" BONFIRE "
Third Person's POV
Naghahanda ngayon ang apat na lalaking magkakaibigan sa buhangin para sa gaganaping bonfire. Ang apat na babaeng magkakaibigan naman ay nasa kani-kanilang kwarto at tatawagin lang maya-maya.
Habang naghahanda, ay pansin ang matamlay na kilos ni ryan. Nagkatinginan naman ang tatlo at nagkibitan ng balikat. Maya-maya ay nagkamali si ryan sa pag-ayos kaya medyo nainis si adrian.
" Bro, hindi ganyan. Mali na yang pagkakaayos mo oh. " sa halip na sundin ni ryan ang sinabi ni adrian ay ipinagsawalang bahala niya ito. Kinuha ni adrian ang mga kahoy kay ryan, walang reklamong natanggap si adrian mula kay ryan.
" Bakit ang paki-alamero mo, ha? Hindi mo ba alam na sakto lang yung pagkakaayos ko? " biglang tanong ni ryan sa malamig na tono.
" Binigyan kita kanina ng instructions kung paano mo aayusin. Kinalabasan, nagkamali ka. Ano ba, bro. " depensa naman ni adrian. Inawat ni vincent at aeron ang dalawang nagbabangayan.
" Tama na yan. Ryan, umupo ka na lang dito. Kami na lang mag-aayos nito, kaya na namin to. " sambit ni vincent habang pinapaupo si ryan sa mahabang kahoy.
Patuloy na nag-aayos si aeron at adrian sa mga kahoy. Habang inis na inis si adrian, ay medyo pinapatawa ito ni aeron.
" Hayaan mo na, bro. May pinagdadaanan yung kaibigan natin. " bulong ni aeron. Napatango lang si adrian at nagpatuloy sa ginagawa.
Pagkatapos ng lahat ay sandali nilang napag-usapan ang nangyari sa pagitan ni ryan at trixy. Ikinuwento ni ryan ang lahat.
" She confessed her love for me, pero bakit wala akong maramdaman? Or should I say, wala akong nararamdaman para sakanya? Sinusubukan naman namin eh. Alam ko nakikita niyo naman yon, sinusubukan namin. Kaso, may mga bagay na hindi pinipilit. May mga bagay na hindi dapat minamadali. Kanina sa dalampasigan, paulit-ulit niyang sinabi sa akin na mahal na mahal niya ako. Pero ewan ko ba sa sarili ko. " panimula niya.
" Mahal na mahal kita, ryan. Kahit hindi mo magawang suklian yon, okay lang. Pero nais kong malaman mo na magagawa ko ang lahat para sayo. "
" Pasensya na kung hindi ko magawang mahalin ka sa sandaling magkasama tayo. Pasensya na. "
" Okay lang, ryan. Baka kasalanan ko rin dahil pinilit ko ang sarili ko sayo. Baka kasalanan ko rin dahil minahal kita. "
" Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana. Ipinagtagpo niya tayo sa maling paraan, sa maling panahon. "
" Ginulo kita sa masayang dahilan, natapos sa malungkot na paraan. I am sorry dahil ginulo kita at hindi ko naman alam na magulo ka rin pala. Pasensya na. "
" No, no, no, wala kang kasalanan. Ang totoo, nagpapasalamat rin ako, dahil pinasaya mo ako. Sana magtagpo tayo ulit, at sana sa tamang panahon na. "
" Niyakap niya ako mula likod pagkatapos nun, humarap ako sakanya, at hinalikan siya ng malalim. Para kahit papaano maramdaman niyang, naging masaya ako dahil nakasama ko siya. Na malaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya. Kahit papaano nabawasan yung gulong-gulo kong utak. " sambit ni ryan habang medyo umiiyak. Dinamayan siya ng kanyang mga kaibigan at hinagod-hagot ito, binigyan ng konting payo.
***
Nandito na ngayon nakaupo ang apat na babaeng magkakaibigan. Matamlay pa rin si trixy dahil sa nangyari. Sa isang pinggan, may hotdog, marshmallow, at sticks. Iluluto nila yon sa apoy.
" Oh ayan na. Maaari na tayong magsimula. " sambit ni vincent. Nagsikuha naman sila ng hotdog at marshmallow.
Si trixy ay nakaupo lang sa buhangin, may dala-dala whisky. Kanina nung papunta sila dito, pinipigilan siya ng tatlo niyang kaibigan, pero dahil matigas ang ulo nito, hindi natinag.
Ang anim na mag jowa ay nag-eenjoy sa pagluluto ng hotdog at marshmallow. Maya-maya pa, ay sinimulan na nilang kainin dahil luto nanaman na.
Sa pagpapatuloy, nagkakasiyahan ang lahat, maliban kay trixy na kanina humahagulgol sa pag-iyak. Nakatalikod siya mula sa mga magjo-jowa, kaya hindi nakikita nito ang kanyang pag-iyak.
" Magkantahan tayo. " aya ni adrian.
" Marunong ka ba, pinsan? " tanong naman ni zion.
" Never ko pang naririnig kumanta to. " sabat ni irish.
" Hindi ako kumakanta, ano ba kayo. Ang marunong lang naman kumanta ay si aeron at ang aking pinsan. " sambit niya at inakbayan ang kanyang kaibigan, pagkatapos ay kinuha ang gitarang kahoy.
Ang unang kumuha non ay si aeron. Sabi ni vincent si aeron na daw ang mauuna. Bago nagsalita si aeron ay huminga siya ng malalim.
" This song is not dedicated to my fiance, why? Kasi ang kantang ito ay masakit at puno ng paalam. Mamaya kakanta ako para sayo, babe. I dedicate this song to everyone who's suffering from different kinds of pain. " seryosong sambit ni aeron. Naiintindihan naman iyon ni camille kaya tumango siya.
(Plays the song DULO-ALEXANDER DIAZ)
Aeron starts strumming the guitar. Pagkatapos ay nagsimula siyang kumanta. Isipin niyo na habang kumakanta si aeron ay mayroong dalawang taong ang-iiyakan, at parang nag-a-actingan. Ang lima ay tumingin sa harapan, na tila para silang nanunuod ng teleserye o pelikula. Dumating kasi si ryan, pinipigilan niya si trixy.
" Tama na yan. Wag ka nang magpakalasing. " pigil ni ryan. Pilit niyang kinukuha ang whisky kay trixy pero hindi ito mabigay ni trixy.
" Wow! Anong karapatan mong mag-alala sa akin? Wala ka namang paki-alam diba? Kahit kailan hindi ka naman nagkaroon ng paki-alam sa akin. "
" Wag mo namang gawin to, trixy oh. Paki-usap, nakikiusap ako. "
" Trixy! Trixy na ngayon ang tawag mo. Bakit ako makikinig sa paki-usap mo? Bigyan mo ako ng isang rason, bakit ako makikinig sa paki-usap mo? Sige nga! "
" Dahil nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sayo! Nag-aalala ako na baka mapano ka! Wag naman ganito, oh. "
Hindi nakapagsalita si trixy pakatapos sabihin iyon ni ryan. Sa mga oras na yon, nagkaroon ng pagkakataon si ryan na kunin ang bote ng whisky kay trixy.
" Umalis ka sa harapan ko! Hindi kita kailangan dito! Kaya ko ang sarili ko. "
" Kaya mo sa lagay na yan? Halika na! "
Hinila ni ryan si trixy pero nagpumiglas ito.
" Ano ba! Bitawan mo ko! Ano bang paki-alam mo ha! Umalis ka na dito, ryan. Ayoko nang makita ka, ayoko nang makita ang pagmumukha mo. Ayaw na kitang makasalamuha! " galit na galit na sigaw ni trixy.
Para silang nasa isang shooting/taping na kailangan nilang ma perfect ang scene, pero hindi. Totoo ang mga nangyayari ngayon. Totoong-totoo.
Bago magpaalam
Sa sandaling pagmamahalan
Nagpapasalamat
Habang buhay kong dala-dala
Kahit sa dulo, hindi tayong dalawa
Kahit di para sa isa't-isa
Buong iniwan, buhay ay nag-iba
Kahit sa dulo, hindi tayong dalawa
***
A/N: A BIG BIG CREDITS TO THE VIDEO. TO CORNERSTONE. THANKYOUUU.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...