" THE T-SHIRT. "
Andrea's POV
Maaga akong nagising kinabukasan. Nasabi ko na rin sa aking mga kaibigan ang kalagayan ni vincent. Kagaya ko, ay gulat na gulat din at hindi makapaniwala. Ang dami nilang naitanong na kahit isa wala akong naisagot. May mga tanong talaga na hindi natin nasasagot. Sinabi pa nila sa akin na gusto nila itong dalawin, pero sabi ko, wag na muna kasi madami pang inaasikaso. Tumango na lamang sila at bakas sa mga hitsura nila ang pag-iintindi.
Papunta ako ngayon sa bahay nila vincent. Dala ko ang aking sasakyan dahil may balak akong dalhin si vincent sa isang kung saan alam kong magugustuhan niya. Isang araw ko lang siyang hindi nakita pero miss na miss ko na kaagad siya. I want to spend more days with him, kung pwede lang for the rest of my life. Gusto ko sabay kaming mamamatay, gusto ko sa huling hininga ko, nandyan siya, hinahawakan ang aking kamay. Siya ang aking lakas, ang aking kasiyahan.
*Ortega's House*
Sa pagpasok ko ay binati ako ng katulong. Nakita ko rin si tita na nagluluto sa kusina. Si tito naman ay nasa sala at nanunuod ng TV.
" Good Morning po, tita. " bati ko at hinalikan siya sa pisngi. Para siyang nabuhayan nung makita ako.
" Tito, good morning po. " nginitian ako ni tito at tinanguan.
" Buti at nandito ka na, anak. Kagabi ka pa hinahanap ni vincent. Gusto ka niyang makita. " sambit ni tita. Naiilang akong napangiti. Kinikilig ako eh.
" Nais ko po sanang magpaalam sa inyo ni tito, kasi gusto ko pong dalhin si vincent sa talisay. " pagpapaalam ko.
" Talisay? Saan naman sa talisay? " tanong ni tito.
" Sa The Ruins po. I'm sure kilala niyo ang lugar na iyon. " sabi ko sakanila.
" Ofcourse. It is one of the tourist attraction for its romantic, yet strong structures. " sabi ni tito. Napangiti kaming dalawa ni tita sakanya.
" Papayag kami, syempre. " nakangiting sabi ni tita.
" Thankyou po, tita, tito. " masayang sambit ko.
***
Nasa kwarto ako ngayon ni vincent. Hinihintay siyang magising. Isa sa mga gusto kong mangyari. Yung paggising niya, nandito ako sa tabi, hinihintay siya. Kasi nandito lang ako palagi sakanyang tabi. Hinding-hindi siya iiwan.
Maya-maya pa ay nakita kong medyo gumalaw, at naimulat niya ang kanyang mga mata. I smiled seeing him na minumulat ang kanyang mga mata.
" Hi lovveeee. Good Morning. Nandito ako sa tabi mo. " bati ko sakanya habang nakangiti. Ngumiti rin siya nung makita ako.
" Nananaginip ba ako? Totoo bang nandito ka na ulit? " parang hindi pa siya makapaniwala. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis, kasi feeling ko nagbibiro lang siya.
" Nandito na ako. Hindi ka nananaginip. Ikaw ha, ako talaga pinapanaginipan mo. " pabiro habang nakangiti. Nagkatinginan lamang kami at natawa sa isa't-isa. Ayaw umamin na ako yung pinapanaginipan. Hinawakan niya ang aking kamay, at hinalikan iyon.
" Love, may pupuntahan nga pala tayo. " panimula ko.
" Saan naman, love? " tanong.
" Sa The Ruins Talisay Cityyy! " masaya kong sambit. Malawak niya akong nginitian. Na para bang masaya siyang nakikita akong masaya.
" Magbibihis naman ako? " na-eexcite niyang sabi.
" Sinong magbibihis sayo? Wala ba yung nurse mo? " tanong ko naman. He teasingly smiled. Shet! Walang mali sa naitanong ko.
" Hindi ako papayag na nurse ang magbibihis sa akin. Alam mo kung bakit? " tanong niya habang nilalapit ang mukha sa akin. Tngna, dude.
" Ba-bakit naman? " bakit ba ako nauutal!
BINABASA MO ANG
My First Love
Storie d'amoreThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
