Chapter 25💛

11 0 0
                                    

" My First Date "

Andrea's POV

Habang papunta ako rooftop, inisip ko kung paano kami nagkakilala ni vincent. Paano nga ba kami nagkakilala? Char. Syempre alalang alala ko yon. Sariwang sariwa. Inisip ko kung paano kami nagsimula as a bestfriends. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng bestfriend na lalaki. Hindi ko akalain na makikilala ko siya sa hindi ko alam na panahon, kung tama ba o mali. Basta ang alam ko, nakilala ko siya at yon ang pinakamahalaga. 

Nasa pintuan na ako at handa ko ng buksan, madilim at ang tahimik. Sa pagbukas ko, biglang nagkaroon ng ilaw, Hindi yung white na ilaw, yung parang dilaw. Maraming pulang rosas na nakakalat sa sahig. Halatang pinaghandaan. 

Didiretso na sana ako kaso ginulat ako ng lalaking naka white t-shirt at naka stripe na pantalon. Ang gara ng suot niya ah. Halatang binili pa sa mall. 

Nag-abot ng rosas habang nakangiti. Malulusaw po ako sa ngiti niya ngayon. Napangiti naman ako at inamoy ito. He held his hand, we intertwined our fingers. Inalalayan niya akong makaupo sa aking upuan. 

Napatingin ako sa kabuuan ng rooftop. Grabe, talagang pinuno niya ng magagandang design tong rooftop. Nagpaalam ba siya na may gagawin siya dito? Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang kagagawan niya. Full of roses. Balloons that has light in the inside. Pero may isa akong napansin. May balloon na hindi umiilaw. Wala kong pnhon bilangin kung ilan sila, basta marami sila. 

Ang huli kong tinignan ay ang lalaking kaharap ko. Ang gwapo niya, parang hindi siya yung bestfriend kong simple lang. Hala, baka hindi nga siya to. Char. 

Nakatingin din naman siya sa akin habang nakangiti. Goodness, matutunaw na ako, anuba! Hindi ko aakalain na magagawa niya ang mga bagay na to para sa akin. 

" Nagustuhan mo ba? " unang tanong niya. I am speechless kaya tumango lang ako ng tumango. 

Sa likod niya ay may maliit na higaan, parang maliit na foam lang na alam kong kasya kaming dalawa, at may kumot tsaka una. Matutulog ba kami dito? 

" Baka isipin mong ako ang gumawa ng lahat ng ito, may mga tumulong sa akin at laking pasasalamat ko sakanila kasi they reached my expectations. May itinulong ako dito, tsaka tumulong rin si adrian. " mga tanong sa isip ko na sinasagot niya na ngayon. May mga tumulong sakanya? 

" Tumulong ba ang mga kaibigan ko dito? " tanong ko. Ngumiti siya na parang tanga.

" Hindi. Pero nag volunteer sila na bumili ng mga balloons at kakailanganin para dito. They insisted. They want this date to be successful kaya kusa silang tumulong. Pero hindi lang sila, madami kami. " paliwanag niya. Kaya pala todo ngiti ang mga kaibigan ko kanina kasi kampante na sila na magiging successful itong date. Mygash, ba't di ko nahalata yon? 

Napangiti ako sa lalaking kaharap ko. Grabe siguro yung pagod niya noh? Sana may magawa ako para mawala yung pagod na yon. Masuklian ko man lang. 

" Zion, thankyou dito ha. Thankyou so much. Nag effort ka pa talaga para sa date na to. Thankyou, I appreciate you and your effort. Sana masuklian ko yan. " masayang sambit ko. 

" Drey, ang mapasaya ka sa mga simpleng gawa ko para sayo ay malaking bagay na para sa akin. Mahalaga ka sa akin kaya lahat magagawa ko para sayo. Tandaan mo yan. Tsaka yung sukli na ibabalik mo? Pagmamahal mo lang sapat na. " nakangiti niyang sambit habang nakahawak sa kamay ko. Ay tangina, pagmamahal ko lang daw! Ibinigay ko na sayo ung pagmamahal na hinihingi mo. Bumigay na ang puso ko. We smiled at each other. IMMMMM!

" Kain na tayo? " aya niya. Masaya akong tumango. Habang kumakain ako ay pasulyap-sulyap siya sa akin. Kung balak niyang subuan ako, aba gawin niya na hahahaha.

Katulad ng nasa isip ko, sinubuan niya nga ako. Given the fact na ang cute pa niya habang sinusubuan ako. Syempre katulad ng ginawa niya, sinubuan ko rin siya. 

Ano yung kinakain namin ngayon? Carbonara, Buko Pandan, May cupcake sa gilid, and Water na nasa wine glass. Oh dbaaa. Masarap yung carbonara. Familiar.

" Sino nagluto ng carbonara? " tanong ko. Bago siya sumagot ay natawa muna siya. 

" Mga kaibigan mo. They also insisted na sila na ang magluto tutal masarap naman daw sila magluto. Hindi nila ako binigo at lalong lalo na ikaw. " nakangiti niyang sambit. Kailan pa natutong magluto ang mga yon? Lalong lalo na yung trixy! How come? 

" Talaga? That's a shocking news for me. Hindi nagluluto ang mga yan sa bahay. Or maybe hindi ko lang sila nakitang nagluto. Hmmmm... " sabi ko pa. Napailing na lang siya at nagpatuloy sa kanyang kinakain. 

Later on, the music sounds, ang t'was love songs. I love this scene in a movie. A boy wants to dance a girl. 

" May I have this dance? " tanong niya sabay lahad ng kamay. Napangiti naman ako at napahawak sa kamay niya. 

Ang aking kamay ay nakapulupot sa leeg at ang kanyang mga kamay naman ay nasa waist ko. Nakatingin kami sa isa't isa. Kanina hindi siya naka glasses, ngayon meron na. Oh gosh, he's more handsome wearing a glasses. Hulog na hulog na ako. 

" Ang mga ginagawa mo ba para sa akin ay isang plano? Ito ba ay isang pagpapakilig lamang? Totoo ba ang lahat ng ito? " out of nowhere I ask those questions. Naniniguro lang dahil baka sa huli ay masaktan ako. 

Napangiti siya. Ngiti na alam kong alam niya na naniniguro ako, na para bang nakikita niya sa mga mata ko ang paninigurado. 

" Naniniguro ka. Pagpapakilig lamang? Sa araw-araw nating pagsasama, hindi lang pagpapakilig ang ginagawa ko. Ang lahat ng ito ay totoo, totoo na hanggang sa huling hininga ko, makikita mo ang pagpapakatotoo ko. " sagot niya. I smiled. 

" Araw-araw iniisip ko, araw-araw tinatanong ko sa sarili ko, kung saka-sakaling manligaw ako sayo, 'oo' kaya ang matatanggap kong sagot? Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko palagi sa tuwing naiisip ko ang tanong na yan. Pero alam mo kung saan ako mas kakampante? Yun ay ang mga araw na nagsama tayo, alam kong pag nanligaw ako, 'oo' ang isasagot mo. " tumaas baba pa ang kilay niya habang nakangiti. Psh! I laugh! 

" Paano mo naman nasisiguro na papayag ako, aber? Sige nga! Isang rason nga na papayag akong manligaw ka. " panghahamon kong sambit. Natawa nanaman siya. Parang ang dali lang sakanya sagutin ang nasabi ko.

" Naging malalim ang samahan natin, sa araw-araw na magkasama tayo, nakangiti ka palagi, ibig sabihin nun, masaya ka sa piling ko, at higit sa lahat, MAHAL MO AKO. " he says emphasizing the word ' mahal mo ako ' Awuw! Ang kapal! 

" Ang kapal ng mukha mo! " hinampas ko siya sa leeg. Natawa nanaman ang mokong. 

" Alam ko na hindi mo pa masasabi yon kasi alam kong first time mong pumasok sa ganitong sitwasyon. Ginagalang ko yon. Maghihintay ako kung kailan mo sasabihin. " nakangiti niyang sabi and he kiss my forehead. Pumikit ako sandali. 

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Walang katapusan ang pagtitig niya sa akin. Swear, tunaw na tunaw na ako. Ganon ba ako kaganda para titigan niya? 

" MAGANDA. Unang kita ko sayo sa simbahan, gandang-ganda na ako sayo. Lahat sila gustong mapalapit sayo, pero ang lalaking maswerte dahil pinansin mo ako. Everyone would die for your attention, love. Natutuwa ako dahil sa dinami-rami ng mga taong gusto mong mapansin, at gustong mapalapit sayo, ako lang ang naglakas-loob na lapitan ka. Ang tapang ko, grabe. " seryoso niyang sambit sabay ngiti. 

Oo nga noh? Sa tuwing pupunta akong paaralan, ang daming lalaking nakatingin sa akin. Mga lalaking gustong lumapit pero walang lakas ng loob dahil baka itaboy ko sila, at baka ma reject ko sila. Pero kung tutuusin, kapag isa kang tunay na lalaki, kapag gusto mong mapasayo ang isang babae, lakasan mo loob mo. Wag kang panghinaan ng loob. Kasi baka dumating yung araw na maagaw siya ng iba, at baka pagsisisihan mo na hindi mo siya nilapitan o in-approach. 

Napangiti ako sa lalaking kaharap ko. Matapang? Sa tingin ko hindi. Kasi kahit di siya lumapit, kapag pumana ang pana ni kupido saming dalawa, siguro hindi na siya nag aksaya pa ng oras para distorbohin ako sa plaza noon. Iba kasi ang nagagawa ng pana ni kupido or should I say, iba ang nagagawa ng tadhana. 

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon