" IRISH AND ADRIAN "
Andrea's POV
Nagising akong mag-isa na lamang sa aking kwarto. Nagising rin ako dahil may kumakatok. Pagbukas ko ng pintuan, ang aking tatlong kaibigan, hinihintay ako.
" Si vincent nasaan? " tanong nila.
" Wala siya paggising ko. Yung mga jowa niyo ba nasaan? " balik tanong ko.
" Paggising namin, wala na rin sila. Kaya takang-taka kami kung bakit hindi sila nagpapaalam. " nag-aalalang sabi ni trixy. Hindi rin nagpaalam sa akin si vincent.
" Baka nasa paligid lang yan, hintayin nalang natin dito. Ang mabuti pa, kumain na muna tayo ng breakfast. " napahinga ng maluwag si camille. Sabay kaming apat na pumunta sa restaurant.
Pero kumain na kami ng breakfast at launch, hindi pa rin namin nakikita ni anino nila dito sa beach. Hindi naman dapat kami kabahan dahil lalaki sila at sigurado kaming kaya nila ang sarili nila. Pero bakit ganito? Bakit kinakabahan kami? Lalong-lalo na ako?
Sinubukan naming libangin ang aming sarili sa pamamagitan ng pagligo sa dagat, pagkuha ng mga pictures, pero hindi pa rin eh. Hindi pa rin sapat. In the end, we just found ourselves, sitting on a white sand, trying not to feel nervous.
" Asan na ba yon? Kanina ko pa siya hinahanap. " alalang-alala ngayon si irish. Nakatingin kami sakanya ngayon. Pakiramdam ko, may importante siyang gagawin.
" Mayroon pa naman sana akong sasabihin sakanya. " nakayukong sambit niya. Sabi sa inyo, may importante siyang gagawin o sasabihin eh.
" Ano namang sasabihin mo? Sasabihin mo na ba sakanya ang isinisigaw ng puso mo? " tanong ni trixy. Nagulat kaming dalawa ni camille sa naitanong ni trixy.
" Lakas mong magtanong, pero hindi mo man lang masabi ang totoong nararamdaman mo para kay Ryan. " puna ni cams sakanya. Hinampas lang siya ni trixy at tinignan ng masama. Guilty.
" Oo. Naisip ko kasi na ito yung tamang pagkakataon na sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Dahil malayo tayo sa syudad, at maganda rin dahil nandito tayo ngayon sa isla, naisip ko na ang perfect lang kapag sinabi mo sa taong mahal mo ang nararamdaman mo. " hanggang ngayon nakayuko pa rin si irish.
" At sana yung iba diyan, sabihin niya na rin sa taong mahal niya ang nararamdaman niya. " pinariringgan ko si trixy. Tinignan niya ako ng masama.
" Ano ba kayong dalawa, ha? Kanina pa kayo. " naiinis na siya pero natatawa lang kaming dalawa ni cams. Mahaba ang pasensya niyan, kaya hindi magagalit yan. Si irish naman ay nagpatuloy sa sinasabi niya.
" Magpapatulong sana ako sa inyo kanina, kaso paggising ko, hindi ko na siya nakita, at alalang-alala ako, kaya nawalan na ako ng gana na gawin ang dapat gawin. Paano ko naman gagawin ang isang bagay kung wala naman dito yung taong mahal ko diba? " pagkukwento niya. Para lang siyang kumakausap sa hangin, kasi hindi niya kami tinitignan, kanina pa. Nakatingin lang siya buhangin.
" Kahit na, sana sinubukan pa rin natin diba. Malay mo, pagdating nilang apat dito, o pagdating ni adrian, maso-sorpresa siya kasi pinaghandaan mo siya. " nagbabakasaling sambit ni camille. Tumango-tango naman kaming tatlo.
" But it's too late. Bukas nalang siguro. " walang gana niyang sambit.
" Pero mahal na mahal na mahal mo siya diba? " akmang tatayo na siya pero natigilan siya sa naitanong ko, at napaupo ulit nang hindi pa nakakatalikod. Nakita ko kasi ang anino ng apat sa likod. Pansin ko na nakatayo lang sila doon, at parang naghihintay sa sasabihin ni irish. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano syempre.
" Sobrang mahal na mahal na mahal ko siya, drey. Kahit hindi namin pinag-uusapan ang bagay na iyon, mahal na mahal ko siya. " ang tamlay ng boses niya. Tumayo na siya at tatalikod na nang mabigla siya sa nakita. Nagtaka rin ang dalawa, at tumingin na rin sa likod. Syempre ginawa ko rin ang ginawa nila.
Agad akong pumunta kay vincent at niyakap ito ng mahigpit. Ganon din sina trixy at camille. May mga dala silang kahoy, medyo marami ang dala nilang kahoy. Nakita ko na may dala-dala si ryan na gitara, parang kahoy, actually kahoy nga siya. Ano nga ang tawag dun?
" Love, where did y'all go? Alalang-alala kami sa inyo. " may takot sa tono ng boses ko.
" May kinuha lang kaming mga kahoy, naisip kasi naming mag bonfire bukas ng gabi. Pasensya na kung hindi kami nakapag-paalam. " sabi niya habang nakahawak sa bewang ko. Tumango ako. Hindi na ako nagsalita kasi kitang-kita sa hitsura niyang pagod na pagod siya.
Si irish nandoon pa rin sa kinatatayuan niya, para bang may magnet yung dalawang paa niya kaya hindi na makagalaw.
" M-may n-narinig ka ba? " nauutal na tanong niya kay adrian. Kami namang anim ay pumagilid muna. Moment nila ito kaya kailangan pumagilid tayo. Hindi ko makita ang mukha ni adrian ngayon, dahil medyo malayo kami sakanila.
" Ano sa tingin mo? " balik tanong ni adrian.
" N-narinig mo. " kinakabahang sagot ni irish.
" Kahit hindi natin sabihin sa isa't-isa na nagmamahalan tayo, ramdam ko. Hindi naman ako manhid para hindi ka maramdaman. Tama nga ako. Mahal mo ako. " siguradong sambit ni adrian. Napayuko si irish sa sinabi niyang iyon. Pinipigilan ang pagngiti.
" Pero wag kang mag-alala, mahal na mahal na mahal din kita, kaya wala kang dapat ipangamba. Ang pag-ibig ko sayo ay tunay at puro. " banat ni adrian.
" Kanta ba yon, bro? Parang narinig ko na yon ah. " nagbibirong sabi ni vincent.
" Hindi. Sariling lyrics ko yun. " tugon naman ni adrian habang natatawa. Ang dalawang magpinsan talaga na to.
Nagulat na lamang kami dahil niyakap ni irish si adrian. Tuwang-tuwa naman yung mokong, nakikita ko dito na abot tenga ang ngiti. Habang pinagmamasdan sila ay kusa kaming napangiti ni vincent sa isa't-isa.
Bago kami natulog lahat, naglakad-lakad muna kami sa dalampasigan. Since nabasa kami kanina, naligo muna kami sandali sa dagat. Nilagay muna ng mga boys yung kahoy sa gilid. Gagamitin daw namin bukas yon sa bonfire.
" Baka bukas paggising namin, wala nanaman kayo ha. " sambit ni trixy.
" Magpapaalam na kami. " sabi naman ni ryan.
" Siguraduhin niyo lang. " paninigurado ni trixy. Napatingin naman ako kay vincent, pinandilatan siya ng mata. Laki ng ngisi ah.
Mas naeexcite ako bukas ng gabi sa gaganaping bonfire. Ano kaya ang masasayang ganap? Hmmmm...
***
BINABASA MO ANG
My First Love
Roman d'amourThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
