Chapter 60💛

9 0 0
                                        

" SPENT TIME WITH THE SQUAD "

Andrea's POV

Ang ganda ng beach nila at yung mga pools nila. Lalong-lalo na yung infinity pool. Gustong-gusto ko ang mga ganyan.

Pagkatapos kasi namin mag launch, nilibot namin ang kabuuan ng beach. Ang lawak din pala. Lahat ng swimming pools nila dito, ang gaganda. Lahat gustong-gusto ko.

" Love, ang ganda ng sand oh. " parang bata kong sabi. Nag-iinarte ako pero hindi siya nagsasalita at nakangiti lang habang pinapanuod ako. Nahihiya tuloy ako.

Syempre hindi mawawala yung picture taking, kanina pa nga kami nagpipicture taking dito eh. Since yung mga cellphone namin ay mamahalin, no need for the good quality. Malinaw na malinaw ang mga kuha. Ang gaganda.

Pumunta kami sa infinity pool at doon muna mags-stay, mabilis lang kami doon. Agad kaming humiga ni vincent sa hinihigaan at inuupuan ng mga tao. Halos kami lang ang nandidito ngayon.

" Baby, swimming tayooo. " aya ni camille kay aeron habang hinahatak ito. Dahil mahal na mahal ni aeron si cams, syempre pumayag.

" Woah, ang lamiiggg! Mga bro, try niyooo! " sambit agad ni aeron nung nasa swimming pool na siya. Nakangiti naman ako habang sinasabi niya yon. Malamig ba talaga?

" By, taraaa! " aya naman ni trixy kay ryan.

" Ang lamigg, by. Pilitin mo ako! " nanunuksong sambit ni ryan. Ang kyoot hahahha. Ngumiti naman ng bahagya si trixy, kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa na pilitin ito.

" Halikaaa naaaa, maligoo na tayoo. Mabilis lang tayo! " siguradong sambit ni trixy.

" Talaga? Osige! " ayan, pumayag din!

Napatingin ako kay vincent. Tinitignan niya lang sina cams, aeron, trixy, at ryan na naliligo habang natatawa.

" Oh? Ano namang banat mo? " natatawang tanong ko. Pansin ko na lahat sila ay napatingin. Paano ba naman, nag-eecho yung sinasabi namin. Hindi siya nakasagot, kaya inunahan siyang magsalita ng anim.

" Maliligo na yan! Maliligo na yan! " pagche-cheer nila, hahahhaha!

Dahil naghubad na ako ng short, diretso swimming na lang ako kaagad kapag nagkataon. Bumilis ang takbo ng oras, nagulat na lamang ako na hinila na niya ako at sabay kaming tumalon sa infinity pool. Hanggang sa umahon ay magkahawak pa rin ang aming mga kamay.

Tawang-tawa siya nung umahon kami mula sa tubig. Nagulat ako don ah. Tawang-tawa ang mga kaibigan ko at kaibigan niya saming dalawa. Hindi siya gaano kalalim, sakto lang sa height ko.

Pumunta kaming dalawa sa dulo, yung makikita mo ang kabuuan ng beach. Nakatingin lang kami dun, tinitignan kung gaano ang beach na ito.

" Ang ganda dito, love, noh? " sabi niya sa akin.

" Oo nga, love. Ang ganda ng ambiance, ang perfect ng beach na ito. " sambit ko naman sakanya.

Maya-maya pa, nagulat na lang ako dahil nakayakap na siya sa akin mula likod. I smiled. Kung pwede lang na tumigil ang oras, sana tumigil.

" This is our first time na umalis at tumakas sa syudad. " sambit niya at hinalikan ang aking pisngi. Natawa ako sa nasabi niya.

" Tumakas talaga? Tama ka. Kung kasama kitang tumakas palagi, hindi ako magdadalawang isip na pumayag. Palagi akong papayag na tumakas kasama ka. " nakangiting sambit ko. Pagkatapos kong magsalita ay hindi na rin siya nagsalita.

Dahil malaking epal ang mga kaibigan namin, nakarinig kami ng 'ayiiiiieeeeee' sakanila. Ryan and Adrian, also did the yakap-mula-sa-likod-thing! Bwiset na yan! Syempre tawang-tawa naman kaming lahat. Goodvibes!

Nagulat nga ako na naligo sina adrian at irish. Siguro hindi ko lang sila napansin. Busy kasi sa kaka-appreciate sa ganda ng beach na ito.

***

Iniwan namin ang anim don na naliligo sa infinity pool. Nagbihis na kami ni vincent dahil medyo hapon na. Mag-aabang nga pala kami ng sunset mamaya.

Pagkatapos ay pumunta kami sa Teraza nila na pwedeng manuod ng sunset. Pumunta kami doon at umupo.

 Pumunta kami doon at umupo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Alam mo, love. First time kong naranasan ang mga ganito. " sabi niya sa akin. Napatingin ako sakanya.

" Sa manila, tagaytay lang ang napuntahan ko. Kasi last time, mabilis lang kami sa manila eh. Umuwi kami kaagad. Hindi na kami nakapag-pasyal. " kwento niya.

" Bakit naman? Nagmamadali ba kayo? " interesadong tanong ko.

" Hindi kami yung nagmamadali, si tita. Siya yung nanlibre sa amin. Nagpapasalamat nga ako sakanya dahil nilibre niya kami. Akalain mo, sa tagaytay niya pa kami nilibre. " may yabang sa tono ng boses niya.

" Pero kahit nagmamadali si tita, nagkaroon pa rin kami ng oras, mag-enjoy nun. Kasama rin si adrian, syempre. Ang ganda ng tagaytay, love. " masaya niyang kwento. Syempre ngiting-ngiti rin ako habang nagkukwento. Natutuwa ako kapag nakikita siyang masaya.

" Laking pasasalamat ko na dumating ka sa buhay ko. Ipinaranas mo sa akin ang ganitong klaseng getaway na hindi ko pa nararansan sa buong buhay ko. Kadalasan kasi, pamilya ko ang nakakasama ko sa mga getaways, ngayon iba na. Ang saya ko lang na nakasama kita sa ganitong beach. Ang saya saya ko. " masaya niyang kwento sa akin. Bahagya naman akong napangiti.

" Masaya rin ako na nakasama kita ngayon. Masaya ako dahil masaya ka. " sambit ko sakanya at tumayo ako para tignan ang sunset na malapit nang magpakita.

" Masasaksihan natin ngayon ang sunset, tayong dalawa sa islang ito. Magiging saksi ang sunset sa pagmamahalan natin. " nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon, nakatingin rin ako sakanya, syempre.

" Ang dami nang nakasaksi ng pagmamahalan natin. Natutuwa ako dahil itinuturi mong mahahalagang bagay ang mga nilikha ng Diyos. Mga nilikha niyang hindi man natin nahahawakan o mahahawakan, at nakikita lamang natin. To more adventures together. " sinabi ko iyon mismo sa harap niya at tiningnan ang sunset na nagpakita rin sa wakas.

" Tignan mo, nakangiti ngayon yung sunset oh. Tignan mong maigi. " paki-usap niya. Syempre tinignan ko naman.

" Nakikita ko mula dito, na nakangiti siya ng bahagya sa ating dalawa. " nakita ko sa peripheral view ko na napangiti. Hindi ako makatingin sakanya ngayon, because I was too mesmerized by the beauty of sunset.

Natatawa na lamang ako sa mga sinasabi niya about sunset, hindi ko makita na nakangiti ng bahagya ang sunset sa aming dalawa, pero alam niyo kung sino ang masaya? Yung mundong ibabaw. Lalong-lalo na yung Panginoon.

" I love youuu. " sambit ko sakanya. He looked at me with full of love.

" I love you too. " nakangiting sambit niya. Kasabay nang paglubog ng araw, ay ang paghalik ko sa pisngi niyang malambot.

Tinapos namin ang araw na uminom saglit sa isang kwarto, naglaro ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung maingay ba kami pero siguro. Tawa kasi kami ng tawa eh. Dahil na rin syempre naka-inom kami, malamang iingay kami.

***

A/N: A BIG BIG CREDITS TO OYSTER.COM AND TO CLUB FUNTA FUEGO FOR THE PHOTOS. THANKYOUUU.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon