" She's The Queen Bee "
Andrea's POV
Maaga kaming pumuntang school kasi mayroong announcement na magaganap. Kagabi, pag-uwi ni camille, tulala siya at walang kibo. Dire-diretso lang siyang naglakad papuntang kwarto. Sinubukan siyang habulin ni Irish, ngunit pinigilan ko siya. I think she needs to be alone.
Ngayon, hindi namin siya kasama. Ayaw pumasok. Pero ang sabi niya kanina, kapag daw may gana siya mamaya, pupunta siyang school. Pero kapag wala, edi wala.
Nandito na kami ngayong lahat sa campus. Naghihintay sa iaanounce ni principal. Balita ko may bago daw Queen Bee. Sino naman? Nakahanap ng kapalit, agad-agad?
" I know you all are excited to meet our new Queen Bee, but before that, may ihahandog munang sayaw sa inyo ang Senior High Students. Gave them a round of applause. " the emcee of this school says.
Dahil mahaba ang pasensya naming tatlo, naghintay kami syempre. Hindi naman boring kasi magaling naman silang lahat sumayaw. Walang pilit. Swabe lang.
Pagkatapos sumayaw ng senior high ay nagsalita ulit ang emcee. He introduces our Principal in front of the crowd people, at nagpalakpakan kami nung pumunta siyang gitna.
" Calm down my dear students... The New Queen Bee is in the backstage already, waiting for me to call her. " sabi ni principal. Nagbulungan naman ang mga tao about sa queen bee.
" I will do have a small speech. Naisipan kong palitan na ang Queen Bee, since nagtagal din naman siya sa pwestong iyon at para sa akin, ayon ay sapat na. I wanted you all to understand na dahil pinalitan na ang ex queen bee natin ay hindi ibig sabihin non na binalewala ko ang kanyang mga ginawa. Hindi lang naman ako ang nagdedesisyon dito. Alam ko rin na napamahal na kayo sa dati nating queen bee ngunit darating din ang araw na masasanay din kayo sa bago. Sana ay maintindihan niyo ang nais kong sabihin at iparating. Transferee siya at gustong-gusto niyang mag-aral dito and given the fact that her fiance is here in our school. " paliwanag niya. Tumango naman yung mga tao at ngumiti na nagpapahiwatig na naiintindihan nila. Pero... may fiance siya dito sa school? Sino naman kaya? Classmate ba namin? Nasa ibang section ba? O nasa ibang year?
" Ladies and gentlemen, let us all welcome. The New Queen Bee of this school!! Althea Lyka Javier! " masayang pagpapakilala ni principal.
Lumabas siya at sa paglabas niya'y natulala ang mga tao sa kagandahan niya. Nararapat na maging queen bee siya kasi maganda siya, pero sana may utak din siya. Hindi naman siguro siya ideneklara na isang queen bee kung wala siyang utak diba? It's all about beauty and brain.
Kumaway kaway siya sa mga tao at ang kanyang ngiti ay malawak na malawak. Yung mga lalaki dito, sobra ang ngiti at pagkagat labi. Yung iba nga nahulog kaagad eh. Laway na laway? -_-
" Hello everyone. I'm Althea Lyka Javier. 18 years old. Im the new queen bee of this school. I do hope magiging magkasundo tayong lahat at matanggap niyo ako. Thankyouu. " grabe ang hiyawan ng mga tao at may ibang grupo na grabe ang tulakan, makapapansin lang sa queen bee.
Nagkatinginan kaming tatlo at napakibit ng balikat. Maganda naman siya. Pero sana, hindi mapunta sa section namin. We admit na ayaw naming malamangan ng kahit na sino. Kahit pa ang queen bee na ito, pero kung hahamon siya, aba syempre! Walang pag-aalinlangan na hindi kami magpapatalo.
But on the other side, naniniwala akong may utak siya at sana magamit niya ito sa tama. The ex queen bee is naging kasundo namin, at hindi namin siya naging classmate, kaya walang sapawan na naganap. Everytime we are on the hallway, na nakikita namin siya, nginingitian niya kami ng walang halong plastik. Sana nga lang, ganon din mangyari.
" Yah, right. She's the new queen bee. And she's also the fiance of aeron. " biglang sulpot ni cams sa tabi ni trixy. Whaaaattt?
Nanlaki ang mga mata naming tatlo at hindi makapaniwala sa narinig. Camille just give us a smirk. Ah, kaya pala kagabi para siyang binagsakan ng langit at lupa, kasi nalaman niyang may fiance na ang kanyang minamahal—este kaibigan pala. Wala na tayong magagawa doon.
" Wag kayong mag-alala, nung nalaman ko na fiance niya yan, ganyan din ang naging reaction ko. Parehas lang tayong lahat. " again, she smirk. Hindi ko gusto ang klase ng smirk na yan.
Inayos namin ang aming mukha pagkasabi niya non, at ibinalik ang tingin sa harap kung saan nandoon si queen bee. Nagtitili pa rin ang mga tao dahil she is entertaining the crowd. Artista ba siya?
Nasa canteen kami ngayon, at hindi pa rin kami makaget-over sa nangyari kani-kanina lang. Hindi lang naman kami, kundi ang buong tao dito na nasa canteen. Usap-usapan. I heard so many gossips.
"Ahh, kaya pala ganon na lang ang naging mukha mo pagkauwi mo ng bahay. I understand." irish says.
" Yah. Pero hayaan niyo na. Kalimutan na. Tanggap ko naman na. Tsaka wala akong lugar sa puso ni aeron. " may parte sa tono ng boses niya na sumusuko na siya. Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ito yung camille na nakilala ko. Yung basta-basta na lang sumusuko? Psh.
" What? Sumusuko ka na? Girl, mas maganda ka sa babaeng iyon. Akala ko ba mahal mo si aeron. Hanggang dun na lang yon? " kunot noong tanong ni trixy. Tinignan siya ni camille, she then smiled. Ngiting ' relaxxxx. Magtiwala ka sakin '
" I am emotionally tired for trying so hard for the people, I can't even have. But on the other side, I am just joking. Tuloy ang plano. " sabi niya at ngumisi. Bilis mag change ng utak ah.
" I don't want to dissapoint myself for not having my love. And he is Aeron. " ngumiti siya't nilagay ang kanyang dalawang kamay sa pisngi at ngumiti ng simple.
Nagpalakpak kaming tatlo sakanya, hindi yung palakpak na maririnig sa buong campus ha. Yung sakto lang. Ganyan dapat. Ipinaglalaban ang taong mahal mo.
May tiwala ako sakanya at alam ko namang ipaglalaban niya ang kanyang minamahal. Kahit di niya sinabi sa amin nung una pa lang na mahal na niya si aeron, alam na namin. Malalaman mo yan base on her galaw. Atsaka sa mga mata niya.
***
Author's Note:
Nakilala niyo na si Ms. Queen Bee. Ano masasabi niyo? Just sit back and relax, dahil marami pang mangyayari.
Thankyou for reading! Wo ai ni. <3
BINABASA MO ANG
My First Love
Lãng mạnThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
