Kasalukuyan akong nasa Rooftop ng school namin ngayon, tinitignan ang mga buildings na nagkokompetisyon sa mga ilaw. Nandito ako kasi may hinihintay ako.
" Nandito na ako. " sambit niya sa masayang tono. Pamilyar ang boses na yon, kaya tumingin ako. I smiled when I saw him staring at me. Hinintay ko siyang lumapit dito mismo sa aking harapan.
" Kanina kapa dito? " tanong niya.
" Hindi naman. Kararating ko lang. " sagot ko habang nakangiti. Alam niya kung gaano ko siya minahal ng husto, kung pwede ko lang sabihin sakanya araw-araw, iparamdam sakanya araw-araw, gagawin ko sa buong buhay ko. Gusto kong hawakan ang kanyang pisngi pero bakit parang hindi ko magawa?
We had a usual conversation, parang nung mga panahon na kakakilala pa lamang namin. Nagsisimula pa lang kami, kinikilala ang isa't-isa. Ang sarap lang ng ganitong pag-uusap. Nakangiti, walang pinoproblema.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, napatingin siya sa akin. Ngumiti siya, pero sa likod ng mga ngiting yon, ay ang malungkot niyang mga mata.
" Palagi kong sinasabi sayo na mag-iingat ka palagi, ingatan mo ang sarili mo. Dahil hindi habang buhay, mananatili ako sa tabi mo. May mga bagay sa mundo na hindi natin masasabi pero nararamdaman natin. Gusto kong malaman mo na kahit ano man ang mangyari, mamahalin at mamahalin kita ngayon, at bukas. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, andrea. Palagi mong tatandaan yan. " he look at me in the eyes while saying those words. Nakangiti siya, malawak na ngiti, hindi ko alam kung pilit ba iyon o hindi.
" I love you too. Sobrang mahal na mahal na mahal na mahal din kita. " I kissed his cheeks. Ngumiti ako ng bahagya.
Hinalikan niya ang aking noo ng matagal, medyo matagal rin akong napapikit. Sa sandaling naimulat ko ang aking mga mata, hinanap ko ang lalaking kausap ko kanina, kayakap, at kapiling. Napatayo pa ako at napatingin sa hagdan, nasaan na siya?
Para akong nanlumo nung umupo ako. Tumulo ang aking luha at sa pagkakataong yon, humagulgol na ako. Kanina nandito lang siya, kausap ko pa, yakap-yakap ako, kapiling ko lang siya kanina.
Hindi ako tumigil sa kakaiyak dahil baka sakaling bumalik siya at yakapin niya akong muli, nasa bisig niya ako at walang humpay ang yakapan naming dalawa. Baka sakaling bumalik siya.
Habang inaalala ang lahat, may biglang sumagi sa isip at alaala ko.
Nandito kami sa coffee shop. Apat kami kasama yung boyfriend ni irish. Nag-aya kasi yung boyfriend ni irish na mag coffee ih. Kakagulat nga eh.
" Kung dumating man ang araw na magpaalam siya sayo, huwag ka nang magtaka. He will be so sweet to you, ipaparamdam niya sayo na mahal na mahal ka niya. Why? Because right at that moment, isa lang ibig sabihin, it's his way of saying goodbye. " wala sa oras na sabi ng boyfriend ni irish.
Kumunot ang noo ko sa nasabi niya. Ginawa naming joke yung sinabi niya, pinagtawanan namin dahil kesyo epekto yan ng kape, nakakasama na sakanya ang kape. Ipinagsawalang bahala ko rin iyon dahil baka nga epekto lang yon ng kape. Baka nga.
Dahan-dahan akong napatango ng mapagtanto ko ang sinabi niya sa alaala ko. Heto nanaman tayo, humahagulgol nanaman sa pag-iyak. Kaya pala ganon siya kung magsalita kanina. Kaya pala.
*riiiiiiiiiiiiinngggggggggggg(2x)*
Napabangon ako sa tunog ng aking alarm clock. At dahil na rin sa napanaginipan ko. Panaginip. Lintik na panaginip.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
