Chapter 56💛

9 0 0
                                        

" SHE DESERVE THIS MAN "

Andrea's POV

" How can you prove to all of us here that you deserve to be his boyfriend? Base on what you said awhile ago, mahirap ka, mayaman ang aming anak, I just want two answers. " seryosong tanong ni dad. Napalunok ng isang beses si vincent, nakita ko yon.

" Hindi pa man magkakilala ni andrea, naki-usap na ako sa Diyos. Sabi ko, sana ibigay niyo sa akin ang babaeng deserving sa pagmamahal na ibibigay ko, sa pagmamahal na ibubuhos ko. Pangako, hindi ko sasayangin. And then one day, nagising na lang ako na binibigay na sa akin ng Panginoon ang ipinagdarasal ko. May isang bagay akong pinaghahawakan sa buong buhay ko. " he paused for awhile.

" Kapag may isang bagay kang hiningi sa Diyos, syempre matatagalan yon, kailangan nating maghintay. At kapag dumating na ang ipinagdarasal mo, believe me when I say it's worth the wait! Alam niyo po ba, the first I saw her beautiful face, the first time I see her with my two eyes, sabi ko agad sa sarili ko, ito na yon. Ito na ang ipinagdarasal ko. Binigay na ng Panginoon. " masayang-masaya niyang sambit at hinawakan ang aking kamay looking at me with full of love. Ngumiti ako habang may mga luhang nangingilid sa aking mga mata. I want to cry! Bakit ngayon niya lang sinabi yon?

Mommy and Daddy smiled widely to each other while nodding their head. Sa galaw nilang yon, sinasabi nilang, ' SHE DESERVES THIS MAN, I CAN SAY IT! ' parang ganon.

" One last question, hijo. How can you promise to all of us here that you're willing to take care of her, to love her, and to feel her loved as much as you can? " sa tanong na yon ni daddy, napangiti ng bahagya si mommy na parang sinasabi niyang, ' HE IS THE MAN WHO DESERVED TO BE PART OF THE FAMILY. '

" Matagal ko na pong pinapangako sakanya na aalagaan at mamahalin ko siya sa abot ng aking makakaya, alam ko po sa sarili ko na ipinaramdam ko po sakanya lahat ng dapat niyang maramdaman, lahat ng deserve niya. I think I don't need to answer that question kasi napatunayan ko naman na. Hanggang sa dulo po ng aking hininga, asahan niyo po na mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko. " simpleng sagot niya. Napailing ako habang nakangiti. Kahit kailan talaga, ibang klase ang mga sagot niya kapag ako ang pinag-uusapan.

Mommy clapped her hands. Saying that she is proud. Saming dalawa ba? O kay vincent? Nagulat ako nung napatayo siya, lumapit kay vincent at niyakap ito. Napatayo naman si vincent para yakapin ang aking ina. Daddy also stand up, he tapped the back of vincent, and then they hugged. Ang sarap sa mata na makita.

" Thankyou po. Maraming maraming salamat. " pagpapasalamat ni vincent. Mommy and Daddy just smiled at him.

" We are looking forward to meet your parents. Sana makapunta sila dito. " sambit ni daddy.

" Opo. Sasabihan ko po sila. " sabi naman ni zion. Bumalik kami sa pagkakaupo at nagkwentuhan ulit. This time, masayang kwentuhan at tanungan na.

" Can I call you vince? " parang batang tanong ni mom. Psh.

" Yes naman po, why not? " sagot niya habang sandaling napatingin sa akin.

Masayang masaya naman si mommy dahil pinayagan siya ni vincent. Hala siya. But honestly, first time kong nakitang ganito kasaya ang mga magulang ko. Especially, my dad.

Kinuha ni mommy yung red ribbon sa ref and she sliced it, ofcourse. Ako mismo ang nagbigay kay vincent ng plato na may lamang slice cake.

Sinabi namin sakanila na kahapon pa kami dumating dito, syempre nabigla sila, pero nagpaliwanag naman kami kung bakit. Tinanong nila kung saan kami kagabi natulog, sinagot ko sila na sa hotel kami. Naikuwento ko pa na iniwan ko sandali si vincent doon sa hotel dahil nga pumunta ako dito sa bahay namin. My daddy disagree. Patay tayo diyan.

" Iniwan mo si vincent doon? Hindi niya kabisado ang Maynila. Ikaw talaga, andrea. " waaaahhh, kampi sila kay vincent. Vincent look at me. Napangisi siya.

" Kampi sa akin ang mga magulang mo. " panunukso niya. Binilatan ko lang siya.

" Sa akin naman kampi ang mga magulang mo. " mayabang kong sabi habang binibelatan siya. Akala niya ha.

" Iniwan mo siya, buti nakapunta pa siya dito. Naku, ikaw talaga, andrea. " sabi ni mommy. Hala, dumagdag pa.

" AHAHAHAHA, okay lang po. Marunong naman po akong magtanong. " aya ni zion.

" Hindi pa din. " highblood na si daddy, hahah char.

" Tito, okay lang po talaga. Tsaka mahal na mahal ko po ang anak niyo. " nakangiting sambit niya habang nakatingin sa akin.

" Isusumbong kita pagbalik natin sa Silay. Didiretso agad ako sa bahay niyo. " nanghahamon kong sabi. He just laughed.

Pagkatapos ng lahat ay nakita ko ang dalawa, na nag-uusap sa sala. Nagulat ako kasi nung pagbaba ko, nakita ko silang dalawa na nag-uusap habang may tubig na hawak.

Dito kaming dalawa matutulog. Si kuya doon muna matutulog sa guest room. Ako naman sa kwarto ko. Pinahiram ko muna sakanya yung pantulog ni kuya. Minsan lang naman sinusuot ni kuya yang pinahiram ko sakanya.

Pumunta ako ng kusina dahil nandoon si mommy. Tinanong ko kung ang pinag-uusapan nila dahil mukhang seryoso.

" Ganyan talaga ang mga lalaki, maraming pinagkukwentuhan yan. Bigyan mo sila ng oras para makilala ang isa't-isa. " ang nasabi sa akin ni mommy.

Nung matutulog na, pumunta na akong kwarto. Sumilip ako sandali sa labas, kung may mga tao pa ba. Patay na ang lahat ng ilaw. Ibig sabihin, tulog na ang mga magulang ko. Dali-dali akong lumabas at kumuha ng maiinom sa kusina. Pagkatapos uminom ng tubig, pumunta ako sa pintuan ng guest room. Pinakiramdaman ko kung gising pa ba siya. 

Narinig ko ang mahinang pagkanta niya. Gising pa ang boyfriend ko. Ang sarap naman sa tenga pakinggan yung kinakanta niya. Minsan ko lang marinig na kumakanta siya at sa mga ganitong oras ko pa narinig ulit. Makapasok nga.

***

A/N: CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO.

THANKYOU FOR READING, BABIES.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon