" END THIS "
Andrea's POV
Maaga akong nagising kinabukasan dahil may pupuntahan akong building. I want to end my career already, I will look for grey because he's my manager. Bakla po siya.
" Mom, aalis na po ako. Babalik ako mamayang tanghalian. Will also have time for myself. " paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.
" Can I go with you? " tanong ng kuya na nakangiti.
" Didn't you hear what I said? Will have some time for myself. " pinaintindi ko pa sakanya habang nakataas ang aking kilay. Nalungkot naman ang kanyang mukha. Ang galing galing niya talagang umarte.
" Ayaw mo ba akong kasama? " malungkot niyang sambit. Arte! I just rolled my eyes.
Ayokong nang makipagtalo kaya pumayag na ako. Tsaka baka umeksena pa si daddy at mapapahaba nanaman ang usapan. Malalate pa ako.
Pababa na kami ng sasakyan at nagtataka ako kung bakit maraming tao ang naghihintay sa labas, or should I say 'fans' hmmm.. sa pagkaka-alam ko, sa mga ganitong oras wala pang artista o models na dumadating.
" I'll wait you here, kapatid. Ayokong maki-usyuso sa mga tao. " sambit niya.
" No, sumama ka sa akin. " paki-usap ko. Gusto ko lang siya makasama.
" Kapatid, hindi ko gustong pinagkakaguluhan ang kagwapuhan ko. Girlfriend ko lang at kayo ang may pahintulot na pagkaguluhan ang kagwapuhan ko. " napakamot pa siya sakanyang ulo. I laughed. Pansin ko na nagsisigawan ang mga tao sa labas. Dahil tinted ang sasakyan nato, hindi nila kami makikita sa loob.
" Bahala ka, marami pa naman akong bibilhin mamaya sa mall. Ililibre pa naman sana kita. Sayang. " nang-iinggit na sabi ko. Napatingin naman siya bigla sa akin. Akmang lalabas na ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
" Okay. I'll go with you! " pumapayag na sabi niya. Ayan, konting pang-iinggit lang pala ang kailangan eh.
" Be my escort, kuya. " I smiled at him.
Sa paglabas ko, lahat ng tao nagsigawan at gustong gustong lumapit sa akin pero ang daming guards na humaharang sakanila. I didn't expect na ako pala ang hinihintay nila. I saw grey on the corner, smiling at me.
' omaygash! she's so pretty! '
' natotomboy nanaman ako! '
' grabe talaga yung kagandahan niya! hindi nakakasawa '
' woah! sino yang lalaki? '
' boyfriend niya ba? '
' hindi! kuya niya yan! '
' ang gwaapoooooo '
' kyaahh! ' natatawa ako sa mga reactions nila.
Nakapulupot ang aking kamay sa braso ni kuya. He is my escort for today.
" Iba talaga kapag may kapatid kang sikat. " papuring sabi niya. Nginitian ko lang siya.
" Andrea, pwede pa picture? "
" Pa autograph na din! "
" Ang ganda ganda mo po "
" Thankyouu " wala akong ibang narinig kundi yan lang. Todo ngiti naman ako at grabe beshy, ang dami nilang merchandise!
May mga gustong magpapicture kay kuya, yung iba pinayagan niya, yung iba naman hindi kasi nagmamadali daw siya. Suplado.
Sinundo kami ni grey at pumunta agad sa office niya. Alam na niya ang pinunta ko dito at sigurado akong mahaba habang usapan ito.
" Andrea, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. " sabi niya. Bakla nga, pero lalaking-lalaki kung magsalita. I nodded.
" I can't just let you go. Ikaw ang pinaka sikat dito, at marami ang umaasa sayo. We cannot just file a contract para isulat don ang pag-alis mo sa industriyang ito. " nakakunot siya habang sinasabi iyon.
" But grey, sigurado ako sa desisyon kong ito. I want to end my carreer. Kung sakali man na gusto kong bumalik, babalik ako. Sa ngayon... " napayuko ako pagkatapos nun.
" Sa ngayon...? you want to end this kasi may inaasikaso ka nang iba? I heard na may nanliligaw na daw sayo dun sa Silay. Andrea, this is not just your job. This is your life. This is your passion. Dito mo ibinuhos lahat ng kakayahan mo. Isipin mo ang lahat ng natamo mong mga karangalan dahil dito. Andrea, you're a big break in this industry! " stress na stress niyang sambit. Wala siyang ibang ginawa kundi magpa-balik balik habang naglalakad.
" Pero buhay ko rin ang taong nanliligaw sa akin doon. Buhay ko na siya, grey. Buhay ko na ang pag-aaral ko doon, at buhay ko ang taong mahal na mahal ko don. Hindi ko kaya ipagpatuloy to habang ang lalaking mahal ko doon, naghihintay at umaasa kung kailan ako babalik. Grey, I will end my carreer and I will do it for the sake of our relationship. " paliwanang ko.
" Paano na lang kung may event sa ibang bansa? May ganito, ganiyan. Maiiwan ko siya doon, magpapaalam ako, at grabeng dahilan ang mga sasabihin ko, grey. Ayokong bigyan siya ng problema, ayokong bigyan siya ng kahit konting pag-iisip na makakasira sa relasyon namin. Alam mo ang mga sinabi ko sayo nung mga panahong gusto ko nang magkaroon ng relasyon sa isang tao. " depensa ko. Tumango naman siya ng dahan-dahan.
" Pero andrea... malaking kawalan kapag umalis ka sa industriyang ito. Sobrang laki. Maraming taong nagmamahal sayo bilang isang modelo. " he says. Tumawa ako ng mahina.
" Kung totoong mahal nila ako hindi nila ako iiwan anuman ang mangyari. Unless, they are just loving me because I'm a model. " ngumisi ako pagkatapos. Marami kasing taong ganyan. Minamahal ka lang sa panlabas na anyo. Minamahal ka lang base sa status mo. People.
" Then.. if you're decision is final, I have nothing to do with it. Pero I can't file a contract at ilahad doon ang pag-alis mo. Kasi I know na babalik ka. I will wait for you here. " nakangiti niyang sambit at niyakap ako.
" Thankyou. This is just temporary. Ikaw na bahala sumagot sa mga magtatanong. Basta ha, state na wala akong appointment the whole year at wala akong kailangang pagka-abalahan dito. Nagkakaintindihan ba tayo? " naniniguradong sabi ko.
" Yes, andrea. Anything for you. " nginitian niya ako at nag beso kaming dalawa. Nagkatinginan pa kami at tinuro niya pa si kuya. He is just sitting there and busy with his cellphone.
" Baka naman pwede mong ibalato sakin yan. " ayan nanaman, nababakla nanaman siya.
" He has a girlfriend in california. Ayaw niya ng mga ganitong offer. He is busy learning a lot. Hindi kayo bagay. " I said, truly. He rolled his eyes.
" Ligwak! Grabe ka sakin! " reklamo niya, natawa na lamang ako.
" Pakilala mo naman ako. " paki-usap niya. I just shook my head.
" Uhm, kuya. May I introduce you to my manager. He is Grey Chan. " pagpapakilala ko. Tumayo naman si kuya at nakangiti kumamay kay grey. Itong bakla, kinikilig!
" I am Gian Kriss De Los Reyes. Nice meeting you. " kanina naka shade yan pero binaba. Ngiting ngiti naman yung bakla! Landi!
Nagpaalam na kami sakanya, at syempre hinatid niya kami hanggang baba. Nakahintay pa din hanggang ngayon ang mga fans ko. Gaya ng marami kanina, mga half na lamang.
I waved a goodbye to them, syempre ngiting ngiti ako. It was nice to see them again. May mga natatandaan akong hitsura, na palaging naka support sakin, nagpipicture, at pumupunta sa lahat ng events ko. See you all again soon.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
