Chapter 28💛

11 0 0
                                    

" Officially courting Andrea De Los Reyes "

Andrea's POV

Pakanta-kanta ako habang nagbibihis, pupunta kasi akong school. After what happens last night, hanggang sa gumising ako, hindi ko na mabilang kung ilang ngiti na ba ang aking naingiti. Ito ba yung feeling na may isang lalaking nanliligaw at nagpapahalaga sayo? Hmmm..

*bzzzztt bzzztt* Camille just texted: Bilisan mo na dyan. Dumiretso ka sa quadrangle natin. May naghihintay sayo dito.

Kumunot ang aking noo, sino naman ang naghihintay sa akin? Si Vincent? Mga kaibigan ko? Hmmm.. may announcement ba? may program? Something important? 

*school*

Katulad ng napag-usapan, dumiretso nga ako sa quadrangle namin. Pumunta ako ng unahan, I saw my three bestfriends, sitting. At talagang binigyan pa nila ng space sa gitna. Ako ang uupo dyan noh.

" Anong ganap dito? " tanong ko agad.

" There's a special announcement, a kind of announcement that will make you fall inlove over and over again. " malawak ang ngiti na sagot ni Irish. Psh. Sure ako na about nanaman to sa mangyayari sa school. Ang mga nangyayari kasi sa school palagi, nakakainlove. I'm sure of that. 

" Good Morning. " bati ng principal namin. Agad kaming napatayo at nag goodmorning. It is unusual dahil si principal ang basta-basta na nagsalita. Mostly kasi, nauuna si emcee, o di kaya si queen bee. 

" Curiosity written in all of your faces. Well, I am here to highly share the guy who go to my office awhile ago. We had a lil conversation, and that lil conversation of us, I must say that he has determination, he has all the courage to do whatever he wanted, and mostly, he has everlasting love that cannot be ruin by others. This guy suggested to me, if its okay to introduce the woman in front of you he is courting. I say that its okay, its okay, there's nothing wrong with me. Well, that's why Im here because he wants me to be here also. To witness his love to her woman. " masayang sabi ng aming principal, at pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Hiyang-hiya na nga ako eh. 

" Kapag may mahal kayong isang tao, kapag handa niyo siyang ipaglaban sa mga taong tutol sa relasyon niyo, gawin niyo. Kapag gusto niyong ipagsigawan, ipagsigawan niyo. Even just a simple efforts, you can make a girl smile. This guy is very generous, very kind, very respectful. Kaya niyang ipagsigawan sa mundo na mahal niya yung babae. Nilakasan niya talaga ang loob niyang pumasok sa office ko. Gusto niyang ipaalam at ipagsigawan sa buong school na nililigawan niya ang babaeng to. Kung mayroon kayong sasabihin at isu-suggest, my office is always open to welcome you and to hear your suggestions. Alright? " ngumiti siya't pumalakpak. Feeling ko ako yon. hihi.

" Lahat naman tayo nagmamahal. And so, let me introduce to you the guy Im talking about awhile ago, Vincent Zion!! " lumabas ang lalaking nanliligaw sa akin. Oh gosh, ang gwapo niya nanaman. Basa pa yung buhok ko pero pakiramdam ko, tuyong-tuyo na. Kinikilig din siguro to. 

He looked at me and smiled. A smile full of love. Ngumiti rin ako syempre, kasabay nun ang pag-irap ko. Hays. This guy is full of surprises.

" Good Morning Everyone. As you can see, I'm here in front of you, standing. I just want to say something that is very important. Okay lang kung hindi niyo gustong marinig ito, atleast pumunta kayo. Thankyou for coming anyway. " seryosong sambit niya. Suplado naman ng lalaking to. 

Something very important? Kahit hindi natin sabihin, alam ko na ang gagawin niya. Psh, si vincent pa ba? Eh ayaw paawat ng lalaking yan.

" May kilala ba kayong Andrea De Los Reyes? Gusto ko lang kasing malaman niya na mahal na mahal ko siya. " napatingin sya sakin at kumindat pa.

'oyyy mahal ka daw' 'ayiiiiieeeee' 'andrea? familiar.' 'hindi maipagkakaila na maganda talaga siya' 'how to be you po?' Ayan ang mga naririnig ko tungkol sa sinabi ni vincent. Ang hirap talaga kapag maganda ka. Hays.

" From now on, I want you all to know that Andrea is mine. Sink that in. I am officially courting andrea, and please kung may masama kayong balak, back off. Ang sinumang lalaking lumapit sakanya na may ibang intensyon, malilintikan sakin. " pinandilatan niya ng mga mata ang mga lalaki. Some of the boys just laughed but didn't say any word. Psh. Alam nilang maganda ako, kaya wala silang masasabi. 

Kapag itong vincent naging boyfriend ko, uupakan ko to. Ang seloso eh. Napaka. Hindi ba niya alam na loyal ako sakanya? 

" Andrea, pwede ka bang pumunta dito, sa stage, sa tabi ko mismo? " pakiusap niya. Wala nanaman tayong magagawa. Halos ngiti lang ang aking naging reaksyon. Seriously, seryoso ba siya sa ginagawa niya ngayon? Nakakahiya sa mga tao. 

" Oh. The floor is yours. G na! " camille says. 

" Haba ng buhok ah! " irish laughingly says.

" Ikaw na beshy! " trixy also says. Kanya-kanya sila ng comment. Ayos! Natatawa ako habang sinasabi nila yon. 

Umakyat ako syempre, at tumabi sakanya. Hinampas ko pa nga eh. Yung iba kinilig, at yung iba naman ay natawa.

" Everyone, Andrea De Los Reyes. Yes, I am officially courting her and no one can stop me. " okay, seryoso talaga siya sa mga ginagawa niya ngayon. 

" This girl standing right beside me is the girl who stole my heart. I just want her to know *turo sakin* that I'm going to risk anything just for her. Kaya ko siyang ipagsigawan sa mundo. Sana magawa niyo rin yun. Kasi ako, kayang-kaya kong gawin lahat para lang sa taong mahal na mahal ko. " mayabang niyang sambit. I smiled looking at him. Full of surprises. Isa sa mga bagay na gusto ko sakanya. I am too, willing to risk anything just for you.

Pagkatapos ay may nagbigay ng bulaklak kay vincent. Para sakin? Gotcha, hindi nga ako nagkamali, kasi binigay niya sa akin. Syempre deep inside kilig na kilig ako. Ngiting-ngiti ako.

Sa ibabaw ng bulaklak, may maliit na papel na naka fold. Buksan ko nga. 

      ' Im sorry if I'm doing this. I'm just showing my love for you. Im a guy full of surprises, so be ready with me. Dahil marami pa akong gagawin para sayo. '

Awwwwww, how sweet. At dahil dyan, susubukan ko ang pasensya mo. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo. 

Iyon naman talaga ang importante diba? You have to test that person to be able to reach your standards and by that, whatever the decision you made, sigurado ka kasi alam mong sigurado na ang taong paglalaanan mo ng pagmamahal. 

I may be a maldita sa paningin niyo, pero asahan niyong pagdating sa pag-ibig, malalim ang pagmamahal ko. Malalim na parang ikaw mismo gusto mong sumisid kasi masaya at nakakagaan sa loob.

Hindi ko man masabi sa ngayon na mahal ko na si vincent, pero alam ko na balang araw, masasabi ko ang salitang yon. Bakit hindi ngayon? Natatakot ako kasi baka pag sinagot ko siya agad, bigla-bigla namang mawawala. Masaya sa una, magiging malungkot sa huli. Ayoko ng ganong pangyayari. Mas masaya at mabuti yung matiyaga kayong dalawa at kaya niyong hintayin ang isa't-isa.

Tsaka ayoko lang iyakan ang mga bagay na sobrang mahalaga sa akin. Ayokong iyakan ang isang pagkakamali na ginawa ko. Wala, ganun talaga ako.

NBSB ako kaya dapat lang na pag-isipan ko ang mga bagay na to. Yung tatlo kong kaibigan, marami nang kinalantari ang mga yon. Kaya sa tuwing nasasaktan sila, I am their crying shoulder. I am comforting them, making them happy as long as I can. Kaya syempre natututo na ako.

Nagkatinginan kami ni vincent at nagyakapan. I appreciate this. 

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon