrea ang pintuan. Ngumiti naman ang bahagya si andrea.

Tignan niyo, tuwang tuwa sa nangyayari. Minsan may topak din ang dalawang ito eh. Ngayon ay pinag-uusapan nila ang nangyari kanina lang. Mga demonyo, tawa ng tawa na halos mawalan na ng hininga.

***
Kinabukasan, nagpaalam na si andrea kay zion, dahil ngayon ang alis nito papuntang Batangas. Nasa baba na ang sasakyan, at hinihintay na lamang si andrea.
Hinalikan ni zion si andrea sa noo, ilong, sa dalawang pisngi, at marahan nitong hinalikan sa labi.

" Mag-iingat ka doon. " sabi ni zion, pagkatapos.
" Pwedeng pwede kang pumunta doon, kung gusto mo. May binilin akong pera dyan. Mag-iingat ka din. " sabi naman ni andrea.
Bago pa man buksan ni andrea ang pintuan, ay muli itong nagyakap kay zion. Medyo may luhang tumulo pero agad na pinunasan ni andrea iyon.

" I LOVE YOU. "
" I LOVE YOU TOO. "

***

Buong gabing nanunuod ng TV si zion, at kagaya ng nakasanayan, kumakain ito ng chichirya at umiinom ng Coke. Kanina, kumain siya ng konting kanin.

Bago matulog si zion, ay nag video call pa sila ni andrea. Namimiss na agad nila ang isa't-isa. Mahirap kapag LDR.

***

Nagising si zion sa tatlong katok. Kahit gusto pang matulog ay pilit itong bumangon, para lang alamin kung sino ang kumakatok sa pintuan. Sa pagbukas ng pinto, bumungad ang babaeng pormang-porma. 

" Good Morning to you, my bab! Kamusta? " may ngiti ito sa labi, na para bang walang nangyari kahapon.

" Ang tigas talaga ng ulo mo. " ang sabi ni zion.

" I am not named Ynah for nothing. " ngumisi pa ito, atwalang pag-aalinlangang pumasok.

" Wala dito ang iyong kasintahan dahil nasa batangas. So, mag-isa ka dito. Hmmm, pano kaya kung samahan kita? " nakangiting sabi ni ynah. Natawa naman si zion ng wala sa oras.

" At ikaw pa talaga ang may lakas ng loob mag volunteer. Grabe, ynah! Ang taas na ng inabot mo! Umaapaw hanggang kalangitan. " pang-iinsulto ni zion. 

" Wala ka bang balak puntahan siya doon? Dahil kung may balak ka, sasamahan na kita. Dahil gaya ng sabi mo, malakas ang loob ko, kaya ako na magvovolunteer. " walang emosyong sabi ni ynah.

" Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo ako kailangang samahan. " sagot ni zion.

" Osige, kung yun ang gusto mo. " ynah.

Nandoon lang si ynah sa upuan buong araw. Si zion naman ay nasa kama lang at nakaupo, ka chat ang babaeng mahal niya.

Maya-maya pa, ay nagpaalam na si ynah, dahil bibili ito sa mall. Agad naman sinara ni zion ang pinto atsaka ito naligo sa banyo. Mahirap na baka pagnasaan siya ni ynah. Mas mabuting ako nalang. Char!

***

Isang araw ang nakalipas, mag-isa pa din si zion, at hindi nakakapagtaka kung bakit hindi ngayon pumunta si ynah.

Maya-maya ay may kumatok. Binuksan ito ni zion, at bumungad ang lalaking naka denim jacket. May dalang maliit na white envelop.

" SIR, PINAPABIGAY PO. " sabi ng lalaki. Tumango lang si zion at sinara na ang pintuan.

Dahan-dahang binuksan ni zion ang laman ng white envelop, at sa mga sandaling iyon, galit, mga tanong, at lungkot ang namayani sa loob.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon