A/N: This bonus chapter will state what happened to Trixy De Los Santos, and the life of Andrea she has.
Third Person's POV
Nawalan ng malay si trixy, sa kadahilanang nabangga siya ng sasakyan. Duguan ang ulo nito, ang daming taong tumutulong para mailabas siya ng sasakyan lalong lalo na yung nakabangga sakanya. May mag-asawang nag volunteer na dalhin siya sa hospital.
Meanwhile, tatlong araw na ang nakakalipas, kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha ng ina ni trixy, ganon din ang kanyang ama.
" Trixy, where are you? Please answer the phone! " nagpapanic na sambit ng ina at pabalik-balik ito ng lakad.
" Tumawag tayo ng pulis. " suhestyon ng ama. Saglit na napatingin ang ina sa kanyang asawa.
" Yon lang? Tatawag ka lang ng pulis? Tapos ano? Uupo ka at hihintay ng biyaya?! Hindi mo hahanapin yung anak mo kasi wala kang paki-alam sakanya! " naiinis ito habang sinasambit iyon, na para bang sinisisi niya ang kanyang asawa.
" Magsisisihan tayo ngayon? Wag na wag mong kakalimutang tayong dalawa ang may kasalanan dito! Wag mong ipasa sa akin na para bang ang linis linis mo. " hinawakan nito ang jawline ng babae at piniga, uminda ito ng sakit kaya naman ay natahimik na lamang.
***
*Hospital*
Naka-upo ngayon ang mag-asawa na siyang hinihintay na magising si trixy. Patingin-tingin ang babae kay trixy, nagbabakasakaling gumising na ito.
" She is suffering an amnesia. Mahihirapan siyang alalahanin ang mga nakaraan niya. " nag-aalalang sabi ng babae. Tumango ng dahan-dahan ang lalaki sa nasambit ng babae.
Gumalaw ang kamay trixy at unti-unti nitong iminumulat ang kanyang dalawang mata. Nagtataka ito kung bakit puro puti ang kanyang nakikita. Nung tumingin sa gilid ay may nakita siyang dalawang taong naka-upo.
" Si-sino kayo? A-asan ako? " sunod-sunod na tanong niya, sobra ang pagtataka nito kaya gumalaw siya ng gumalaw para malinawan. Agad na tumayo ang babae at nilapitan si trixy.
" Huminahon ka. Nandito ka sa hospital, kami ang nagdala sayo dito kasi naaksidente ka. " habang nagsasalita ang babae ay litong-lito naman si trixy sa mga nangyari.
" Wala ka bang naaalala? Kahit pangalan mo man lang? " tanong ng lalaki. Hindi makasagot si trixy dahil naguguluhan ito.
" I am Denise Givera, and he's my husband, Larry Givera. " pagpapakilala ni denise.
" Eh a-ako? Si-sino ako? " tanong ni trixy habang tinuturo ang sarili. Malungkot na nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita.
" Your name is Trixy De Los Santos. Mayaman ang pamilya mo. We already called them so that they can go here in the hospital. " paliwanag ni larry.
" Kahit isang alaala lang sa memorya mo, wala talaga? " tanong ulit ni denise. Napahawak si trixy sakanyang ulo, tila gulong-gulo pa.
" Siya, siya, we will give you time muna para makapag-isip. If kailangan mo ng tulong, nandito lang kami sa gilid. We won't disturb you. Take your time. " pagbibigay daan ni denise dahil pansin nitong walang gana si trixy na makipag-usap sakanya.
Paglipas ng umaga ay dumating ang mag-asawang De Los Santos sa hospital. Hindi maipinta sa mukha ni Misis De Los Santos yung grabeng pag-aalala na nararamdaman niya.
" Mr. and Mrs. De Los Santos! " bati ni larry nung insaktong lumabas ito ng pintuan.
" Ikaw ba yung tumawag? Where's our daughter? We need to see her. " sambit ng ama ni trixy.
" Yes, sir. Nandito po siya. Come in. " sambit ni larry at pinapasok ang mag-asawa sa loob. Sakto naman dahil pagpasok nila ay gising na si trixy. Kumunot ang noo nito sa dalawang taong kakapasok lang. Nilapitan ito ng kanyang ina at niyakap ng mahigpit, sumunod ang kanyang ama. Nagtataka at naguguluhan itong nakatingin kay denise at larry. Tinanong ni trixy kung sino sino sila pagkatapos ng yakap. Gulat na gulat ang mag-asawa sa naitanong ng kanilang anak. Denise and Larry then explained what really happened.
" Thankyou very much for your help. You saved our daughter, much appreciated. " pagpapasalamat ng ina. Denise smiled and bow her head to Mrs. De Los Santos, Larry just smiled.
Nagpasya ang ama ni trixy na iuwi na ito sakanilang bahay as soon as possible. Kumunot naman ang noo ni denise sa kanyang narinig. Larry directly said to the father of trixy na hindi pa pwede iyon kasi magrerecover pa siya. Napuno ng bangayan ang kwarto kaya napasigaw ng wala sa oras si trixy.
" PLEASE STOOPP! JUST PLEASE STOP. I AM NOT YET OKAY, MY HEAD IS STILL HURTING AND I FEEL LIKE IT'S STILL BLEEDING. WAG KAYONG MAG-AWAY, PLEASE. TSAKA PWEDE PO BA, WAG NIYONG AWAYIN SI GINANG DENISE AT GINOONG LARRY. " mahinahon ang boses nito at medyo naging mahina. Hindi gaya ng dati na kung makasigaw, grabe.
" Hindi namin siya inaaway, anak. Nagkakaroon lang ng di pagkakaintindihan. " paliwanang ni misis de los santos. Kahit gulat ito na nasabi ni trixy ay nagawa pa nitong magsalita.
" We will take you home as soon as possible. Whether you like it or not. Hindi ka na bata para magstay pa dito sa hospital. " ma-awtoridad na sambit ng ama ni trixy.
" I am staying here, with them *sabay turo kina denise at larry* Hindi ko kayo kilala. Kung parte man kayo ng aking nakaraan, mas mabuti pang pipiliin ko na lang na wag ng balikan yon. " diretso ito at seryosong sambit ni trixy.
" Hindi mo rin naman kilala ang mga taong ito, trixy. They just saved you, nothing more. Kami to oh, yung mga magulang mo. Yung minahal mo ng buong buo. " pilit na pinapaalala ng ina ni trixy na sila ang magulang niya. Naningkit ang mga mata ni trixy, tila kinikilatis ang mga ito.
" Is my past full of pain? full of sadness? full of grief? and messy? Base on what I see, it is. If yes, then I'm sorry, I'd rather not go back. " pagkasabi ni trixy nun ay bumalik siya sa pagkakahiga at hindi na pinansin pang muli ang kanyang mga magulang.
***
After 2 years..
Sa wakas ay nanganak na rin si Andrea at pauwi ito ngayon ng Pilipinas dahil doon gaganapin ang binyag. Lalaki ang naging anak nila ni vincent and he was named VINCENT GABRIEL DE LOS REYES. Ang tawag sakanya ni gian kriss at blaire ay vincent. Para kahit daw hindi nagkita si vincent at gian, naaalala niya ito sa anak nila ni andrea. Marami ang nagsasabi na kuhang-kuha daw nito yung features ni vincent. Mata, Ilong, Pisngi, Labi, at Forehead. Pati yung shape ng mukha. Andrea is so happy tuwing sinasabi nila iyon, kasi kahit siya, agree din, at nakikita niya si vincent sakanyang anak, kaya naman she named the first name, vincent.
Sinalubong ng tatlong magkakaibigan ang kanilang kaibigan na nanggaling sa cali with her baby. Pagkarating pa lang ay kinarga na kaagad nila ito.
" Shet, ang gwapooo. " kinikilig na sabi ni irish. Andrea just laughed. Palagi niyang sinasabi na nagmana sakanyang ang kagwapuhan ni vincent, kahit ang totoo sa daddy niya naman talaga nagmana. Napatingin si Andrea kay Trixy, they smiled at each other.
" I'm Andrea De Los Reyes, in case hindi mo ako naaalala. " biro ni andrea. Trixy just laughed at her. Maraming nagbago sa loob ng dalawang taon. Yung pakikitungo, yung samahan, yung kulitan, at tawanan. Mas pinili kasi ni trixy na wag masyadong kumuda ng kumuda, pero minsan hindi niya naiiwasan. Medyo mahinahon na rin siya kung magsalita ngayon at hindi na palasigaw.
Nandito na nga rin pala sa Maynila yung mga magulang ni vincent, including adrian. Masayang-masaya nga si irish dahil palagi na silang nagkikita ni adrian. Binalitaan sila ng mga magulang ni andrea na gaganapin ang binyag pagdating ni andrea, sa sobrang excited ay kaagad itong bumili ng ticket at napapuntang Maynila. They're excited to see their grandchild.
***
A/N
So paano ba yan? Magkita-kita na lang tayo sa epilogue. Hays, matatapos na ang storyang to. Nakakalungkot. Pero okay lang yan. Lahat ng bagay natatapos. Uy, hugot.
Thankyou for reaadingg!
BINABASA MO ANG
My First Love
RomantizmThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
